" OMG!!! mag kakasama kami ng habibiko...."  Umiling nalang kami nila mama at tumawa.

Pagka tapos naming kumain ay nanuod lang kami ni Jamaica ng Netflix.

" Napaka bobo talaga nong bida!" Reklamo ni Jamaica. Mas bobo parin sya dahil alam nyang palabas lang nakiki pag bobohan naman sya.

Hindi ko alam kong anong pina nuod namin, basta para syang horror pro pina patay yong mga kasama ng bida.

" Ang ingay mo naman Mai, lipat mo nalang kaya yan! "  Kanina pa kasi sya sigaw ng sigaw eh.

Hindi nya ako sinagot at na nood parin sya. Habang ako naman ay nag ce-celphone, taka naman ako ng tumawag si kuya.

" Kuyaa... Bakit? "  Sagot ko agad sa tawag nya.

" Are you busy sis?" Tanong nya sakin.

" Hindi naman, bakit? "

" I forgot my laptop, pasuyo namang ihatid Yan oh! It's really important. Nandyan kasi ang kailangan ko sa meeting mamaya."  Important nga!

" Okay kuya, ihahatid ko ngayon na dahil aalis kami mamaya ni Jamaica.

" At San naman kayo pupunta? "  May halong pag tatakang tanong nya.

" Mag hahanap ng boylet Habibi ko! " Hilig talaga nyang sumingit sa usapan eh no.

" Tsk! "  Yon lang ang sinagot ni kuya at pinatayan na ako ng tawag.

" Anong sabi nya Pau?"  Natatawa parin ako habang inayos ang upo ko. 

" Nalimotan nya yong laptop na gagamitin nya for meeting later."  Sagot ko sa kanya at tumayo patungong kwarto ni kuya.

" Can I come please..... " Pag papacute nya sakin.

" Hahahah .. of course "  iniwan Kona sya para Kunin ang laptop ni kuya. Nakita ko naman ito agad, dahil nasa mini table lang naman nya ito nilagay.
Agad ko naman itong kinuha at bumalik sa kwarto ko para tawagin si Jamaica.

" Mai let's go!! "  Lumabas naman sya agad at katulad ng kanina, ay naka suot parin sya ng Short at jacket. Habang ako ay ganon parin, hindi na kami nag abala pang mag bihis total ihahatid lang naman namin tong laptop at pagka tapos ay umuwi para mag prepare sa lakad namin mamaya.

" Anong sasakyan natin pau?" Tanong nya sakin habang pababa kami ng hagdan.

" Hihiramin kolang yong Isang sasakyan ni papa, wala pa kasi akong sariling sasakyan eh! "  Gusto nga nila papa na bilhan ako ng sarili kong sasakyan kaso tumangi ako, gusto kong pera ko talaga yong ibibili ko ng sarili kong sasakyan. Kaya no choice ako kundi ang maghiram muna.

" Pa!!!!" Tawag ko sa kanya habang nag babasa sya ng jario.

" Why princess? "  Baling nya sakin.

" Pahiram po muna ng sasakyan, ihahatid kolang tong laptop ni kuya na naiwan nya."  Sabi ko at sabay lapit sa kanya.

Inabot nya naman sakin ang susi.
" Mag iingat kayo! "  Paalala samin ni papa.

Humalik lang ako kai papa at umalis na kami ni Jamaica, ako ang nag mamaniho. Habang si Jamaica ay nag aayos ng sarili nya, parang tanga.

" Nag aayos Kapa ah, hindi ka nanga nag bibihis eh! "  Turan ko sa kanya habang nag babyahi kami.

" Para naman muka akong tao when my Habibi see me no! "   Hahaha putik nya talaga.

" Iwan ko nalang sayo! "  Hindi nya nalang ako pinansin dahil busy sya pag aayos sa sarili nya.

Ng maka rating kami sa companya namin ay agad na kaming bumaba. Bitbit ang laptop ni kuya ay sabay kaming nag lakad papasok sa loob ng companya. Dahil kilala na ako ng mga staff dito ay naka pasok naman kami agad.

The Campus Dream  BoyWhere stories live. Discover now