Chapter 1: Nakita ko ulit s'ya.

98 3 0
                                    

Chapter 1: Nakita ko ulit s'ya.


"Sa pagibig, kaya mong isakripisiyo lahat. Kahit ang mga bagay na napaka-hirap gawin, nakakaya mo para lang sa pagibig."



Gail's POV


Umaga ngayon, papunta na ako sa school. Wala namang pagbabago, naging senior (4th year) lang ako.


Hindi na ako masyadong na-eexcite sa pagpasok, di katulad nuong 1st year palang ako. Hindi ako magkanda-ugaga nuong first day ko.


Kaso sa hindi ko inaasahan, may nakasalubong ako sa daan..


Ang ex ko..



@School


"Oh Gail, aga natin ah?" bungad saakin ni Julia, bestfriend ko.


"Juls, may naka-salubong ako kanina.." naka-yukong sabi ko sakan'ya.


"Sino naman? At ba't parang ang tamlay mo?" hinawakan n'ya pa ang nuo ko, tinitignan kung meron ba 'kong lagnat. Napa-kunot naman ang nuo n'ya ng wala naman akong lagnat.


"Si Kier." kamuntik namang maibuga ni Julia ang iniinom n'yang softdrink.


"Yung ex mo?!" gulat na gulat s'ya sa sinagot ko, tiningnan ko naman s'ya ng seryoso, at tumango. Nanlaki naman ang mata n'ya.


"Di nga?! Anong nangyare??" atat na tanong n'ya at tumabi s'ya sa kinauupuan ko.


Flashback...


Umaga ngayon, papunta na ako sa school. Wala namang pagbabago, naging junior (3rd year) lang ako.


Hindi na ako masyadong na-eexcite sa pagpasok, di katulad nuong 1st year palang ako. Hindi ako magkanda-ugaga nuong first day ko.


Kaso sa hindi ko inaasahan, may nakasalubong ako sa daan..


Ang ex ko..


Napa-atras ako ng kaunti, napaubo s'ya at humawak sa nuo n'ya. Hindi pa yata n'ya ko nakikita. Balak ko sanang tumakbo, kaso..


"Good morning, Gail Alexandrea Ford." bati n'ya saakin.


Hindi ako naka-imik, para bang napipi ako nung makita ko ulit s'ya.


Matagal na nung huli kaming nagkita, at 'yun ang araw na nakipag-break ako sakan'ya. Simula kasi nun, hindi na s'ya muling nagparamdam saakin.

Still Into You [On-Going]Where stories live. Discover now