Chapter 173: New Boothcamp

Start from the beginning
                                    

Pagkapasok ko sa loob. The whole house is giving me a tropical vibes. There's a contemporary tropical paintings in the living room at karamihan sa mga upuan ay bean bags. It's like a chill hangout place para sa magkakabarkada.

"Captain!" Tawag sa akin ni Noah at lumapit silang dalawa sa akin ni oli. Grabe hindi ko na alam ang magiging ingay ng boothcamp dahil sa energy ng dalawang ito.

"Milan ampota. Kadiri, walang callsign." Pagmamayabang ni Oli. "Kumare!" Tawag niya sa akin noong humarap siya.

"Iakyat ko na 'yong gamit mo sa itaas." sabi ni Sandro sa akin at nauna siyang pumanhik para ayusin ang gamit.

Naabutan ko pa sina Choji at Leon na sine-setup ang gaming pc nila sa practice room. They waved their hands. Pansin ko rin na wala pa ang ibang players kagaya nina Callie, Larkin, at Kurt. Kinda expected it with Callie and Larkin, parehas pa-VIP 'yon.

"Yow Milan!" Lumapit sina Choji at Leon sa akin at nakipag-appear sa akin. "Hindi mo pa ise-setup 'yong pc mo? Tulungan ka na namin." Prisinta ni Choji.

Minsan talaga ay may mga side ang ibang players na makikita mo lang kapag nakasama mo sila sa Boothcamp. Tulad nito, all along ay akala ko ay si Choji ang lider ng lahat ng mayayabang sa mundo but he has nice side din naman pala.

"Wala akong dalang pc." Pag-amin ko sa kanila.

"Ha? Paano ka magla-live stream niyan? Required tayo mag-live thrice a week." Choji said.

"I bring my laptop. Doon na lang, gaming laptop naman siya so keri naman." Tugon ko.

"Puwede mong gamitin 'tong gaming pc namin kung sakaling magla-live ka. G lang." Sabi ni Choji sa akin. "Mas maganda specs nito saka malinaw camera, kumportable ka pa kung sakali." Paliwanag niya. Goods na sana kaso ay may pahangin din talaga 'tong si Choji. Default sa Black Dragon ang pagiging mayabang, tinanggap ko na.

"Thank you. Sabi ninyo 'yan, ah'" natatawa kong tugon.

Maya-maya ay lumapit ulit sa akin sina Oli at Noah. Grabe 'yong energy nitong mga bagets na ito. Pinagmamasdan ko pa lang kung gaano sila kalikot ay pakiramdam ko ay hinihigop na nila ang energy ko. Ako ang napapagod para sa kanila.

"Ay Kumare, gumagawa ng playground namin si Thaddeus. Gusto mong makita?" Oli asked to me at napakunot ang noo ko. That's a kind gesture for Thaddeus kung ginagawan niya ng matatambayan itong mga bagets.

Parang mga bagets na tour guide ko itong si
May isang bakanteng room at naririnig ko nga si Thaddeus at Tristan na parang may ginagawa sa kuwarto na iyon. "Okay na ba 'yong taas?" Tristan asked.

"Taas lang kaunti pa then okay na." Sagot ni Thaddeus sa kaniya.

Dumungaw ako sa may pinto at natanaw ko sila na nagse-setup ng Speed bag. "May nice brother side ka naman pala." Sabi ko habang pinagmamasdan si Tristan at Thad na nahihirapan.

Thad looked into my direction and crunched his brows. "What are you talking about?" He asked.

"Ito, ginagawan mo ng tambayan ang mga bagets. May good brother side ka pala." Paliwanag ko pa.

"Bakit ko gagawan ng laruan 'yang mga 'yan?" Tanong ni Thaddeus habang hinihitak naman ngayon ang malaking gulong papunta sa isang sulok. "This is our gym area. Bawal 'yang mga 'yan dito."

Tumingin ako kay Noah at Oli.

"Makakalaro din kami diyan sa loob." Bulong nilang dalawa. Siraulo talaga.

Pumasok ako saglit sa room at talaga namang pinaghandaan nila Thaddeus at Tristan itong gym area nila dahil sa Rubber matte sa sahig. "Sapatos mo." Suway agad ni Thaddeus sa akin.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now