Kabanata 1

216 26 2
                                        

Malakas ang pagbuhos ng ulan ngayon. Tahimik at wala nang masyadong tao rito sa loob ng Library. Napadaan kase ako rito pagkatapos kong kunin ang aking uniporme mula sa isang sikat na patahian rito sa Cebu kaya naman ay pinili ko munang tumigil dito sa Library para magbasa ng mga libro. Pagmamay-ari ito ng Ama ng aking matalik na kaibigan na si Kyla.

"O, Tina may inihanda akong kape baka gusto mong uminom." alok ni Uncle Pedro. Matagal na niya akong kilala  dahil noon paman ay gumagala na ako rito para magbasa ng libro. Dito ko lang din nakilala ang anak niyang si Kyla na kalaunan ay naging matalik kong kaibigan. Grade 6 ako noong magsimula ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Nako maraming salamat Uncle Ped, pero baka maya-maya ay uuwi na rin ako. Kailangan ko pa kaseng gumising ng maaga bukas dahil masisimula na ang pasokan namin." inilagay ko sa lamesa ang libro kong hawak. Ngumiti ng napakalapad si Uncle Pedro.

"Hindi ako makapaniwalang Senior High School na kayo bukas ni Kyla. Parang kahapon lang ay nagtatalo pa kayo rito kung sinong haharap kay Conan. Kung hindi ako nagkakamali, Grade 6 kayo noong mangyari ang pinakaunang pagtatalo niyong dalawa." natawa ako nang maalala ang pagtutulakan namin ni Kyla noon.

Tanghaling tapat ay naglalakad ako papasok sa Library na pag-aari ng Ama ng kaibigan kong si Kyla. Nang makapasok ako ay napaigtad ako nang bigla niya akong salubungin at itulak papasok sa dulo ng Library. Hinayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa dahil baka may surpresa siya saakin. Napatigil nalang ako nang makita ang lalaking nakaupo at nakatalikod saamin ngayon. Nagbabasa siya ng libro at kahit na hindi ko nakikita ang buo niyang mukha ay nakilala ko kaagad siya. Nako naman, nandito na naman ang demonyo nagbabasa na naman siya ng libro.

"Diba siya iyong lalaking laging galit at laging nagsusungit sa tuwing nakakalimot tayo at nalalagyan natin ng malasadong itlog ang Noodles niya?" mahina kong bulong sa kaibigan ko, nakahawak ako ngayon sa kurtina ng silid. Kinakabahan ako nang maalala kung paano siya magalit, sobrang nakakatakot.

"Oo...tapos siya rin ang nagtago sa parang ballpen na bagay na kapag idinidikit natin sa Libro ay binabasa niya ang mga letra nakasulat dito. Napakademonyo niya, ewan ko ba kung bakit pa pinapatuloy 'yan dito!" naiinis na wika ni Kyla.

"Kyla, ihatid mo na ang noodles ni Conan!" narinig naming sigaw ni  Uncle Pedro, agad na nagtulakan kami. Ayaw ko sympre dahil na trauma ako noong last time na ako ang naghatid sa noodles niya.

"Ikaw na, ikaw naman ang anak ni Uncle Pedro!" pagdadahilan ko pa para makalusot ngayon sa sitwasyon.

"Ikaw na, noong nakaraan ako naghatid sa noodles niya e!" wika ni Kyla sabay tulak saakin hanggang sa nag-away na kaming tuluyan dalawa at hindi nagpansinan ng dalawang araw.

Napansin kong unti-unti nang tumigil ang ulan kaya naman ay napaisip akong umuwi na. Sinulyapan ko ang Orasan. Mag-aalas otso na ng gabi.

"Nako Uncle Ped, kailangan ko nang umuwi." saad ko sabay tuluyan nang tumayo, ibinalik ko ang tatlong libro kung saan ko sila kinuha, si Uncle Ped naman ay abala sa pag-aayos ng mga libro sa bookshelve ngayon. Kay tagal ko ring hindi nakabisita rito. Inayos ko ang aking polo-shirt na suot at naghahanda na para sa pag-alis ko.

Chasing Your Rays Où les histoires vivent. Découvrez maintenant