Ika-siyamnapu't dalawang Kabanata

Start bij het begin
                                    

"Omg Vianne this is so good" medyo maarteng wika nito kaya natawa kami.

"Sabi ko naman sayo eh, di ka kasi naniniwala"

Matapos naming kumain ay nakipagkwentuhan muna kami saglit kay Nanay, nagkwento ito kila Mommy kung paano niya ako nakilala nung bata ako.

------

"Vianne anong gusto mong pasalubong?" Tanong ni Kuya Alfie

7pm na ng gabi at nasa sala kami ngayon dahil katatapos naming kumain ng dinner. Vinideo call ni Mom sila kiya para mangamusta and it turns out na mamayang madaling araw na ang flight nila pauwi ng Pilipinas, mas napaaga daw dahil natapos na nila lahat ng work nila dun

"Kahit ano nalang kuya" wika ko

"Me kuya, I want new shoes please" wika ni Zia.

"Shoes again? Kakabili lang sayo ni Daddy ng shoes diba?" Wika naman ni Kuya Luis

"Yeah, last last week" sagot ni mommy

"Oh ayan sumimangot na, ibilhan mo nalang Alf" wika ni daddy kaya napapalakpak si Zia.

Kikay si Zia at dahil nga sa laking yaman siya ay lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, minsan nga ay nalulula ako sa mga presyo ng mga gusto niya. Pero kahit na ganun ay alam niya parin na dapat niyang paghirapan ang mga gusto niyang mabili.

"What about you Vianne?" Kuya Luis asked.

"Wag na po ku---"

"Hay naku She wants an ipad. I saw her looking for an ipad online, and she told me na she needs it kasi yung laptop niya super bagal ng magloading halos di niya na magamit for school purposes" singit na wika ni Zia. Napatingin ako rito at pinanlakihan siya ng mata.

"Is it true anak?" Tanong ni mommy, napatango naman ako ng dahan dahan

"Pero pwede pa naman po yung Laptop ko mommy, nahanap ko na technique para di matagal sa pag-on nun" wika ko

"We will buy you an ipad and laptop tomorrow" wika ni daddy na para bang nagdesisyon lang na bibili ng lollipop

"Hala daddy wag na po, tsaka nalang po kung sapat na yung ipon ko"

"Wag ka ng ano diyan Vianne, go na dad" excited na wika ni Zia.

"Pero nakakahiya po--"

"Vianne naman, diba We told you to tell us kung may mga kailangan ka? Para saan pa ang pera natin anak kung hindi ibibigay ang mga pangangailangan niyo"

"Nanghihinayang lang po ako mommy pwede pa naman po kasi yung laptop ko kahit medyo mabagal"

"Hay naku, basta mom dad ibili niyo na yan ng ipad" wika nila kuya.

Tumagal ang usapan namin ng mahigit isang oras, after nun ay napagpasyahan na naming pumunta sa mga kwarto namin para matulog.

Maaga akong nakatulog kaya naman maaga akong nagising. Agad na nagready ako para sa school.

"You're so early today anak" wika ni mommy matapos akong halikan sa pisngi.

"May kailangan po kasi kaming asikasuhin nila Dave mom, pwede po bang mauna na po ako?" Wika ko.

"Sure sure, call our drive na magpahatid ka. Sabay tayong uuwi mamaya ha?"

"Opo mommy thankyou"

Kulang ng 20 minutes ang biyahe patungong school, maaga pa kaya iilan palang ang estudyante. Nakita ko si Dave, Rico at Jenny sa may Shed kaya agad akong lumapit sakanila

"Anong plano?" Tanong ko sakanila.

"Wala nga kaming maisip eh, may suggestion ka ba?" Sagot ni jenny sa akin, umiling ako.

Path of a Lost FlowerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu