Makulimlim ang paligid at kumukulog ang langit. Kanina pa sina Aleya at ang kapatid nyang kambal sa lamay ng kanilang tito na isang linggo lang namayapa.
"Mukhang uulan." Bulong ni Aleya habang palinga linga sa paligid. Madaming tao ang nakiramay sa libing ng kaniyang tito, kasama ang mga katrabaho nitong pulis, mga kamag anak, mga sundalo at iba pa.
Tahimik namang pinagmamasdan ni Tash(isa sa kambal na kapatid ni Aleya), ang kanyang ama na nasa aharapan at humihikbing nakatingin sa labi ng kaniyang tito. Tinitignan nya rin ang nanay niya na inaalo ang ama at dinadamayan. Ang kambal naman nyang si Jania ay mahimbing na natutulog habang nakasandal sa balikat niya.
Sumingkit ang mata ni Aleya ng may mapansin siyang tao sa gate ng bahay ng kanilang titong namatay. Sinabihan nya si Tash na katabi nya lang, na wag aalis sa pwesto bago tumayo sa kinauupuan at naglakad sa gawi ng tao.
Nangunot ang noo ni Aleyang naglakad palayo ang tao at huminto sa paglalakad para isipon kung susundan nya ba ang taong yon.
Napagdesisyunan nyang sundan ang tao pero bago pa siya makalayo ay tinawag siya ng kaniyang ina.
"Ma bakit!?" Tanong ni Aleya sa Ina.
Binigyan no Aleya ng huling tingin ang daan na dinaanan ng lalaki bago lumingon sa Ina.
"Wag kang aalis at wag kang lalayo! Gabi na! Babae ka pa naman!" Sigaw ng ina nya pabalik.
"Opo Ma! Masakit lang paa kaya tumayo!" Sigaw nya pabalik sa Ina bago bumalik sa upuan.
Inilabas ni Aleya ang phone nya at inopen ang app para ichat ang kaniyang mga kaibigan.
@Everyone
Namatay si tito nung
nakaraan. Sigurado
akong may kinalaman
ito sa iba pang pagpatay
na nagaganap sa iba
pang mga pulisya.
C
Anong evidence ang
pwede nating ilabas?
As of now? Wala pa.
Pero merong mga
binigay sakin si tito na
gifts bago sya namatay.
I'll investigate further.
For now, marami pa
kong proproblemahin.
Chat you all in a bit.
D
Bye, Ingat A.
C
Ingat ka. Alam mo
na. Masidmasid sa
paligid.
Thanks guys. Tignan
nyo nga si B, tulog
mantika nanaman.
Bisitahin nyo. Love
you guys.
Inangat ni Aleya ang tingin ng lumapit sa kanya ang kambal.
"Uuwi na daw tayo teh. Maggagabi na." Walang emosyong sabi ni Tash.
Tumayo si Aleya habang hinawakan ang kamay ng mga kapatid nya at naglakad papunta sa kotse nila.
"Kung sino sinong chinachat mo ate. May jowa ka na noh?" Tanong ng kapatid nyang si Jania at humagikhik.
"Manahimik ka, tsismosa." Iiling iling na sabi ni Aleya bago sumakay sa kotse kasama ang mga magulang nila.
YOU ARE READING
The Heartthrob
RandomAleya is a troublemaker. Laging nakikipag-away, mainitin ang ulo at palaban. She's really not that ordinary. She's a student by morning but at night, she's a savior. Her and Her friends are working and doing the best they can to help out people in t...
