Chapter 1 - Abg Simula Ng Pakikupagsapalaran

11 1 0
                                    

Sa isang liblib na baryo sa probinsya ng Capiz ay nakstira ang isang binatang nagngangalang Jiro Villa Fuentes, 24 taong gulang. Si Jiro ay lumaki sa isang marangyang pamilya. Gayon pa man ay mabait na binata ito at hindi mapanlamang sa kapwa.

Noong 8 taong gulang palang si Jiro ay pumanaw na ang kanyang mga magulang sapagkat inataki ito ng mga Aswabg habangbm papauwi ang mga ito sa tahanan kaya naman ang kanyang lolo Arturo at lola Aurora nalamang ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya. At nang 18 taong gulang na si Jiro ay pumanaw na rin ang kanyang lolo at lola kung kaya't ang lahat ng mga ari-arian ng mga ito ay ipinamana nila kay Jiro.

Sa kasakukuyan ay nagmamay-ari si Jiro ng isang Bakery na naroon sa sentrong bayan kung saan nabibilang ang kanyang baryong kanyang tinitirahan.. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging mabait at matulungin sa kapwa ay mayroon siyang lihim na kanyang pinakaiingatan.

Isang umaga ay nagtungo si Jiro sa kanyang Bakery upang tingnan ang kalagayan at kumustahin ang mga naroon. At doon ay naabutan ni Jiro ang mga panadero na nagmamasa ng harina. Narinig din niya ang mga panadrro na nag-uusap-usap. Pinag-uusapan ng mga ito ang nangyaring pag-ataki ng mga Manananggal sa kabilang baryo kagabi.

Ralph; Uy pareng Arman, nabalitaan mo na ba yung ginawang pag-ataki ng mga Manananggal sa kahilang baryo kagabi?

Arman; Oo pareng Ralph! Grabe nga raw yung nangyari sa baryong iyon kagabi! May mga residente daw ng nasabing baryo ang natagpuang wakwak ang tiyan at dibdib kaninang umaga. At walana rin daw ang mga laman- loob nito.

Rolan!; Tsk tsk tsk tsk... Naku! Grabe na talaga ang panahon ngayon! Parang ayaw ko na tuloy lumabas ng bahay kapag gabi!...

Matapos marinig ni Jiro ang mga sinabi ng mga panadero ay nagpaalam muna ito sa kanila at bumalik sa kanyang tahanan. Pag-uwi ni Jiro sa kanyang tahanan ay naabutan nito ang kaibigan niyang si Omar na nag-aabang sa kanya. Siya si Omar De Asis, 23 taong gulang, isang buyer ng isda. At katulad ni Jiro ay ulilang lubos na rin si Omar.

"Pareng Joro, nabalitaan mo na ba yung pag-ataki ng mga Manananggal sa kabilang baryo kagabi?" Tanong ni Omar kay Jiro.

"Oo pare. At balak kong puntahan ang baryong iyon para tinganan ang kalagayan ng mga naroon at para tulungan na rin ang mga tsong nawalan ng mahal.sa buhay dahil sa mga buwisit na Manananggal na iyan!" Tugon naman ni Jiro kay Omar.

"Hmmmmmm..... Mukhang maganda iyang lakad mo ah! Puwede ba akong sumama?" Muling wika ni Omar.

"Oo naman pare para may makasama naman ako sa pagtungo sa baryong iyon!" Tugon naman ni Jiro kay Omar. Ngunit mayamaya ay nagulat nalang ang dalawa sapagkat may isang tinig na nagsalita mula sa kanilang likutan.

"Hmmmmm.... Baka naman puwede nyo akong iaama sa lakad ninyo mga kaibigan?" Wika ng tinig na nagmumula sa kanilang likuran. At pagkingon nga nina Jiro at Omar sa kanilang likuran ay nakilala nila kung sino ang nagsalita.

"Ka Benjo!" Magkasabay na wika nina Omar at Jiro sa taong nasa kanilang likuran.

"Hindi puwedeng hindi ako kasama sa ganyang lakad dahil mapanganib ang baryong pupuntahan ninyo!" Wuka ni Ka Benjo sa dalawa.

"Sigurado po ba kayo Ka Benjo? Wala ka po bang ibang lakad?" Tanong ni Omar kay Ka Benjo.

"Walana, dahil natapos ko na ang mga dapat kong gawin." Tugon naman ni Ka Benjo kay Omar kaya naman napatango nalang
ang dalawa sa sinabi ni Ka Benjo. Pagkalipas ng isang oras ay nagtungo na sina Jiro, Omar, at Ka Benjo sa kabilang batyo. At nang makarating na sila roon ay nakita nila ang ibang mga tao na nakatingun sa kanila nang mabalasik. At doon ay naramdaman kaagad nina Jiro, Omar, at Ka Benjo ang presensiya ng pagiging Aswang sa mga taong nakatingin sa kaniila nang mabalasik.

ALBULARYO KONTRA ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon