"Apakayabang naman, kuya." Lucas. Nagkakamot na lang siya ng kaniyang ulo dahil sa hirit ng kuya niya. Sabay sabay kaming nagtawanan, maging ang bunso naming anak.

"Ikaw tatay, anong gusto mo?"Anna.

"Ang gusto ko, patuloy kayong magmahalan kayong magkakapatid, mahalin si nanay at huwag niyong papabayaan si bunso." Vice.

"Syempre naman po tatay. Kapag may asawa na ako, sa akin titira si bunso."Anna.

"Ate, anong sayo? Sa akin si bunso no. Bibigay ko lahat ng gusto niya. Akin si bunso."Carlos.

"Teka, lugi ako e. Akin si bunso. Papagawaan ko to ng sariling bahay." Lucas.

Tinignan ko si Avah na nakatitig sa mga kapatid niya.






"Ate, sige na, yun lang naman e." Lucas.

"Hindi nga pwede, Lucas. Ang mahal nun, saka aanhin mo ba yun? Pamg games lang naman."

Kanina ko pa sila naririnig mula dito sa labas na may pinagtatalunan silang dalawang magkapatid.

"Minsan lang naman ako humiling. Pero kapag kay bunso lahat binibigay nyo. E mas may silbi pa ako kaysa kay Avah e." Lucas.

"Lucas!" Pagbabawal ko sa kaniya kaya sya natahimik. Pumunta ako sa loob ng bahay at tinignan ko silang magkapatid.

"Ano bang gusto niyang kapatid mo?"

"Gadget, nay. Alam naman niyang wala tayong malaking pera uunahin pa niya luho niya kaysa sa pang araw araw nating kailangan."Anna

"Naibibigay naman namin ang gusto mo pero hindi sa mamahaling materyal na bagay."Anna

"Tigilan nyo ang pag aaway na yan, kanina ko pa kayo naririnig sa labas. Nakakahiya sa mga kapitbahay. At ikaw Lucas, intindihin mo ang kapatid mo." Napalingon ako nang marinig ko si Vice na kanina pa pala na nasa likuran ko.

Nilapitan ko si Avah na kanina pa pala umiiyak sa isang tabi dahil sa nakikita niyang nag aaway ang mga kapatid niya.

"Bunso, sorry."Lucas.






"Nanay! Tatay!" Rinig kong tawag ni Lucas sa amin na para bang nagmamadali siya at nag aalala, may halo ring takot sa tono ng kaniyang salita.

"Si bunso!" Lucas. Agad kaming tumakbo papasok ng bahay at pinuntahan namin si avah.

"Bunso!" Vice. Binuhat niya si Avah at tumakbo siya palabas habang ako nakasunod sa kanila.

"Lucas, puntahan mo si Anna at Carlos!" Vice. Dali daling sinakay si avah sa jeep habang alalay ko sya. Si vice naman ang nasa harapam at nagmaneho nito.

Mabilis ang pagpapatakbo ng jeep ng mga oras na yun. Na oras bang kahit anong oras, maaaring mawala sa amin si avah.





Ngunit, sa isang iglap, bumangga ang aming sinasakyan sa isang truck.

Parang huminto ang mundo ko noong mga oras na yon. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid.






Namatay siya.






Nilapag ko ang bulaklak sa isang puntod.

Walang nag sasalita sa kahit sino sa amin, tanging hikbi lang ang maririnig.

Para akong hinang hina na nawala sya sa amin.

"ta..ta..tay.." Avah.

Mas lalo akong napahikbi nang marinig ko ang bunso namin na binigkas ang una niyang salita.

"Ta...tay.." Avah. Patuloy siya sa pag iyak habang hinahaplos ang lapida ng kaniyang ama.

"Tatay, tutuparin namin ang gusto mo. Aalagaan namin ng mabuti si bunso. Kami na bahala kay nanay." Carlos.

"Ikaw tatay, anong gusto mo?"Anna.

"Ang gusto ko, patuloy kayong magmahalan kayong magkakapatid, mahalin si nanay at huwag niyong papabayaan si bunso." Vice.

"Ta...tay.." Avah.

" sa susunod, si bunso makakapag salita na yan."Vice.

Kung naririnig lang sana niya ang unang salita ni bunso.

"Ta...tay"


Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita

Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
























A/N:
Inspired by: "Bunso" of Jelai Andres and Jon Gutierrez ( JoLai) directed by Jomar Lovena.
Please do like and comment! Thank you!

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now