KABANATA 1

43 4 0
                                    

Tumatama ang malakas na hampas nang hangin sa mukha nang dalagang si astrid habang mabilis itong tumatakbo sa gitna nang liblib na kagubatan na hindi kalayuan sa kanilang tahanan. Kitang kita ang maamo at mala anghel na itsura nito na may nasasabik na ekspresyon.

Lumambot ang mukha nang kaibigan nitong lobo ng marinig ang malamyos na pagtawa ng dalaga.

Tumigil sya sa pagtakbo at naupo sa taas nang nayon na kita ang naglalakihang mga puno, Napatingin sya sa kaibigang lobo nang lumapit ito sa kanya at nahiga sa kaniyang kandungan. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang mapupulang labi at sinimulang haplusin ang makapal na balahibo ng kaibigan.

"Napagod ka ba sera?" Tanong nya sa lobo na nakahiga sa kanyang kandungan. Umangil lang ito na kinalawak nang kanyang ngiti.

Masyado kang mabilis astrid

Napatawa sya sa sinabi nito at binalik ang tingin sa magandang tanawin, Sumandal sya sa puno at nagsimulang kumanta. Umangil nang mahina ang lobo nang marinig muli ang napakagandang tinig nang dalaga. Nagmistulang duyan ang tinig nito sa mga hayop na nakapaligid sa buong nayon.

Hindi kita iiwan,
Hindi pababayaan,
Sa akin ay hindi ka iiyak,
Na kahit minsan,
Hindi kita iiwan

Pumikit ang lobo at dinama ang bawat liriko na lumalabas sa labi dalaga. Sadyang napakaganda at kaakit akit ang tinig nito at idagdag pa ang malaanghel sa itsura ng kaibigan.

Hindi pababayaan,
Hinding hindi ka sasaktan,
O' akin ka nalang,
Hindi kita iiwan.

Napatigil sa pagkanta ang dalaga nang marinig ang tinig nang kanyang ina. Hinaplos nya ang makapal na balahibo nang kaibigang lobo bago ito titigan.

"Puntahan mo ang aking ina sera sabihin mong hindi pa tapos ang aking pagsasanay." Malamyos ang tinig na sabi nito habang hinahaplos ang makapal na balahibo nang lobo.

Mag iingat ka astrid

Dahan dahan syang tumango, Umangil ang lobo bago mabilis na nawala sa kanyang paningin. Mabilis naman ang ginawa nyang pagtakbo upang ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay, Hindi nya lang maintindihan kung bakit kailangan nya iyong gawin.

Sabi nang kanyang ina ay upang mabawasan ang nararamdaman nyang sobrang pag iinit at pamimilipit nang katawan pag sumasapit ang kabilugan nang buwan na kung tawagin sa kanila ay lunar eclipse. Makakatulong daw ito pansamantala habang hindi pa daw sila nagtatagpo nang lalaking itinakda sa kanya. Mahirap ang kanyang pinagdadaanan pag sumasapit ito dahil narin sa magkahalong lahi na nananalaytay sa kanyang dugo.

Nagtataglay sya nang lakas katulad sa isang lobo at bilis kagaya nang isang bampira, ngunit hindi katulad sa mga nakakasalamuha nyang nilalang na malayang makainom nang dugo ay naiiba sya dahil hindi manlang nya magawang makainom nang dugo simula nang isinilang sya.

Ayon sa kanyang lola dahil nga dalawang lahi ang nananalaytay sa kanya tanging ang dugo lang nang itinakda sa kanya ang bukod tangi at tatanggapin nang kanyang katawan.

Hindi nya alam kung kelan at saan nya makikilala ang lalaki dahil wala namang nagiging senyales katulad ng nangyari sa kanyang mga magulang.

Nalulungkot sya dahil matagal na nyang gustong makilala ang lalaking itinadhana sa kanya, kahit ano pa mang lahi nito ay buong puso nya itong tatanggapin dahil sa ito ang kanyang other half at makakasama habangbuhay. Hindi nya maiwasang mapangiti habang iniisip ang mga mangyayari kapag nagkita na sila.

Nagpatuloy sya sa mabilis na pagtakbo hanggang sa mapadpad sya sa pinagbabawal na teretoryo. Labis ang pagpapaalala sa kanya nang kanyang mga magulang na wag na wag aapak sa kagubatang ito, Ngunit hindi nya mapigilan ang kuyusidad na silipin kung ano ang nasa loob nito.

Dahan dahan syang pumasok sa loob nang kagubatan at pinagmasdan ang buong kapaligiran, Hindi nya maiwasang mapanganga nang makita ang loob nito maraming naglalakihang mga puno at nagliliparang paro-paro.

Namilog ang kanyang mga mata habang ipinapalibot ang tingin sa kanyang harapan. Hindi nya maintindihan kung bakit pinag babawalan sya nang kanyang ama't ina na pumunta dito gayong napakaganda sa lugar na ito at wala naman syang makitang bagay na maaaring makapanakit sa kanya.

Naglakad lakad sya at hindi na nya namalayan na napadpad sya sa tagong bahagi nang kagubatan. Napaigtad si astrid nang makarinig sya nang malakas na angil na nagmumula sa hindi kalayuan mula sa kanyang pwesto, Naramdaman nya ang pagtaas nang kanyang balahibo sa braso at batok ng marinig ang angil nayon.

Hindi nya maintindihan kung bakit imbis na matakot at umalis ay nakaramdam pa sya nang labis na pagkasabik nang marinig nya ang malalim at malamig na tinig na iyon.

Naglakad sya papalapit kung saan nanggaling ang ingay, Napatigil sya sa paglalakad nang tumambad sa kanya ang hubad barong lalaki na nakatalikod sa kanya. Pinagmasdan nya ang maskuladong pangangatawan nito mula sa katamtamang kulay, may kahabaang buhok na bumagay dito at kahit hindi pa'man nya nakikita kung anong itsura nito ay alam nyang nakakabighani ang mukha nito.

Bakas din ang malakas na presensya ng lalaki habang tuwid itong nakatayo.

Napabalik sya sa realidad nang makarinig ng impit na daing tsaka nya lang napansin ang isang lobo na nakahiga at namimilipit habang nakaukit ang labis na takot sa mukha nito habang nakaangat ng tingin sa lalaki. Nanigas sya sa kinatatayuan nang makita kung paano humaba ang kuko nang lalaki at ibaon iyon sa tapat nang puso nang lalaking nakahiga.

Hindi nya namalayang napaupo pala sya sa nasaksihan na nagbigay nang ingay dahil sa mga tuyong dahon.

Nakita nya kung paano bahagyang natigilan ang lalaki at humarap sa kanya, Natulala si astrid nang masilayan ang mukha ng lalaki. Napaawang ang bibig nya nang maramdaman ang unti unting pagbilis ng tibok nang kanyang puso habang nakatitig sa madidilim na mga matang iyon na tuwid ding tingin sa kanya.

Hindi nya nasundan ang mabilis na paglapit nito sa kanya, Nanlaki ang mga mata nya nang sakalin sya nito habang nandidilin ang mga mata na nakatingin sa kanya. Napahawak sya sa kamay nitong nakasakal sa kanya dahil sa kakapusan nang hininga, Nangingilid ang luha na nag angat sya nang tingin sa lalaki.

May kakaibang emosyon syang nakita na dumaan sa madilim nitong mga mata habang pinagmamasdan sya na dagli ring nawala.

"What are you doing here?" Mariin syang napapikit nang marinig ang malamig na tinig nito, Napaubo sya ng bahagyang humigpit ang pagkakasakal nito sa kanya. Hindi nya maintindihan kung bakit hindi nya magawang saktan ito gayong kaya naman nyang makakawala mula dito.

Nahulog ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata nang maramdaman nyang nauubusan na sya ng hangin, Humigpit ang kapit nya rito na dagli ring lumuwag dahil sa panghihina. Hindi man nya gustong mawala ito sa kanyang paningin ngunit ramdam nya na ang pandidilim nang kaniyang paningin.

Hindi na nya narinig pa ang ibang sinabi nito dahil tuluyan na syang nanghina ngunit bago sya mawalan nang malay ay muli nyang nasilayan ang kakaibang emosyon sa mga mata nang lalaki, Bumagsak ang katawan nya sa katawan nito nang tuluyan na syang kinain nang dilim.










TAMED HIMWhere stories live. Discover now