Nilapag ko ang kamay ko sa gilid ko para maayos ang upo ko. Nahawakan ko tuloy ang kamay niya! Agad kong binawi iyon na parang nakuryente ako. 

"Sorry," sabi ko kaagad. Wala na! Namumula na siguro ang pisngi ko! Halata na sa mukha kong naiilang ako! Ako pa naman ang nag-aya sa kanya rito! 

Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Nakita kong gulat ang mga mata niya habang nakatingin sa TV. Namumula ang tainga niya. Oh... Apektado rin pala siya sa presensya ko. Unti-unti siyang umusog palayo sa akin. Napasimangot tuloy ako! 

Tumayo ako para sa sahig umupo. Nakakahiya naman sa kanya at parang nilalayuan niya ako! Hindi ko na hahawakan ang kamay niya, okay?! 

"Why are you there?" nagtatakang tanong niya. 

"Nilalayuan mo kasi ako," sabi ko. "Baka naiilang ka sa 'kin." 

"I am not," mabilis na sagot niya. 

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at umupo rin sa sahig, katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at tinuon na lang ulit ang atensyon sa pinapanood namin. Hindi ko na siya matingnan! 

Sana pala ay horror ang pinanood namin para may rason akong yakapin siya. 

I missed his embrace. Parang mas masarap na siyang yakapin ngayon. 

"What are you thinking?" He glanced at me from the side. 

"Nagki-kiss sila," wala sa loob na sabi ko habang nakatitig sa screen. Napatingin din tuloy siya. "Ah, tapos na." Mabuti na lang at mabilis lang 'yon! Hindi ko alam kung paano papanoorin 'yon habang nasa tabi ko si Yori! 

"Nat..." tawag niya. "Remember what I told you before we parted ways?" 

"Huh?" Nagsalubong ang kilay ko. "Alin doon?" 

Na-guilty na naman ako sa ginawa ko sa kanya. I bit my lower lip and looked at the floor, inaalala kung paano ko siya iniwan bigla. He was lonely too... Hindi lang naman ako 'yong natalo. We worked hard for that competition. I acted like I was the only one hurt by the results. 

But it was for the best. I didn't want to drag him down with me. 

"I won't let you go anymore," mahinang sabi niya bago tumayo. Tapos na rin kasi ang movie. 

Kinuha niya ang mga baso at nilagay sa lababo. Binalik din niya ang tub ng ice cream sa freezer bago siya nagsimulang maghugas. Napatayo kaagad ako para pigilan siya pero dahil dalawang baso at kutsara lang 'yon, natapos na niya. Hinayaan ko na lang siya.

"I need to go..." Sumandal siya sa may countertop pagkatapos. Ang dalang kamay niya ay nasa magkabilang gilid niya. 

"Oo nga... Late na rin..." Umiwas ako ng tingin sa kanya. 

"Did you have fun today?" tanong niya. Matutunaw 'ata ako sa tingin niya. 

"Sobra... Thank you." Ngumiti ako sa kanya. "Sana nag-enjoy ka rin." 

Hinatid ko siya sa tapat ng pinto nang makuha niya na ang mga gamit niya. Para akong tangang hinihintay siyang maglakad paalis bago ko isara ang pinto, pero ang tagal niya nang nakatayo sa labas. 

"Oh... Can I have your class schedule?" tanong niya bigla nang maalala. 

"Akala ko alam mo na dahil pinadalhan mo ako ng bulaklak sa room ko." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.

"I asked Lyonelle about it," sabi niya naman. 

Ni hindi ko na nga tinanong kung bakit. Nilabas ko na lang ang phone ko para i-Airdrop sa kanya ang picture ng schedule ko. Nagulat ako nang i-send niya rin sa akin iyong schedule niya. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon