Chapter 131 "BIRTH"

Start from the beginning
                                    

Dahil nagpapahinga pa ang asawa ko.

Excited na silang makita ang triplets kahit sila Anastasia at Claude gustong gusto na nilang makita ang mga kapatid nila.

Buti nga at hindi nahirapan masyado si Amber nung nilabas niya yon mga anak namin.

Dahil ang lalaki talaga nila.

Hindi na din kami magtataka dahil nung nilabas din kami nila Kuya Casper at Ate, At sila Anastasia, Claude, Cedrick,Cassy,Iyanna Darrel lahat ng Hunter malaki, kaya ito sobrang tangkad namin.

Napatingin ako sa Asawa ko na mahimbing na natutulog.

Napangiti ako at lalapit na sana sa kanya ng biglang umiyak ang bunso namin.

Kaya napatingin ako sa kanya.

Ginamitan ko ng kapangyarihan yon dalawang anak ko para di magising sa iyak ng bunsong kapatid nila.

Lumapit ako kay Cade at dahan dahan siyang binuhat.

Ng pagkabuhat ko sa kanya tumigil naman siya sa pag-iyak kaya napangiti ako.

Hinili hili ko siya at tinitigan siya.

Napaka gwapong bata.

Hinalikan ko sa noo si Cade at pumunta sa upuan ko at tinapik tapik ang pwet niya para makatulog siya.

Napapikit ako dahil sa pagod rin kakapatahan sa tatlong triplets kanina.
_________
ANASTASIA POV;

Sumilip kami ni Claude sa pintuan sa kwarto nila Mommy at Daddy.

Kasama sila Peter at mga pinsan ko pati sila tita tito at lolo at lola.

Una namin nakita si Mommy na natutulog sa kama mahimbing ang tulog niya.

At nakita namin si Daddy na nasa upuan habang tulog at hawak hawak ang isa sa mga kapatid ko.

Lah buti di niya nahulog yon kapatid namin.

At nakita namin yon crib at napangiti ako ng malawak.

Binuksan ko ng marahan ang pinto dahil di na ako makapag hintay na makita ang mga kapatid ko huhuhu.

Nagsipasukan na kami at dali dali akong pumunta sa mga crib at kuminang ang mata ko ng makita yon dalawang kapatid ko.

Ang popogi!!!Waaahhhh!!.

Nagsilapitan narin ang iba sakin at hinawakan sila.

“Ang gwagwapo naman ng mga apo ko oh kamukhang kamukha ko”Pagmamayabang ni Lolo na kinatawa namin.

“Naks naman lahat napunta kay Cooper ah parang di binigyan ng kamukha si Amber bwhahaha”Natatawang sabi ni Tito Casper tumawa rin ang iba.

“Wag kayong masyadong maingay!At magigising ang mga apo ko!!”Inis na sabi ni Lola at hinawakan ang mga kamay nila Caden at Caiden.

Napatingin naman ako kila Daddy nandon sila Tita Celine kila Daddy at tinitigan ang bunso namin kapatid.

Nagising naman si Daddy dahil sa ingay namin.

“Ang popogi naman ng mga bayaw ko oh”Sabi ni Peter kaya napatingin ako sa kanya at titig na titig sa mga kapatid ko pfft.

“Syempre sakin namana ang mga yan kaya mga pogi”Angal naman ni Tito Axel na kina ubo nila Tito Ezekiel kaya napatawa kami ng mahina.

Biglang umiyak si Caden na kinagulat namin.

“Oh ayan na sinasabi ko sainyo tabi!Tabi umiiyak na yon pogi kong apo!”sabi ni Lola at lumapit kay Caden at binuhat ito ng may pagiingat at pinatahan.

My Husband is A Vampire Prince (Book 2) EDITING Where stories live. Discover now