Alamat ng Matigas

En başından başla
                                    

Genesis: Wala naman po Kap, sa tingin ko ay sakto na nag lahat ng ito...

Kapitan: osige kung may kailangan pa kayo ay lapitan niyo lamang ako.

Torio: Sige po Kap, salamat po.

Kapitan: (Tumango na lamang at lumipat sa kabilang estasyon, ang nagaayos sa poon)

Kapitan: Iha, napakaganda ng ating poon, lalong bumagay sa kanya ang mga kasuotan nito.

Duca: Oo nga po Kap, lahat po iyan ay bago upang maging maganda ang ating poon.

Kapitan: Kailangan mo ba ng tulong? Kung may kailangan kapa ay sabihin mo lamang sa akin.

Duca: Ayos na po ito Kap, aayusin ko na lamang ng kaunti at ito ay matatapos na.

Kapitan: kung agyon ay maiwan muna kita, ipagpatuloy mo lamang iyan. (Lumipat sa mga gumagawa ng banderitas upang ito naman ang kamustahin)

Kapitan: Tunay na napakaganda ng mga banderitas na iyan iba iba ang kulay tiyak na magiging maganda kapag ito ay isinabit na.

Jevilyn: Aba syempre naman! gusto namin ay maging makulay ang ating barangay.

Marylou: Pagkatapos po nito Kap ay pwede na din itong isabit malapit napo kaming matapos, mabuti na lamang at tinulungan kami ng inyong asawa.

Jevilyn: Wala naman akong ginagawa ka eto ay tumulong din ako sainyo ng sa gayon ay makatapos tayo agad..


Narrator: Habang nagkukwentuhan ang Kapitan at ang kaniyang asawa ay narinig nila ang mga batang pinaguusapan ang kanilang mahal na anak.


Daniel: Ang gwapo ng anak ni Kap , pero bakit parang hindi yata siya nakikipaglaro sa ibang bata.

Romar: oo nga, mula kanina ay nakatutok lamang siya sa gadgets niya, hindi kopa siya nakitang gumalaw sa kanyang upuan.

Ruth: Gusto niyo ba ayain natin siyang mag laro?

Daniel: Oo nga tara lapitan natin siya.


Narrator: At nilapitan nila si Mati. Habang ang mag-asawa ay nanatiling nakamasid sa mga ito, tila baga'y inaabangan ang susunod na mangyayari.


Romar: Hello Mati, gusto mo bang sumali sa amin ? Tara laro tayo. (ngunit dedma lamang si Mati)

Daniel: Mati tara wag ka ng mahiya sumali kana sa amin maglalaro tayo ng basketball.

Ruth: Kung ayaw mo ng basketball marami akong laruang barbie, gusto mo ba? (dedma pa rin ito)

Romar: Ano ba yan! bakit parang hindi naman tayo naririnig ni Mati? Hindi niya man lang tayo tinitignan.

Ruth: Oo nga, baka bingi talaga siya?

Daniel: Hindi naman siguro siya bingi, siguro ay talagang adik lang siya sa kaniyang gadgets kaya mas gusto niya itong kalaro kaysa sa atin.


Narrator: Nagulat sa pangyayari ang mag-asawa dahil dito ay nag-usap sila tungkol sa kanilang anak.


Jevilyn: (Inaya si Joel na lumayo sa mga tao upang sila ay makapag-usap ng maayos) Nakita mo ba iyon? Kahit ako ay madalas kong mapansin ang ating anak na tutok talaga ito palagi sa kanyang mga gadgets.

Kapitan: Ako man ay nangangamba sa kalagayan ng ating anak. Ano kaya ang pwede nating gawin upang iwasan na niya ito?

Jevilyn: Alisin na kaya natin ang mga gadgets niya? Itapon natin ang mga ito upang wala na siyang magamit.

Kapitan: Hindi ba't parang sobra naman iyon? Baka pati satin ay magalit ang ating anak.

Jevilyn: Kung ganon may naiisip ka bang ibang paraan?

Kapitan: Teka may naisip akong paraan....


Narrator: Dahil sa pag-uusap na ito ay nakaisip ng paraan ang Kapitan, dagli-dagli niyang tinawag ang atensiyon ng mga tao.


Kapitan: Magandang araw sa inyong lahat, alam kong lahat kayo ay mayroong pinagkakaabalahan ngayon ngunit nais ko sanang magbigay ng isang hamon na nais kong bigyan niyo ng pansin. Isang hamon na kung sino sa inyo ang makakakuha ng atensyon sa aking anak na si Mati (tinuro ang anak na dedma pa rin) ay gagantimpalaan ko ng isang daang ginto.


Narrator: Nagbulungan ang mga tao na tila ay naging sabik na gawin ang hamon ng kanilang kapitan.


Mga Tao: (Nagbulungan) Ang daming ginto, tara subukan natin . (Patuloy sa bulungan ang mga tao hanggang sa .....)

Genesis: AKO!(sumigaw) Nais ko pong gawin ang inyong hamon.

Kapitan: Kung gayon ay magsimula ka na.

Genesis: (Nilapitan si mati at ginawa ang lahat upang mapansin lamang ito ngunit dedma pa rin si mati)

Genesis: Anong klaseng bata ba ito, nagawa ko ng lahat wala pa rin siyang emosyon, dinaig pa ang estatwa.

Romar & Daniel: Kami naman ang susubok na gawin ang hamon. (ginawa din nila ang lahat ng kanilang makakaya ngunit dedma pa rin si Mati)

Romar: Nakakapagod pala itong hamon na to, bakit hindi man lang niya tayo pinansin.

Daniel: Ayoko na suko na ko sa hamong ito. (binato ang bola)


Narrator : Aalis na sana ang mga sumubok ng harangan sila ng Kapitan.


Kapitan: teka-teka! Bakit lahat kayo ay sumusuko? Ayaw niyo ba ng ginto?

Romar: Ayaw naman gumalaw ng anak niyo Kapitan, dinaig pa ang estatwa sa kanyang sitwasyon.

Daniel: Tama lahat ay amin ng nagawa ngunit hindi pa rin talaga gumagalaw si Mati, pasensya na Kap, suko na kami sa hamong ito.

Romar : Oo nga (Bulong) kung ipagtutuloy pa niya ito sana maging estatwa na lang siya ng tunay. (Sabay alis)


Narrator: Lahat nga ng mga tao ay sumuko na sa hamon ng kanilang Kapitan. Nalungkot naman ang ina nito at tinignan na lamang ang anak niyang tutok pa rin sa gadgets nito.

Jevilyn : Kailan mo kaya lulubayan ang hawak-hawak mong gadgets anak? Sana naman anak lubayan mo na ang hawak-hawak mong gadgets at pansinin mo naman ang paligid mo. (Napailing-iling na lamang ito at malungkot na nilapitan ang mga taong nagkakasiyahan)

Narrator: Hanggang sumapit ang kinabukasan ay balak na sanang matulog ni Mati ngunit hindi na niya magalaw ang kanyang mga kamay, mga paa at pati na rin ang kanyang ulo. Sinubukan niyang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang ama at ina ngunit walang sinuman ang nakakarinig pa sa kanyang mga sigaw. Hanggang sa sumapit ang katanghalian ay tuluyan ng hindi makagalaw si Mati. Nang lumabas ang kaniyang ina sa kuwarto ng mga ito ay nakita niya ang kaniyang anak na hindi na gumagalaw at isa ng ganap na estatwa

Jevilyn : Mati? Mati Anak?! Anak!! parang awa mo na gumalaw ka! MATI!! (at tuluyan ng umiyak at hinagkan ang kaawa-awa niyang anak na hindi na gumagalaw)

Alamat ng MatigasHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin