Alamat ng Matigas

49 2 0
                                    


FiLipDis Role Play

ALAMAT NG MATIGAS


Narrator: Sa isang bayan, may isang lalaki ang nagngangalang Mati. Siya ang anak ng isang kapitan sa bayan. Maliit pa lang ay tutok na tutok na siya sa kaniyang gadgets hanggang sa umabot na sa puntong hindi na siya mawalay sa mga ito.. Palibhasa ay abala ang kaniyang mga magulang sa pamamalakad ng kanilang bayan. Hanggang isang araw ay nagpatawag ng pagtitipon ang kaniyang ama sa kanilang barangay.


SCENE 1: Barangay Hall

PROPS: Ayusin ang mga upuan iwasan ang BLOCKING!



Kapitan: Magandang araw sa inyong lahat, ipinatawag ko kayong lahat upang ipabatid sa inyo na tayo ay magkakaroon ng selebrasyon sa ating barangay, at ito ay ang kapistahan ng ating poong Nazareno. Nais ko sanang maramdaman ang inyong presensya at malugod kong tatanggapin ang opinyon ng bawat isa.

Marylou: Kap, ano po ba ang mga dapat gawin sa paghahandang ito.

Kapitan: Marami-rami ang kailangan nating ihanda upang maisagawa ng maayos ang pistang ito, kaya nais ko sanang itanong sainyo kung maaasahan ko kayo sa pag-gawa ng mga banderitas, paghahanda sa poon at sa karwahe nito.

Ronalyn: Kap, kami na po ang bahala sa pag-aayos ng susuutin ng ating poong nazareno.

Marylou: Kami na po ang bahala sa paggawa ng banderitas para sa buong bayan, Kap.

Kapitan: Maraming salamat sa inyong pagpiprisinta sa mga gawaing yan, malaking tulong nga iyan. Sa mga kalalakihan dito, maaasahan ko ba kayo sa pag-aayos ng karwahe ng ating poon na gagamitin sa kaniyang prosisyon?

Genesis: Opo Kap, kai na po ang bahala doon, makakaasa po kayo.

Kapitan: Sadyang maaasahan ko nga kayong lahat, tayo ay magtulungan upang mairaos ng masaya at matiwasay ang selebrasyon na ito. Aasahan ko ang inyong mga sinabi bukas sa araw ng paghahanda.. Maraming salamat sa inyong pagdalo.



SCENE 2: Pag-aayos ng Pista

Props: Banderitas(Marylou, Jev), Poon(Duca), Karwahe(Genesis, Torio), Mga Laruan(Romar, Daniel, Ruth)

Narrator: At dumating nga ang araw ng paghahanda sa kanilang bayan. Lahat ng tao ay abala sa pag-aayos, lahat ng tao ay masaya, lahat ay mayroong pinagkakaabalahan, may mga batang naglalaro at iba pa. Ngunit si Mati ay abala lamang sa hawak-hawak nitong gadgets hindi pinapansin ang mga taong masaya na nakapaligid sa kanya.

(Habang nagbabasa ang narrator, maayroong apat na dibisyon ang classroom)

1. Gumagawa ng Karwahe

2. Nag aayos ng Poon

3. Gumagawa ng Banderitas

4. Mga batang naglalaro

5. Nasa gitna si Mati


Kapitan: (Lalapitan ang gumagawa ng karwahe) Kamusta iho, may mga kulang pa ba na materyales para sa ating karwahe?

Alamat ng MatigasWhere stories live. Discover now