Pahabol na kilig

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sir Ibarra!! Ginulat nyo kooo!"

"Magandang gabi saiyo Binibining Klay."

Nakangiti at magalang na pagbati ni Crisostomo sa dalaga.

"Magandang gabi din saiyo Sir. Ay ahmm..kanina pa ba kayo dyan?"

"Ahh, hindi naman.."

"Ahh.. ay sir, sorry nga pala ngayon lang ako..ano kasi ehh ."

"Huwag ka nang mangamba Miss Klay. Alam ko na ang lahat pagkat naroon din kami ni Maria-"

"Ha?! Ibigsabibin the whole time andun kayo? Bat di kayo nagpakita?"

"Ah iyon ba? ayaw lang namin makaistorbo sainyong ahm ah .. madamdaming pag-uusap ninyo ni Fidel."

Napaiwas ng tingin si Klay.
Naku nakita kaya nila yung kissing scene namin ni Fidel?
Sa isip isip ni Klay.

"Nais ko nga palang ipaabot saiyo ang aking pagbati sainyong bagong relasyon ng aking amigo."

"Salamat po sir. at ahm salamat po ulit, sa tulong na binigay ninyong dalawa ni Maria."

"Walang anuman Miss Klay. Masaya ako para inyong dalawa..na sa wakas ay pinalaya na ninyo ang inyong mga tunay na damdamin para sa isat-isa."

"Oh my god sir, di ko akalain na totoo pala yung kasabihang set yourself free and you'll break free."

"Haa? Miss Klay, parang ngayon ko lamang narinig ang kasabihang iyan?"

"Ay sorry Sir haha. Ang gusto ko lang sabihin is ganito pala yung feeling.. yung feeling kapag sinunod mo yung totoong nararamdaman mo.. ang saya pala at ang sarap sa pakiramdam."

"Syang tunay binibini, Akoy sumasang-ayon sa iyong mga winika."

Pagsang-ayon ni Crisostomo.

"Osya sige Miss Klay, magpahinga ka na at alam kong ikaw ay pagod na sa dami ng mga kaganapan ngayon araw at alam kong hindi na kinakaya ng iyong puso ikamo .."

Saad ni Crisostomo kasama ang nakakalokong ngiti nito sa labi.

Nanlaki ang mga mata ni Klay.
So ibigsabibin nga ay nasaksihan lahat nila sir Ibarra yung ganap nila?!
Oh gosh!

Pero dedma na!
Basta masaya sya at yun ang mahalaga.
Boyfriend nya na si Fidel at Girlfriend na sya nito.

Boyfriend..

Muli ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Binibining Klay? Ayos ka lamang ba??"

"Miss Klay??"

Nagitla si Klay sa pagtawag sa kanya ni Sir Ibarra.

"Naku oo nga sir need ko na magpahinga, di pa ako tulog pero nanaginip na agad ako. Gawd! Sige na po sir, punta na ako sa kwarto ko.. Goodnight po."

"Magandang gabi din saiyo Miss Klay."

Lumakad na siya patungo sa kanyang silid ngunit nang makalapit na sa kwarto ay muli naalala ni Klay ang awitin kanyang hinihimig at itoy ipinagpatuloy kasama ang pag-indak at bahagyang paglundag..

I'm in heaven
With my boyfriend
My laughing boyfriend

Naiiling nalang si Crisostomo sa pagsayaw ni Klay papunta sa silid nito.
Naiintindihan naman niya ang kaligayahan nadarama ng dalaga at masayang masaya siya para dito at gayun nadin para kay Fidel.
Sa wakas natupad na ang isa sa kanyang mga hinihiling.
At gaya nila ni Maria, panalangin din niya na sana ay magtuloy tuloy ang magandang relasyon ng dalawa hanggang sa huli.

Notes:
Dahil high na high pako sa kaganapang finally si Fidel at Klay na, ito may pahabol ako.. Hahaha Super iksi lang nito dahil ngayon ngayon ko lang ginawa to. Kinikilig pa rin no kasi ako hanuba! Hahaha
So happy bout sa takbo ng story.. I hope na you too guys enjoyed this story. Yun lang po.
Maraming salamat po ulit sa  pagbabasa.
_trois

Ps.
I really imagined Klay dancing this while singing yung kanta ni Mariah haha

I really imagined Klay dancing this while singing yung kanta ni Mariah haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Filay (one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon