Chapter 01

92 3 0
                                    

"Hello po? Tao po? May tao po ba? Tao po? Tao po?" tila nag-aalinlangan ang babaeng nakatok sa harapan ng bahay ni Mr. Aux Liam Maxwell, a.k.a the devil's son sa eskuwelahang pinapasukan nila.

"Walang tao diyan, hayop meron," isang boses ng lalaki ang bumungad kay Stella kaya naman nagulat ito.

"P-po?"

"Biro lang. Takot lang talaga sa liwanag ang taong nandiyan sa loob. Ano bang ginagawa mo rito?"

"May ipinabibigay  po kasi 'yung adviser namin sa kaniya. Hindi po kasi siya na-attend ng school. Madalang lang po siyang pumasok. Kung sa isang linggo, halos dalawa o isang beses lang po siya napasok kaya pinapunta na po ako ng adviser namin para tignan siya."

"Halika, pumasok tayo sa loob. By the way, ako nga pala si Caden. Best friend ni Aux. Sorry at naabala ka niya ha. Hindi naman ganiyan 'yan e. May problema siguro 'yan ngayon."

"Baka nga," tahimik na pumasok si Caden at Stella sa loob ng bahay ni Aux. Simple lang naman ang style ng bahay ni Aux bungalow ito at wala ring masyadong gamit sa loob.

May piano doon at maraming paintings. Painting nang isang babae. Puno ng katahimikan ang buong bahay ni Aux. Nabasag ito nang magsalitang muli si Caden.

"Alam mo, nung unang beses na nagmahal 'yang si Aux, napabait niyan. Napaka-suwerte nga nang babaeng nagustuhan niya e. 'Yung nakita mong painting kanina, 'yun ang babaeng tinutukoy ko. Ang first love ni Aux."

"Ahh, ganoon ba?" Bakit parang may hawig siya sa akin? Iyung batang 'yon? Tanong ni Stella sa kaniyang isip.

"O, andito na pala tayo sa kuwarto niya. Aux! Aux! Aux Liam Maxwell!" Sabi ni Caden at nang hindi na makapag-intay na buksan ni Aux ang pinto ay si Caden na Ang gumawa.

"Dude!" paninimula ni Aux at tila naasar sa ginawa ng kaibigan.

"Sino 'yan?" tanong ni Aux kay Caden at tinignan si Stella.

"Siya si—"

"Stella," si Stella na ang sumagot sa tanong ni Aux dahil hindi pa nga pala niya nasasbi ang kaniyang pangalan.

"I'm Stella Garcia, pinapunta ako rito ng adviser natin because of his concerns about you."

"And? Sino ka bang Stella ka? Huh?" Naiiritang tanong ni Aux kay Stella.

"As I said, I am Stella Garcia, the class president."

"Ahh, 'yung class president... hindi pa rin kita kilala. Am I supposed to know you?"

"Not at all Mr. Aux. Because in the first place, nandito lang naman ako para sabihin sa 'yo ng personal na kapag hindi ka pa pumasok sa Monday, ibabagsak na lahat ng subject teachers mo lahat ng grades mo in their subject."

"Then so be it," walang paki-alam na sagot ni Aux at naglaro ng video games sa kaniyang PC.

"Aux! Gusto mo na naman bang bumalik sa states?" Pagsingit ni Caden na naging dahilan upang tumingin si Aux sa kaniya.

"Ayoko. I will never go back there. Ever again."

"Then fix your studies!"

"Fine! I will! Masaya ka na?"

"Good then. Stella, pasensiya ka na sa inaasta nitong si Aux. Kung puwede, itutor mo siya or i-guide man lang sa mga school activities niya? Puwede ba?"

"Puwede naman. Kung, hihingi muna siya ng sorry at kung magiging mabait na siya," sabi ni Stella at muling tumingin kay Aux.

"Aux, go ahead. Say sorry. And magpakabait ka na. Please lang."

"Sorry, but i can't promise you that i'll be good. You know the reason why Caden."

"Yes, i know." 

Naglarong muli si Aux sa pc niya at nagpaalam si Caden na kukuha lang daw siya na makakain. Naiwan ang dalawa sa loob ng kuwarto ni Aux. Puno ng katahimikan at tunog lang ng video games ni Aux ang maririnig. Ngunit binasag ni Stella ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Sorry for my rudeness earlier ," paninimula ni Stella. Napatingin sa kaniya si Aux pero muling binaling ang atensiyon sa nilalaro.

"Bakit ba kasi hindi ka napasok? Hindi ba nga, lagi kang sinasamba ng mga estudyante doon? Ano pa bang gusto mo? May problema ka ba? Puwede kang mag-open up sa akin."

"It's none of your business kung may problema ako o wala. Wala ka na doon." Pagtataray ni Aux kay Stella.

"Sabi ko nga," iyon na lang ang naging tugon niya at tumingin na lamang sa loob ng kuwarto ni Aux. Maraming video games, may mga canvas din at mga paints. May mga gitara rin sa loob. Puno rin ito ng mga libro, may mga manga at mga non-fiction books. Katulad ni Aux ay nagbabasa rin siya ng mga libro. Kaya naman pinuntahan ni Stella ang book shelf ni Aux at tinignan ang mga libro doon.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Aux.

"Tinitignan ko lang ang mga libro mo. Bawal ba?"

"Feel free to do so. Kung gusto mo, kumuha ka na rin ng libro. Hindi ko rin naman nababasa ang iba diyan e. Also, so i can make it up to you for what i did earlier."

"Talaga?" Nagagalak na tanong ni  Stella kay Aux.

"Bingi ka ba? Diba sabi ko oo. Kumuha ka na diyan. Kahit anong gusto mo."

"Thank you Aux! May tinatago ka rin pa lang bait."

"Tch, kumuha ka na lang diyan."

SA kabilang banda ay may isang nakamasid sa kanila at si Caden iyon. 

"Sabi ko na nga ba, siya na." Bulong ni Caden sa kaniyang sarili. "Siya na ang makakapagpabago sa iyo."

Pagkasabi noon ay umalis na siya at sumakay na sa kotse niya. Ang totoo niyan ay hindi talaga siya kumuha ng pagkain kundi nagmasid lang kila Stella at Aux. Natutuwa siya sapagkat ngayon lang umasta ng ganoon ang kaibigan niya sa isang babae. 

May isa kasing nakaraan si Aux na hanggang ngayon ay hindi niya malimu't limutan. Ang nakaraan niyang binabagabag siya gabi-gabi kaya ganoon na lang ang awa ni Caden kay Aux. Kaya rin gusto niyang magkaroon ito ng makakasama sa eskwelahan. 

Nung nasa kotse na si Caden ay chinat na nito si Aux na umalis na siya dahil may importante itong gagawin. 

End of chapter 01

My Naughty BoyfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz