P R O L O G U E

16 2 0
                                    

"I thought, you want to see him. Well this is your chance. God already lead you to him, would you let it pass?"

"But, maybe this is not the right time yet?" kinakabahang usal ko.

I crossed my arms, in dismay. It's been 5 years since the last time I saw Drexel. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. Puno ng panunumbat at galit. Higit sa lahat walang magandang pag-uusap.

Mula nang gabing iyon, ay wala na akong balita sa kan'ya. Marahil hanggang ngayon ay hindi pa din n'ya ako napapatawad.

Kamakailan lamang ay nakarating sa akin ang balitang nakabalik na siya sa Bulacan, matapos ang ilang taong pananatili sa Bicol. It's his way of moving on. Belle-my friend wants me to talk to him, but I refused. I'm not yet ready. Hindi pa ako handang masaktan ulit. Alam kong samu't-saring pangmamaliit at panunumbat na naman ang kakaharapin ko, kapag nagkita kami ngayon. Yes, it's my fault though. I'm just waiting for the right time. At kapag dumating ang araw na iyon, tatanggapin ko lahat ng panunumbat na ibabato niya sa akin.

"So, kailan nga ba 'yong tamang panahon para sa'yo? I know, nasasaktan ka pa din. Sinisisi mo pa din ang sarili mo sa nangyari. Pero Freyah, it's been 5 years. Siguro naman napatawad ka na n'ya."

"We're not sure about it. I need 1 more year, para ihanda ang sarili ko.
And after that, I promised ako mismo ang pupunta sa kan'ya." paninigurado ko kay Belle.

"Just believe in yourself. Sa kabila ng mga nagawa mo, siguro naman hindi ka na mahihirapang humingi ng kapatawaran sa kan'ya."

Hindi ko na nagawang sumagot pa. Sa halip ay sinimulan ko na lamang magbaliktanaw sa mga ala-ala.

Flashback

"Mom, my decision is final. Besides, nasa tamang edad na naman ako. You don't have to worry about me. Kaya ko na po ang sarili ko." paninigurado ko kay mama.

Napagdesisyunan kong pumunta sa Bulacan upang doon manirahan. Hindi ko itinago sa kanila ang desisyon kong iyon, kaya naman ganoon na lamang ang pagtutol nila sa gusto kong mangyari.
Alam kong nag-aalala lamang sila sa akin, lalo pa at ito ang unang beses na malalayo ako sa kanila. Marahil ay iniisip nilang hindi ko pa kayang mamuhay mag-isa. Pero eto na 'yon eh. Ngayon pa ba ako aatras? I just want to love him, from afar. Even though I'm not sure kung may mapapala ba ako sa paninirahan ko doon. Makita ko man lamang siya, masaya na ako.

"Saan ka titira kapag nandoon kana? Freyah, wala kang kakilala man lang do'n. At kung sasabihin mo namang makikitira ka kay Drexel, wag mo nang pangarap-----"

"Ofcourse not!" pagputol ko sa sinasabi niya. "I've already bought a house." dugtong ko pa.

Napansin ko ang pagkabigla sa mukha ni mama. Iniisip kung tama ba ang nadinig.

"Yes, ma. Since last year napagplanuhan ko na 'to. Lahat ng paraan para makapag-ipon ginawa ko. Hanggang ngayon umaasa pa din ako ma. Mahal ko si Drexel, at hindi ko kayang tanggapin na mawawala s'ya sa'kin na wala man lang akong nagawa. And if ever na hindi na talaga kami maayos, tatanggapin ko. Hindi ako magsisisi, kasi alam kong may ginawa ako." puno ng pagmamahal na paliwanag ko.

"Kung 'yan ang gusto mo, may magagawa pa ba ako kundi ang suportahan ka." pag-intindi niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga salitang iyon ni mama. Hindi ko man lamang nadinig ang mga ganoong klase ng salita noon mula sa kan'ya. Sa sampong buwan namin ni Drexel ay hindi ko nakita o naramdaman na suportado si mama sa relasyon naming dalawa. Ayon sa kan'ya, ay hindi ko naman daw ito personal na kilala. Nakilala ko s'ya sa isang application na kung tawagin ay Litmatch. At first, I'm not interested on him. But after a few days, I've realized how happy I am with him.

Yes we haven't seen each other yet. But I'm sure about my feelings toward him. I know that I love him. And I really want a future with him.

Nang dahil sa sobrang saya, ay dagli kong nayakap si mama. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagpasalamat sa kan'ya. Ang tanging naiisip ko na lamang ng mga oras na iyon, ay ang excitement na makita ang lalaking pinakamamahal ko.

DIFFERENT PATH. SAME DESTINATIONWhere stories live. Discover now