"Boss baka ikaw magpaiyak dito kay Caleb?" dagdag pa ni Troy


"Sira!" sabay naming sigaw ni Caleb kaya naman natahimik na ang dalawang makulit na iyon. Sabay pa kaming tumawa ni Caleb nang marealize naming sabay pala kami, parang iisa lang iniisip namin. Nagulat ako ng yakapin ako ni Caleb mula sa likod at ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Tinapik ko pa siya sa kanyang braso dahil maliit lang ako, paniguradong nahihirapan siya sa kanyang pwesto.


"Basta akin lang si Bhie." umiling na lang ako dahil parang batang aagawan si Caleb. I'm sure naka-nguso 'tong isip bata eh knowing na mas matanda siya sa akin. Sige siya na baby face! Pero baby face din naman ako ah? Lagi nga ako napagkakamalan na 2nd year highschool.


"Ang lalandi ninyo!" mabilis tuloy akong napahiwalay kay Caleb dahil sa pagdadabog ni Clavie. What the hell? Anong problema ng bestfriend ko. Ang pait niya!


"Inggit ka lang!" pang-aasar pa sa kanya ni Caleb kaya siniko ko ang huli. Mamaya ay sumabog si Clavie ay kaming dalawa ang pag-initan.


"Tumahimik ka nga Ace. Nakakatakot yan magalit." bulong ko sa kanya habang siya naman ay pilit pa rin akong niyayakap mula sa likod.


"Ano?! Kayong lovebirds tigilan ninyo ko ah." irap ni Clavie. Inaano ba namin siya? Maasar nga! Humarap ako kay Caleb at gumanti na rin ng yakap sa kanya.


"I love you bhie." malambing niyang saad.


"Ako man bhie sobra!" malambing ko ring sagot sa kanya sabay ngisi.


"Nakakaasar kayo!" Nag walk out ang gaga. Kami naman ni Ace ay tawa lang ng tawa. Mas lalo yata kaming lumalang dalawa simula nang naging kami. Kinikilig ako at umaapaw-apaw pa!



CLAVIE'S POV


Nakakaasar talaga iyong love birds na yun! Parang nag-merge lang.

BV talaga ko dun sa John Paulune Roque na yun. Hindi mo alam kung bipolar o kung ano eh. Una sweet tapos biglang magsusungit. Nakakaimbyerna!


Simula Highschool ay bestfriend ko na si Precious Tiffany Javier at ako lang din ang nakakaalam na may "Precious" yung first name niya, ewan ko ba dun may pinagtataguan yata dahil galit na galit pa pag tinatawag na Precious eh sa kanya pa nga nakapangalan yung restaurant nila.




Anyway back to Paulune. Nung una close kami as in yung sweet pa sa isa't-isa tapos isang araw di na namamansin saka di nagtetext pero wag kayo kagabi sa lantern parade inaya niya akong magsayaw pero wala pa din, nagsayaw lang talaga kami ni hindi nga nakatingin sa akin eh. Naiiyak na nga ako nun.



Naalala ko yung first meet namin...




OMG! Late na ako! Adik na Tiffany kasi dinadamay pa ako sa pagpupuyat kaya di lumalaki yung pandak na yun eh. Sumakay na ako ng bus para mas mabilis yung byahe. Ako kaya ang pinaka malayo ang bahay. At kapag sinuswerte ka nga naman ay sa dulo pa iyong bakanteng upuan.

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now