MARCUS’ POV
“Son, kalma, parang susugod ka sa gyera ah!.”—ang pang-iinis sa akin ni Ama. Tiningnan ko siya nang masama para malaman niya na naiinis ako ngayon at wala akong panahon sa mga pang-aalaska niya. Nayayamot ako ngayon. Kahit kailan talaga, hindi marunong lumugar sa tamang paglagyan niyang si Sebastian na yan! Kasura lang!
“Anad, kausapin mo nga si Catalina, sabihin mo na bumalik dito.HAHAHAHA.”—ang dagdag pang-panggagatong ni Ina kay Ama. Pero teka, napakunot ang noo ko naman doon sa sinabi niya at agad nila itong napansin.
“Tong Ina mo talaga Marcus, Estella papaano ko naman kakausapin si Catalina eh, hindi naman siya Bampira.”—ang sabi ni Ama sa kinakabahan na boses. Hindi talaga sila marunong magtago. Buking na nga! Mas nabubuking pa. Oh well, ang akala kasi nila, maliit lang ang alam ko sa propesiya pero jan sila nagkakamali.
“Whatever.”—ang sabi ko sa bored na boses. Kahit naman kasi itago pa nila, alam ko din naman at unti-unti ko nang ginagawa ang plano ko. Kaya nga napasugod agad ako dito dahil kapag natuloy ni Ina kanina yung sasabihin niya tiyak na masisira lahat ng pinaplano ko.
“So, ano na yung gusto mong sabihin sa amin?”—ang sabi nito sa kaswal na boses na ngayon. Galing talaga umarte nitong Ina ko, pero dahil matagal ko na siyang kilala alam kung pinipilit niya lang maging mahinahon pero alam kung kinakabahan na siya.
“Don’t mention anything to Catalina.”—ang seryoso kung sabi sa kanya at tiningnan ito direkta sa mata. Para malaman niya na hindi ako nagbibiro.
“At bakit?”—ang pagsabat ni Ama sa pag-uusap namin. Nakakunot pa ang noo nito na waring hindi maintindihan ang sinabi ko lang kani-kanina.
“You’ll ruin everything.”—ang tipid kong sagot pero andun na lahat yun.
“I’m serious. Don’t tell her everything.”—ang sabi ko na may halong pagbabanta sa boses. Kahit na sila ang Hari at Reyna hindi ako natatakot sa kanila. Siguro dahil isa din akong purong maharlikang Bampira. At ang susunod na magiging Hari nang mga Bampira.
YOU ARE READING
The Love of A Mortal (Completed)
FantasyThis story is about a young girl who became a slave with a Vampire Prince. She became the blood bank of the Vampire. The Vampire only sees her as a maid, nothing more, nothing less. But even though, the Vampire Prince is giving a cold-treatment to t...
