Gusto ng sampalin ni Faith ang sarili sa inis.
Upon 18 years of existence nya sa planet earth, Ngayon lang sya nagalit sa sarili...for liking someone who is not appropriate na magustuhan!
Mahirap aminin sa sarili...
crush nya si Yael Benitez.
yes..si Yael nga! ang guapo matangkad na certified Campus Fuckboy!
yuck!
yucks ka tlaga Faith!
shit...bakit sya pa? madami nman dyan ah!
nandyan si Eric na nsa engineering department..cute nman ito at mukha nmang matino..
for all people bakit nman si Yael pa?
Alam nman mg lahat matinik sa chiks to.
bulong bulungan na pupunta daw ito sa party then pag uwi may lumalambitin ng chiks. at bukod doon may official Gf daw to na nagagawang kunsintihin ang kakaibang "hobby" ng Bf!
what is happenning in this world?
bakit ganito na ang takbo ng utak ng mga Tao ngayon?
naalala pa nya ang sabi ni China
" kakatakot maging jowa yun..magkakatulo ka ng wala sa oras"
yuck hahahaha
shit! ganun ba kagrabe?
"pero wag ka" eka ni irene tropa din nya
"kahit napapabalitang ganun na numero uno syang suki ng sogo..madami pa din ang nagkakagusto sa knnya..umaasan na ma ite take home sila ni fafa Yael"
Una, wala nman syang pake dto..ni hinde pa nga nya nakikita ito ng personal.
Pero isang araw ..nakita nya din ito.
Sa kauna unahang pagkakataon ay nasilayan nya ang guapong campus fuckboy!
naalala nya pa nung una nyang masilayan ang binata, nsa gitna sya ng panonood ng mainitang laro sa basketball.
PUP vs FEU, kasama nya ang bestfren nyang si china,hinila sya nito para manood, pinilit syang sumama pero hinde nya ito hilig kya eto ang kauna unahan nyang pagkakataon na makapanood ng basketball sa university nila.
" dali tara dto tyo sa harapan" nagmamadaling sabi ni china habang hila sya sa kamay.
medyo inis syang nakisiksik sa dami ng taong nanonood. maingay ang paligid. may tunog ng tambol. ang plaza ay napapaligiran ng mga estudyante na nagtitilian. pagka puesto sa maliit na espasyo sa harap. napansin nya ang player ng mismong campus nila. guapo ito. matangkad. kayumangi ang kulay, matikas ang katawan. balot ng pawis ang mukha. hawak nito ang bola at tila hinahanap kung kanino ipapasa, naihagis ito sa kanan, sinalo sabay shoot. umingay ang paligid lalo na ng minsan uling mapunta ang bola sa binata at ubod lakas na hinagis sa ring..3 points,! at ayun halos mabiyak ang tenga ni faith sa lakas ng tlian at sigawan." PANALO NA TAYO" sigaw ng mga taga PUP.
" hmp hinding hinde na ko manonood ng basketball," inis na wika nya kay china
" umuwi na tayo tutal may nanalo na"
tumanggi si china
" ayaw ko nga, kita mong nanalo tyo saka gusto ko makita ang crush ko ano" pasigaw na wika nito kay faith. kailangan sumigaw para magkarinigan
ang crush na tunutukoy ni china ay si wacky perez. sikat sa campus nila
" maghanap ka na ng crush mo para hinde mo na din gustuhin umuwi" wika nito kay faith sabay nguso doon sa player na pinagmamasdan nya knina,yung guapo matangkad, kayumanggi na medyo hawig ni coco martin. ang cute nito ngumiti. ngayon nya lang ito nakita
" Bagong transfer yan dto mga 6 months na. hinde ka ksi nanonood kya hinde mo sya nakikita" anya china sabay pilyang ngito nito kay faith
" hmmm crush mo na ano?"
Napatitig sya sa binata , pinagmamasdan nya ito sa malayo habang kausap nito ang mga kapwa player at nagulat sya ng magtama ang tingin nila o bka nman iniimagine nya lang na sa kanya ito nakatingin. .. hinde pla sa knnya nakatingin kundi sa babaeng papalapit sa binata. lumapit ito at may dalang maliit na towel, tinuyo nito ang basang pawis sa likod ng lalaking akala nya knina ay nag aksaya ng oras syang tignan.
" kita mo...may jowa na pala ang crush mo" nang aasar na sabi ni china
" wala hinde ko na papangarapin china..palpak ka tlaga pumili ng magiging crush ko"
at yun ang unang araw na nakita nya ito. ilang araw pa ang lumipas napag alaman nyang yael ang pangalan. 4th year engineering student. matalino, at bulong bulungan na isa daw itong "fuckboy"
"fuckboy"? yuck ...sa salita pa lang nakakadiri ng pakinggan. pag sinabimg "fuckboy" meaning sanay sa sex..kahit knino basta type nya at game si girl , okay na ang usapan. pagtapos magparaos,kanya kanya na...so ganun yun.
"tsk tsk...sayang guapo pa nman" waring nanghihinayang nyang bulong sa sarili
" never kita magugustuhan to think muntik na hahaha " natatawa sya sa sarili
kilala ni faith ang sarili.... mataas ang standard nya. ilang lalaki na ang binasted nya. hinde sya basta basta .
Si China nga nakailang date na gamit lang ang social media, madali mainlove, madali din mag move on pero sya.... hinde sya gaya ni China. at Dahil sya ay si Faith...nangako sya sa pinakamamahal nyang lola noon na papahalagahan nya ang kanyang sarili ng higit sa dapat.
" apo ko... alagaan mo ang sarili mo. wag na wag kang tutulad sa mommy mo. puro emosyon ang pinapairal. hinde nagiisip" naalala nya ang salitang yan ng lola nya habang nakaratay sa higaan dahil sa sakit nito. ang mommy nya nakailang relasyon, palaging bigo,at hinde tumigil sa kakahanap ng lalaking magmamahal sa knya.
Nasa abroad ang mommy nya at balitang may bago na nmang bf.
at ng mawala ang lola nya...mag isa nlang syang nabubuhay sa sustento ng mommy nya sa abroad. Nakatira sya sa bahay ng kanyang tyahin at pinsan.
Kailangan nyang maging mas maingat sa sarili.
Kaya nman no boyfriend pa din sya since birth...
at pangalo nya na gragraduate sya ng collegge...
sakali mang magka boyfriend sya sisiguraduhin nyang matinong lalaki ito.
yun ang pangako nya sa sarili at sa lola nya.
kya nman walang puwang sa buhay nya ang isang "fuckboy" na gaya ni Yael
Lumipas ang mga ilang araw sa Campus at waring naging updated sya sa mga kaganapan doon tungkol kay Yael, bagay na ikinaiinis nya dahil dati rati nman ay hinde nya alam na anim na buwan na pla itong nag eexist sa Campus nila, madalas nya itong makita na bitbit ang mahabang kartolina. pansin nya din ang sulyap dto ng mga babaeng madadaanan nito. may time na nakakasalubong nya si Yael pero hinde nman sya nito nakikita or mas tamang salita na hinde sya nito napapag aksayahan ng oras khit masulyapan man lang.
Ang unfair nga ksi pansin na pansin nya ang existence ni Yael. Sabagay, simpleng babae lang nman si Faith, hinde sya gaya ng mga babae na nakikita nyang nakapulupot kay Yael. pero alam nyang may taglay nman syang ganda, yung ganda na mas tamang sabihin na cute or typical girl next door type. hawig nya ang aktres na si sarah geronimo. masarap pagmasdan ang maamo at inosente nyang mukha.
Maaring hinde sya ang tipo ni Yael...bka ang tipo nya ay yung mga mukhang palaban. agad nyang iwinaksi palayo ang mga samut saring naiisip nyang ito na tila ba parang gusto nyang gustuhin din sya ng binata.
" no! No faith hinde ka puedeng magkagusto sa kanya" inis na bulong nya sa sarili
nsa labas sya ng gate ng Campus nung hapon na yun....hinihintay nya si China at Irene. medyo late ang dalawa dahil nsa engineering department sila. mas maagang natatapos sa klase si Faith. medyo inip na sya sa paghihintay. umuunti na din ang mga estudyanteng nakikita nyang palabas sa unibersidad.
" hi faith,,," boses lalaki...nilingon nya ang tumawag. si Eric.Napasimangot sya ng makita ito
" nakita mo lang ako sumimangot ka na.." ngiti nito sa kanya. pansin ang mga singkit na mata na lalong sumingkit sa pagkakangiti nito
" kamusta na Eric"
" eto..palagi ka pa din iniisip..." nakangiting biro ni eric
" hay naku eric puro ka kalokohan!"
" at sino nmang may sabi na nagloloko ako faith" medyo sumeryoso ang mukha ni Eric sa sinabi sabay hawak sa braso ni faith
" kung bibigyan mo lang sana ako ng chance ksi" tila sumamo nitong sabi
" faith..unblock mo na ko sa fb..."
inalis ni faith ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso nya.
" ay naku ayaw ko nga! mangungulit ka lang dun! nakakaaksaya lang ng oras!"
apat na lalaki ang nagtatawanan sa likod nila palabas sa gate ng unibersidad
" Bro isuko mo na ang nararamdaman mo" pambubuska ni eron kay eric
sundan pa ni anton" Bro awat na..hinde tao yang nililigawan mo kundi Bato hahahaha"
inis na napasimangot si Faith..hay naku yung tatlong tropa ni eric na napakaingay sa Campus. si Eron, Anton at bogie,
" Bro tara na uminom nlang tayo tutal bukas walang pasok, wala ka mapapala dyan kay miss Bato hahahha" boses ni bogie. nsa likuran nya ang tropa at asar syang humarap sa mga ito!
"Mabuti pa nga iasama nyo na tong tropa nyo dahil naaksaya lang ang oras ko!"
Pagharap nya sa tropa ni Eric biglang kinabog ang puso nya. at Gulat na gulat sya dahil kasama nila si Yael... Tahimik lang ito ngunit madiin ang magkakatitig sa knya..walang kurap. at sya nman hinde nya maintindiham kung bakit kinakabog ang puso nya na makaharap ng malapitan ang guapong si Yael
KAMU SEDANG MEMBACA
crazy again
RomansaSadyang mahirap tanggapin! madami nman puedeng maging Crush... Bakit nman si Yael Benitez pa? Papayag ba si Faith na ang gaya lang nito ang gugulo sa isip nya? gosh....bakit ang certified campus fuckboy pa? yes...guapo sya... matalino.. matangkad...
