Ika-walumpo't siyam na Kabanata

Start from the beginning
                                    

Hindi rin nagtagal ay nasuyo ko sila kahit na may tampo nga talaga sila. Aaminin ko naman na tama sila mali talaga yung nakagawian kong ugali na tuwing may problema ay lumalayo ako.

"Jusme naman Ma'am Steph napakarami ng order niyo" wika ni Rico sabay tawa

"Gutom kaming tatlo eh, we didn't eat our breakfast" sagot niya sabay tawa nila

"Aba ayun, nagagalit sa atin tuwing nagpapalipas tayo ng kain pero isa rin pala" wika ni Jenny

"Aba kumain nalang kayo diyan, isa pang dada at magk-kkb tayo rito" wika niya kaya nagsitahimik ang lahat.

------

"You really okay?" Bulong na wika sa akin ni Ma'am Roda habang ang mga kasama namin ay busy sa pags-shopping.

After naming kumain ay nag-aya si Ma'am Yen at Ma'am Steph na magshopping, sakto naman na balak rin nila jenny mamili kaya hanggang ngayon di sila magkanda-ugaga sa pagpili.

Nilingon ko si Ma'am Roda na nakatingin sa akin, hinihintay ang sagot ko. Ngumiti ako sakanya at tumango

"Yup, Super okay na po. There's still a bit of problem mam pero kaya na yun, alam ko naman na magiging okay kami ulit ni Zia kaya hindi ko kasyadong iniisip yun" sagot ko, kitang kita ko ang pagngiti niya nang marinig ang sagot ko

"Masaya akong makita kang nakakangiti ng ulit ng ganyan, dati eh pag ngingiti ka alam naming may mali" wika niya

"Ma'am Thank you po ha? Grabe ang patience niyo sa akin, ang haba talaga ng pasensiya niyo when it comes to me. Imagine di niyo pa ako kaano ano niyan"

"Lily para ka na naming anak noh, ngayon ka pa ba namin susukuan eh saksi kami sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay" sambit niya, agad naman akong napayakap sakanya

Kanina pa parang lumulundag ang puso ko sa tuwa dahil sa mga salita nilang nakakapanglambot

Mahal talaga nila ako, ang swerte ko.

"Hoy ano yan bat may yakap yakap?" Wika ni Ma'am Yen nang makita kami, agad itong lumapit sa amin para makisali kaya natawa ako.

Ilang sandali pa ay tinawag kami ni Ma'am Steph kaya naman nagsibalik nanaman ang lahat sa pagiging abala mamili ng damit.

------

"Yes Mom, we're here in Greenbelt"

"Are you going home with me? Or papahatid ka nalang sakanila?"

"Is it okay, they're still not done buying stuff eh. But if not you can fetch me here naman"

"Its fine love, you enjoy this day with them. Be home before dinner nalang? I'll cook, you should invite them too id they are free"

"I'll tell them mommy"

Habang naguusap kami sa phone ni Mommy ay biglang lumapit si Steph. Sumenyas siya kung sino ang kausap ko and I mouthed "Mom" kaya tumango siya.

"Can I talk to her?" Mahinang wika ni Steph, narinig naman yun ni Mommy kaya pinabigay sakanya ang phone.

"Hello Irene, is it okay kung magextend kami ng ilang oras? Don't worry iuuwi namin siya sainyo before dinner"

"Ay naku thankyou but di kami pwede eh. Gusto ko sanang paunlakad ka sa Dinner pero may lakad kami mamaya nila Yen"

"Sure sure next time then, thank you ha?"

"Naku wala yun, sanay na kami dito sa anak mo" sabay tawa niya pa

Napangiti ako nang makita si Ma'am Steph na nakangiti habang kausap si Mommy, okay na nga talaga sila.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now