LIZA
Malamig at payapang kapaligiran, mapapansin ang dahan dahang pagbagsak ng mga tuyong dahon sa lupa dala ng pagdaan ng hangin sa mayayabong na puno sa lugar.
Munting imahe ng isang babae ang makikita sa isang gilid sa labas ng bar na paunti unting iniinom ang red wine na nasa baso nito.
Kakaiba sa lugar na iyon. Tila isang syudad ang itinayo sa gitna ng kabukiran.
Nakatuon ang tingin ng dalaga dako na kung saan namamayani ang kadiliman ng gabi.
"Shit. Shit. Shit. Damn you Ed!"
Sunod sunod na bulong nito sa sarili kasabay ng pag inom ng wine at sinundan ng mahabang buntong hininga.
Nakarinig ng kaluskos sa kanyang likod ang babae sa parteng madilim. Sinubukan nya itong icheck kung may tao ngunit nabigla siya nang may humawak sa kanyang balikat.
"Hoy liza, bakla ka. Kanina pa kita hinahanap. Akala ko may kumuha sayong lalaki. Ako lang ang naghahanap ng lalaki dito ha. Tumigil ka!"
Sunod sunod na pagalit ni jojie sa kanya. Habang nilalaro nito ang alak sa loob ng kanyang baso.
"Ano ka ba! Papatayin mo ako sa nerbyos. Akala ko aswang. Bakla pala ang makikita ko. Kanina ka pa ba diyan?" - liza
"Anong kanina pa? Excuse me di mo ako guard. May naspotan akong poging lalaki kanina papunta dito, akala ko nga kasama mo eh" - Jojie
"Ah, baka siya yung narinig kong dumaan kanina. Di ko naman siya nakita. Bayaan mo na yun, baka di taga rito" - Liza
" Haaay, akala ko inagawan mo na ako ng boyfriend eh. Isa kang taksil na kaibigan, patingin nga baka tinago mo lang diyan sa likod"
Tiningnan pa nito liza mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay.
" Ako tigil tigilan mo akong mukhang tahong ka, baka mademanda ka ng mga tao dito. Isipin nila rapist ka." - Liza
" Magdilang anghel ka Liza, atleast may tahong" - sabay irap ni jojie.
Isang matamang tawa lang ang pinakawalan ni liza sabay hampas sa kaibigan nito.
"Halika na nga, balik na tayo. Baka marape ka pa dito kasalanan ko pa" sabay hila sa kaibigan na medyo may tama na din ng alak.
Muli niyang nilingon ng huling beses ang parte na kung saan narinig ang kaluskos kanina pero wala naman siyang napanpansing gumalaw. Nagkibit balikat nalang ang babae.
Napag kasunduan kasi nilang mag kaibigan na itry kung paano ang night life sa ganitong klaseng lugar. Di naman sila nabigo dahil halos umulan ng alak sa mga bar na kanilang napuntuhan at madaming mga kabataan ang active na active sa mga party.
Hindi naman sila natatakot dahil isang kanto lang ang layo ng place mula sa kanilang tinutuluyong hotel.
" Liza, try this one. Isang lagok, heaven kana agad" natatawang alok ni jojie kay liza habang sumasayaw ito.
" Alam mo naman na wine lang iniinom ko, di ako heavy drinker" pinandilatan niya ng mata si jojie.
" Ay grabe naman, beh ano pumunta tayo sa bar para mag prayer meeting? Aba. Enjoyin natin. Minsan lang to. Ano kaba! " - jojie
" Sinasabi ko sayo jojie ha kapag nalasing ako" liza rolled her eyes.
" Ayun naman pala eh, baka nakakalimutan mong turning 33 kana next year
Let's drink to that ! "
Malakas na hiyaw ni jojie habang sumasayaw sabay ng beat ng tugtog na Domino ni Jessie J.
Di nadin na tiis ni liza at sinunod na niya ang pang aasar ni jojie. Tila nanadya pa ito, dahil kung anu anong pinapainom sa kanya. Maya maya ay may dala dala na itong mga bagong kaibigan na malaman laman ko ay pareho din naming turista sa lugar.
