Chapter 114 "HINAHARAP"

Start from the beginning
                                    

Darating ako sa palasyo tapos magugulat sila, basta lahat ng nangyari na alam ko lahat ng yon.

Ginamitan ko ng kapangyarihan din si Mommy para hindi niya makita ang hinaharap yon oras na malalaman ni Daddy na siya ang asawa.

Yes kaya ko rin itago ang hinaharap. Ano pa bang saysay bakit ako ang anak nila Ian Cooper at Elizabeth Amber?

Malapit lapit narin ang coronation day para sa queen, at si Mommy yon itatalaga na ni Daddy si Mommy na maging reyna at ipapa alam na sa buong campire world na buhay si Mommy and then yon.

Si Penelope sa una hindi niya matanggap dahil ang mga sakripisyo niya nawala na lang na parang bula.

Pero matatanggap niya rin yon hindi paparusahan ni Mommy sila Penelope at Charlotte, dahil umiiral na naman yon kabaitan ni Mommy tapos ayon magiging magkaibigan din sila tapos magsasama sila Kuya Kurt at Penelope kasama Si Charlotte mabubuhay sila ng masaya.

At kami ganon din mabubuhay kami ng masamya at sa paglipas ng panahon makikilala ko din ang soul mate io tapos yon, don lang muna aishh daldal ko aisshhh.

KAINIS!

_________

KURT POV;

Biglang humangin ng malakas nasa labas ako ng palasyo sa gilid ng pinto schedule ko ngayon na magbantay ngayon dito kasama sila Klien.

Napalingon ako sa pinto ng lumabas don si Charlotte umiwas ako ng tingin at diretsyo akong tumingin sa harap.

"K-Kuya"Hindi ko siya nilingon ng lumapit siya sakin at kinalabit niya ako, sa harap lang ako nakatingin.

I'm sorry Charlotte ginagawa ko lang toh dahil nangako ako sa Mommy mo na lalayuan ko na kayo at hindi na manggugulo ulit pa.

"Kuya pansinin niyo naman po ako oh miss ko na po kayong kasama."Naiiyak na sabi niya napabuntong hininga at tinawag si Klien.

"Klien kayo muna dito may pupuntahan lang ako."Sabi ko tumango sila at tumalikod na ako, hindi ko pinansin si Charlotte at patuloy na naglakad paalis don.

Nakapunta ako sa malawak na swimming pool at nakita si Ariana na naglilinis ng pool.

Napailing ako at lumapit sa kanya at inagaw ang hawak hawak niyang panungkit para makuha ang mga dahon na nahuhulog ang laki laki kasi ng swimming pool mga 200 meters na parang isang buong field na.

"Oh ikaw pala."Sabi niya hindi ko siya pinansin at inabot ang mga dahon na nahuhulog sa mga sanga.

"Ganap na sainyo ni Lady Penelope?"Tanong niya at sumandal sa likod ko na kinagulat ko putcha muntik na akong mahulog.

"Bwisit ka! Muntik na akong mahulog!"Inis na sabi ko, umalis siya sa likod ko at tumawa humarap ako sa kanya at inis siyang tinignan.

"Ikaw kaya ihulog ko dito sa swimming pool!"Inis na sabi ko tumawa siya ng wala ng bukas sampalin ko toh eh kung hindi lang siya soul mate ni King Axel ay nako nako matagal ko na tong nasabunutan.

"Ayaw mo kasi mag open up sakin ng mga problema mo alam mo naman nag aalala lang ako sayo. Matagal na tayong magkaibigan mga 50 years na rin pinagdaanan na natin lahat ng hirap at sakit palagi tayong nag oopen up noon tapos ngayon hindi kana nagsasabi ng mga problema mo."Nag-aalala na sabi niya at nag cross arm.

Napabuntong hininga ako.

"Oo alam ko naman yon pero gusto kong sarilihin ngayon, mahirap kasing sabihin tsaka ayaw ko ng pag-usapan wala naman ng pag asa kahit tulungan mo ako."Bulong ko napabuntong hininga siya at tinapik ako sa balikat.

"Tungkol ba sainyo ni Lady Penelope? Sinabi niya bang huwag kana lalapit sa kanya at hindi ka niya matanggap?"Sabi niya na kinalingon ko sa kanya.

Pano niya nalaman aishh kahit kailan talaga wala akong maitatago sa babaeng toh kilalang kilala ako.

"Pano ko nalaman? Kilalang kilala kita noh tsaka alam kong may nangyari sainyo ni Lady Penelope, pati yon alam ko kahit hindi mo sabihin alam ko ang nangyayari sayo. Tsaka malay mo may pag asa pa pala na magkatuluyan kayong dalawa?"Nakangiti na sabi ko.

Umiling ako, pag-asa? Wala na nga.

"Aissh huwag na lang natin pag usapan."Sabi ko at nagpatuloy sa pagkuha ng dahon.

"Sus ikaw na lalaki ka dapat sayo ganto ginagawa!"Sabi niya kumunot ang noo ko at haharap na sana ng bigla niya ako sinipa sa likod kaya nahulog ako sa pool.

Bwisit umahon agad ako at naghabol ng hininga.

Inis ko siyang tinignan ng tawa siya ng tawa tangina kung hindi ko lang kaibigan toh sinasakal ko na siya ngayon.

"HAHAHAHA ano nahismasmasan ka?"Tumatawa na sabi niya inis kong sinuklay ang buhok ko at lumangoy palapit sa kanya umahon ako at inis siyang tinignan.

Tangina basang basa na ako.

"Oh siya HAHAHA palit ka na!"Tumatawa parin siya sige tumawa ka lang hanggang sa malagutan ka ng hininga.

Inalis ko ang uniform ko para sa knight at tinira yon long sleeve ko, ibinigay ko yon kay Ariana na tumatawa parin hanggang ngayon.

"Oh labhan mo yan!"Inis na sabi ko at umalis.

Tinatanong nga din ng mga kasamahan ko kung bat ako basang basa kasalanan nung Ariana na yon!

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Ang init na tinanggal ko ang long sleeve ko wala na akong pake alam kung makita nila yon katawan ko, pero hindi ko inalis yon sa baba noh.

Naglakad ako papasok sa palasyo at nakita ako nila King Axel.

Nagulat sila ng makita ako nag bow ako para mag bigay ng galang.

"Oh anyari sayo Kurt bat basang basa ka?"Natatawa na sabi ni King Steve napakamot ako ng ulo.

"T-Tinulak p-po kasi ako ni Ariana sa pool mahilig po kasing manulak yon."Magalang na sabi ko napatawa silang tatlo nila King Axel, King Steve at si Prinsepe Ezekiel.

"Magpalit kana don baka magka sakit ka pa."Nag-aalala na sabi ni King Axel tumango ako at nagpasalamat.

"Salamat po sige po alis na po ako baka po mabasa din po kayo."Nahihiya na sabi ko habang mahigpit na hawak hawak ang long sleeve ko arghhh nakakahiya.

Tumango sila kaya yumuko akong nilampasan sila at naglakad na patungo sa kwarto ko para magpalit.

Nakatingin naman sakin ang ibang mga kasamahan ko at mga maids yon iba nagbubulungan.

"Hoy Kurt! Ikaw mag punas dito! Bat basang basa ka kakalinis ko lang!"May biglang sumigaw sa likod ko at napalingon ako si Grace isa sa mga kaibigan ko din.

"Ikaw na lang nilalamig na ako eh libre na lang kita mamaya."Sabi ko at kinindatan siya pero binato niya ako ng basahan pero nakailag ako.

Ngumisi ako sa kanya at piniga ko ang long sleeve ko para tumulo sa sahig ang tubig HAHAHAHA gago yon mukha niya.

"KURT!"Sigaw ni Grace kaya bigla akong nagtatakbo HAHAHA sarap talaga niya inisin.

Tumigil ako sa pagtakbo ng malapit na ako sa kwarto ko.

Bigla akong napatigil ng makita si Penelope na naglalakad.

Kamusta na kaya siya? Kamusta na ang anak namin? Kumakain ba siya ng tama?

Hindi ko kasi alam pinag gagawa niya lumalayo na nga ako eh.

Napatigil din siya ng makita ako pero umiwas na lang ako ng tingin at lumakad palapit sa kanya nilampasan ko siya at nagtungo sa kwarto ko.

Napasandal ako sa pinto ng pagpasok ko sa kwarto ko napabuntong hininga ako.
_______

Continue.

My Husband is A Vampire Prince (Book 2) EDITING Where stories live. Discover now