37 R🔞

59 1 0
                                    






Our three day vacation at Elijah's family's house comes to an end. Akala ko ay hindi na magiging masaya ang mga huling sandali namin sa kanilang pamamahay matapos ang nakakagulat na anunsyo ni Tito Elias, but I think everyone in their little family already saw it coming, naghihintay na lang siguro sila ng panahon kung kailan ito mangyayari. Sa huli ay sinulit namin ang natitirang oras bago kami bumalik sa Maynila.

Ako, Tim, Elijah and Tita Elena, the four of us went on a small escapade, we went shopping and ate in various restaurants downtown.

I'm glad that Elijah managed to make his little family happy by spending time with them. At masaya ako na nasasaksihan ko ito. It's his small wins na alam kong hindi niya pinagtutuunan ng pansin dahil para sa kanya parte ito ng obligasyon niya, pero para sa akin na isang outsider sa kanilang pamilya, proud na proud akong makita kung gaano siya karesponsableng anak.

"I'm still surprised that you decided to bring along home this cute little creature with us, Eli." untag ko sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho.

I was petting this little puppy on my lap, a two months old Italian Greyhound. Sobrang cute nito at nakakatuwa dahil matalino.

Elijah threw a glance at me before smirking.

"He was begging to come with us," biro niya.

I scratched the puppy's neck and I smiled when it leaned onto my touch.

Good boy.

"Is that true? You wanna come with us, hmm?" malambing kong tanong sa tuta at isang impit na tawa ang pinakawalan ko matapos nitong dilaan ang mukha ko.

Narinig ko din ang mahinang tawa ni Eli sa aking tabi.

"Such a smart little baby," puri ko sa aso.

And then I heard Elijah scoffed.

"Mana sa daddy syempre,"

Nalukot naman ang mukha ko at nilingon siya.

"I'm sure mas matalino 'tong aso na 'to kesa sayo, Eli. Baka nga ikaw pa ang may matutunan sa kanya." pang-aasar ko naman.

Ngunit imbes na maasar ay lalo lamang lumapad ang nakakalokong ngisi niya.

"Actually may natutunan na ako. In fact, I can share it to you as well," proud at nakangisi niyang sabi.

No doubt, Elijah can be a good fur parent but let's see.

"Ano naman 'yon aber?" curious kong tanong.

Tinapunan muna niya ako ng tingin at ngumisi bago muling ibinalik ang mata sa kalsada.

"I can teach you how to doggy."

The silence after he dropped those words is deafening.

Shhh, kaibigan mo 'yan Antoinette. Bestfriends kayo since birth. Kalma.

Putcha.

Kinailangan ko pang pumikit at kalmahin ang sarili ko ng mga limang segundo dahil sa kagaguhan ng lalaking 'to. Hays. Lord.

I pressed my lips together before releasing a heavy sigh as I looked outside. Normal naman akong tao, pero ewan ko ba. Hays. Hindi naman matawaran ang tawa ng baliw na 'to habang nagmamaneho.

"What? Anong mali 'don?" natatawa at painosente niya pang tanong.

"Alam mo okay na din pala na dinala mo 'tong aso mo para may kausap ka sa bahay." sabi ko.

Humagalpak naman siya ng tawa.

"Totoo naman eh! Doggy ba–"

"Magdrive ka na lang ng tahimik, Eli. Utang na loob." halos nangungunsumi kong sabi pero natatawa na din.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love, AnnieWhere stories live. Discover now