"Oo nga!" sang ayon ni Kyla, "Kaya pala maraming nagkakagusto eh!" dagdag nya pa, tiningnan ko naman sya ng masama
Baka mamaya kung anong isipin ni Deanna.
Pinagpatuloy uli namin yung byahe.
"Jema, saan pala tayo tutuloy don?" tanong ni Gel sakin
"Dun sa bahay na tinitirahan namin" sagot ko
"Ahh, ilan yung kwarto don?" tanong uli sakin ni Gel
"Tatlo lang" sagot ko
"Ahhh, kakasya kaya tayo?" tanong uli ni Gel
"Oo naman, pagkasyahin natin!" sagot ko habang nakangiti
"Guys, hahabol daw si Bebi ko, okay lang ba?" tanong ni Kamuy
"Oo naman!" sagot ko
"Yun! Thank you Jema!" sabi nya sakin, nginitian ko lang sya
Nang makarating kami sa Zambales namangha yung mga kaibigan ko.
"Wow! Ang ganda pala dito Bes!" sabi ni Kyla sakin
"Talagang maganda!" pagyayabang ko, "Tara, ayun yung bahay namin" aya ko sa kanila
Napasulyap uli ako kay Deanna, nakatayo lang sya habang iginagala yung paningin nya
Siguro tinitingnan nya na kung ano yung magiging posisyon ng gagawing 5 storey building dito.
"Tuloy kayo" sabi ko
Pagpasok namin sa bahay agad nilang nilabas yung mga binili namin sa ministop kanina.
Buti nalang at bumili sila ng water.
"Guys, yung magshishare sa isang room, si Bea, Tots, Gel, Kamuy at si Deanna, kasya naman kayo doon sa taas... kami naman nila Ced, Jho, at si Ate Aby pag dating nya, yung driver doon nalang sa isang room, tutal pang isahan lang naman yon" sabi ko sa kanila
"Okay! Hay salamat makakapag pahinga na din!" sabi ni Bea
Magkakasunod na umakyat sa taas sila Bea, kami naman ni Ced pumasok na din sa room namin para mag ayos ng gamit.
"Ang tahimik talaga ni Deanna" sabi ni Ced
"Oo nga, hindi ko pa sya masyadong kilala kasi hindi ko naman sya nakasama dati nung nasa Ateneo pa sya, pero sana dapat hindi nyo sya tinatrato ng ganon, alam nyo naawa ako sa kanya kanina, wala manlang lumipat sa table nya kanina" sabi ni Jho, "Alam nyo kung ka close ko lang yon ako na yung tumabi sa kanya" dagdag nya pa
Hindi na ako nagsalita.
Pagkatapos naming mag ayos sa room namin lumabas na kami at nakita naming nagsisimula ng mag inuman sila Bea, Tots, Gel at Kamuy.
Nasaan si Deanna??
"Si Deanna?" tanong ko sa kanila pero hindi nila ako sinagot
"Huy! inuman agad ha! Walang kaen kaen?" tanong ni Kyla
"Nakakaen na tayo kanina diba? Saka busog pa kami" sagot ni Kamuy
"Guys, si Deanna?" tanong ko uli sa kanila
"Ah, n-nasa taas pa, naku! Muntik na nga mag away itong si Bea at si Deanna kaya ayon sinamahan na namin si Bea dito sa baba" kwento ni Tots
"B-Bakit?" tanong ko sa kanila
"Ito kasi si Bea, parinig ng parinig!" sumbong ni Kamuy
Sabay sabay kaming napatingin sa taas, lumabas kasi ng kwarto si Deanna.
Magkasalubong nanaman yunh kilay nya, halatang nabadtrip sya.
"D-Deanns, shot tayo" aya ni Gel sa kanya nang makababa si Deanna
Tumigil sa paglalakad si Deanna pagkatapos tumingin sya kila Gel
"H-Hindi na, m-mukhang hindi na ako belong sa inyo eh, ramdam ko yung inis at galit nyo sakin. Saka hindi naman ako pumunta dito para dyan, pumunta ako dito para magtrabaho" seryosong sabi ni Deanna pagkatapos naglakad na sya palabas
Ramdam mo yung hinanakit ni Deanna habang sinasabi iyon.
"Alam nyo grabe kayo" sabi ni Jho
"Bakit?" tanong ni Gel sa kanya
"Totoong kaibigan ba talaga kayo?? Parang wala kayong mga pinagsamahan ha..." inis na sabi ni Jho
"Jho, hindi mo alam kung ano yung ginawa nya kay Jema!" inis na sabi ni Bea kay Jho
"Oo wala akong alam, hindi ko nga din sya masyadong kilala eh, pero sana wag naman kayong ganyan sa kanya... Oo nasaktan si Jema, pero hindi naman tama na nasa iisang panig lang kayo! Kung totoong mga kaibigan kayo dapat nasa gitna lang kayo!" sabi ni Jho pagkatapos tumingin sya kila Gel, "Kayo naman! Diba kayo yung laging kasama ni Deanna dati?! Anong nangyare??" inis na tanong ni Jho kila Gel
Hindi naman nakasagot sila Gel.
Ano ba to... kakarating lang namin pero nagkakagulo na sila!!
Naglakad palabas si Jho.
"Jho! Saan ka pupunta?!" tanong ni Bea sa kanya
"Susundan ko si Deanna!!" inis na sagot nya
Nakagat ko yung labi ko.
Tumingin ako kila Bea...
"Diba sinabi ko naman sa inyo na okay na ako? Ayaw kong mag away away kayo ng dahil sakin..." seryosong sabi ko kila Bea, sabay sabay naman silang napayuko
"Sorry" sabi ni Bea, napailing nalang ako
Maya maya bumalik uli si Jho.
"Oh, akala ko ba susundan mo si Deanna?" tanong ni Ced sa kanya
"Hindi ko na sya makita eh, baka mamaya maligaw pa ako dito" inis na sagot nya
Dahil hindi ako nakatiis naglakad ako palabas para hanapin si Deanna.
Pupuntahan ko nalang yung mga lugar na pinupuntahan namin dati..
Aaminin kong nag aalala din ako sa kanya..
Nasaan na ba yon? Mabuti nalang at palubog na yung araw... Hindi na masyadong mainit.
------------
Update uli guys..
Go Jho! Sermonan mo yang mga yan.. 😤😤 Ipagtanggol mo yang anak mo! 😤😤😂🥹
Part 55
Start from the beginning
