"Amin na yan!" Ani ko at kinuha ang bag ko mula sa kamay niya, hindi na rin niya sinubukan pang kunin dahil nasuot ko na din naman. Umiba naman ako ng daan para umuwi muna sa bahay at kunin ang iilang gamit ko para sa paglipat ko sa dorm bukas.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya, hindi ako sumagot at nag patuloy lang sa paglalakad.

"Tsk! Mr. Omega?! Saan ka pupunta?!" Saad niya, napahinto ako sa paglalakad dahil sa tawag niya sa akin na Mr. Omega! Ay aba magkakamatayan kami dito!

'true! Patayin na yan!' Ani ng isa kong pagkatao.

'Kung hindi mo pinapansin yan edi sana kalmado ka ng naglalakad pauwi sa inyo?' Saad pa ng isa kong pagkatao.

Tumayo ako, "dugyot!" Sigaw ko. Alam kong maiinis siya sa pagtawag sakin kaya naman tumakbo agad ako ng mabilis bago niya pa ako habulin.

Nasa akin pa din ang alas!

Dahan dahang bumagal ang takbo ko ng hindi ko siya makita sa likod ko. Hays... Hindi ko pa rin maisip kung bakit tumibok ang puso ko sa kaniya kanina.

"Guni guni mo lang yun casper!" Saad ko sa sarili ko bago sumakay ng jeep pauwi sa bahay para kunin ang mga iilang gamit na dadalhin ko para sa dorm.

Pagdating ko sa bahay,

Ngiti ni mama ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto sa bahay.

"Casper! Kumusta ang araw mo anak?" Tanong ni mama, yinakap ko muna siya bago sumagot.

"Ayos naman po ma... masaya po." Sagot ko, linapag ko sa sofa nitong sala yung bag ko.

"Nakakain ka na ba? May hinanda ako para sayo." Saad ni mama, napatingin ako sa lamesa na may nakalagay na tinapay.

"Dalawa lang po ma." Ani ko at umupo sa sofa. Nakakapagod ang nangyari ngayong araw.

'Mapapagod ka talaga, winasak ka ba naman' Saad ng isa kong pagkatao.

'Kaya nga, matulog ka na lang.' Ani pa ng isa.

At ganun na nga ang nangyari... Nakatulog ako at hindi na nakakain ng meryenda.

Nagising ako ng may maramdaman akong matigas pero masarap sa pakiramdam na bagay. Andito na rin ako sa kwarto... Kaso paano ako napunta sa kwarto kung sa sala ako nakatulog?

Imposibleng mahuhat ako ni mama nang hindi nagigising?

Napamulat ng mata dahil sa narealize! Kung hindi ako binuhat ni mama? Sino?

At bakit matigas ang unan ko? hindi naman ganito yun ah?

Napabalikwas ako sa kama ko at tiningnan kung sino ba ang katabi, halos mawalan ako ng dugo ng pag timgin ko kung sino ang katabi ko.

It's f*cking nico!

Mahimbing lang siyang natutulog while me halos mag wala na pero hindi ko magawa. I can't let this fallen angel wake up. Rare moments lang ito kaya why not sulitin?

Hindi ko alam kung bakit nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at mas pinili ang tumitig lang sa kaniya habang natutulog siya.

Napaigtad ako ng gumalaw ang ulo niya kaya humiga ulit ako pabalik at nag kunwaring tulog, maya maya lang ay gumalaw ulit siya. Nagulat ako nang ipatong niya ang kanang kamay sa akin at kanang paa.

Ang sikip! Kung lata lang siguro ako ay pipi na ako sa katawan niya, ang laki eh!

"Morning..." Saad niya na ikinabigla ko, hindi ko alam na gising na pala siya?

Nag kunwari na lang akong nagising dahil sa kaniya, "hmmm..." Sambit ko at minulat ang mata. Para na rin makakatotohanan ang pag arte ay kunwari nagulat ako sa kaniya at itulak siya papalayo. What a plan!

Perfectly YoursWhere stories live. Discover now