Chapter 168: Baguio Trip III

Start from the beginning
                                    

"Hmm... most of the time payapa. Ngayon lang talaga medyo maingay at magulo dahil sa dami ng turista pero understandable naman. After Christmas naman ay bababa din 'yang mga 'yan. You guys are here for family vacation 'no?" Tanong ni Ianne and tumango kaming dalawa ni Dion.

"Eh si Sandro? Anong ginagawa rito sa Baguio!" She asked, nagtama ang mata nilang dalawa sa rear mirror.

"Ano... bakasyon din." Kumamot sa baba si Sandro.

Huh? Umakyat nga siya ng Baguio para suyuin si Ianne, eh.

"Ikaw lang mag-isa?" Tuloy na tanong ni Ianne.

"Ah. Oo. Soul-searching." Sandro answered. "Ang ganda pala ng mga bundok dito." Pag-iba niya ng topic.

"Gaga ka, nag-soul searching ka nang alam mong dito nakatira ex mo." Ianne laughed. "Pero sa bagay, iba rin talaga ang nagagawa ng Baguio sa mga taong sawi sa pag-ibig. No judgment with that."

"Anong plano mga pala Ianne, quit streaming ka na talaga? Paano ka na now?" I asked her kasi sa Hunter Online din siya unang nakilala.

"More likely nagpapahinga, mag-i-stream pa rin naman pero hindi na katulad dati na halos limang beses sa isang linggo. I will do stream whenever I like to interact with other people. For fun na lang. At isa pa, I can still earn money as content creator, magpo-promote ng brands, places, items. Kikita pa rin naman ako. At hindi mahal ang cost of living dito sa Baguio compare sa Maynila na saksakan ng init at polluted tapos presyong ginto ang bawat apartment." Paliwanag ni Ianne.

"Kayo ba? What is your plan?" She asked habang mabagal ang usad ng mga sasakyan.

"I am invited to play sa Yugto Pilipinas." Sagot ko kay Ianne. "Dion is busy with his commercial building. Malaking tulong din 'yong pera mula sa Tournament at mga endorsements."

"Wow, nakaka-proud naman kayo. Atleast, you are making your own paths nang magkahiwalay kahit papaano. May individual growth, tama 'yan, huwag iikot ang mundo ninyo sa isa't isa." Ianne stated.

"Awit." Napakamot muli sa baba si Father Chicken.

Mabuti na lang talaga at hindi kami nag-commute papunta rito dahil wala halos dumadaan na taxi sa area na ito. Grabe, nasa labas pa lang kami ng museum ay breath taking na ang view.

"Kuya, gusto mo, picture-an kita?" Alok ko kay Kuya London.

"Ulol mo. Kung marunong lang humawak ng camera si Forest ay baka mas maganda pa kuha no'n kaysa sa 'yo. Dion, ikaw kumuha sa akin ng picture." Iniabot niya ang phone niya kay Dion at nag-post sa harap ng Bencab.

"Mga hater sa photography skills ko." Sagot ko sa kanila.

Pagpasok pa lang namin ay na-amaze na agad ako sa mga crafts na gawa sa bakal na parang robot, sa mga paintings. "You are not into this 'no?" Mahina kong tanong kay Dion habang pinagmamasdan namin ang isang painting.

"Luh, hinahanapan mo lang ako ng butas para masabi mong art hater ako, eh." Reklamo ni Dion. "Na-a-appreciate ko naman 'tong mga paintings at wood crafts na ito pero kung tatanungin ako kung ano ang interpretation ko... wala akong masasagot. Na-a-appreciate ko lang siya as an art, hindi ko alam kung paano ko siya gagawan ng kuwento."

Naintindihan ko naman si Dion dahil kahit magbasa nga ng mga self help books ay hindi niya rin magawa.

Pababa kami at karamihan ay mga ifugao sculptures na hubo't hubad. Well, we do research naman na about Sexual Intimacies ang museum na ito so I am already to see nudities and sexual contents.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now