"Ano ba ang nais ng binatang iyon? Marahil ay tila isang kalapastanganan kung maituturing." Aniya, pagkatapos ay napaupo sa isang upuan, "Pero pwede ring isang hakbang ito para kalabanin ang kaniyang ama?"

Naguguluhan na ang don sa mga kinikilos ni Liyong.

"Huwang ka pong mag-alala, Don Xavier. Pangako ko sa inyo na matatapos din ang dagok na ito na kagagawan ng aking ama." Ani Liyong sabay ngiti.

Napailing si Don Xavier sa bumalik na alaala sa kaniyang isipan. Sa muli ay pinanghawakan niya ang sinabi ng binata at pinakalma ang sarili.

"Mahal na mahal ko po ang iyong anak, kung kaya ay gagawin ko ang lahat para makatulong dito sa barrio Querrencia."

Napahinga nang malalim ang don at pinagmasdan na ngayon ang mga espadang ginamit nila sa pag-eensayo.

KINAUMAGAHAN, gumawi si Liyong sa kusina ng mansyon at pinagmasdan ang ginagawa ng mga katulong. Lubos siyang nakokonsensya dahil napatagal ang sinabi niyang papatakasin niya ang mga ito.

"Pasensya na po!" Natatarantang saad ng lalaking payat nang masagi ng isang balde ang paanan ni Emilia at nabasa ito.

Natuon na ngayon ang paningin ng mga alipin sa gawi ng dalawa.

"Punyeta! Mag-ingat ka nama---" Natigil si Emilia sa paghampas ng abaniko sa lalaking payat nang mapansin si Liyong na pinigilan siya.

Kitang-kita ni Liyong ang malaking umbok sa tiyan ni Emilia, pagkatapos ay naramdaman niya ang pwersang pagbawi ng tiyahin sa kamay nito na kaniyang hawak.

"O? Leopoldo! Aba'y bumalik ka rin dito." Sarkastikong saad ni Emilia.

Napatiim bagang si Liyong at agad na itinuon ang pansin sa lalaking payat. Tinulungan niya itong makatayo mula sa pagkakaluhod.

Walang nagawa si Emilia kundi ang umalis na nakataas-noo na tila isang reynang walang kapantay.

"Pasensya na sa naging ugali ng aking tiyahin." Wika ni Liyong sa kanila.

"Sanay na po kami." Halos pabulong na saad ng isang dalaga.

Napahinga nang malalim ang binata at nakaramdam ng sobrang awa sa kanila.

SA isang malaking silid na kung saan laging namamalagi ang gobernadorcillo ay naroroon siya at pinagmamasdan ang mga babaeng nakahubad sa kaniyang harapan.

"H-huwag niyo p-po akong patayin. Ibibigay k-ko po lahat ng nais niyo." Pagmamakaawa ng babae sa harapan ng gobernadorcillo.

"Talaga?" Malumanay na katanungan ni Alfonso at bahagyang inangat ang mukha ng dalaga. Napangisi siya dito dahil halatang galing sa marangyang pamilya ito.

"O-opo." Desperadang saad ng dalaga.

Napatingin muli si Alfonso sa limang kababaihang nasa harapan niya na nakaluhod habang nakayuko at walang imik.

"Ano ang iyong ngalan?"

"Aurora. Aurora ang aking ngalan."

Napangisi ang gobernadorcillo, sabay haplos sa pisngi ng dalaga. "Bueno, Aurora, may iuutos ako sa'yo. Kapag hindi mo ito nagawa ay alam mo na ang magiging kahihinatnan."

Mabilis na napatango ang dalaga, "K-kahit ano, senyor!"

Ngumisi muli si Alfonso at tumango sa dalawang lalaki na nakatayo malapit sa pintuan, "Kayong dalawa, pumarito kayo." Utos niya sa dalawa. "Bihisan niyo siya ng marangyang kasuotan."

"Sí, Supremo. Paano po ang naiwang limang babae?" Tanong isang lalaki na may kalakihan ang katawan at nakasuot ng maitim na kamiso de tsino.

"Dalhin niyo sila sa mga duké, nang sa gayon ay pagsawaan sila." Mahinahong tugon ni Alfonso. Pagkatapos ay inilipat ang paningin kay Aurora. "Hija, ito ang aking utos, manmanan mo ang aking anak na si Leopoldo, kung maari ay nais kong akitin mo siya nang sa gayon ay masabi niya ang lahat ng sekreto."

Via DolorosaWhere stories live. Discover now