kumuha ako ng isang bulaklak at nilagay ko sa tenga,ewan ko ba sa sarili ko!, baka' trip ko lang talagang kumuha
tumakbo na ako,baka' kasi maligaw pa ako sa lugar na'to,sa pagtakbo ko napadaan ako sa may putik at napatingin sa bulaklak na nasa tenga ko
nagulat na lang ako sa nakita ko,yung mga petals kanina na tuyong-tuyo,ngayon naging color yellow ito na parang bagong halimuyak pa lang nito
hindi! hindi!hindi! baka' imahenasyon ko lang 'to,oo tama imahenasyon ko lang talaga 'to, pero hindi naman pwedeng magsinungaling ang putek na may tubig diba??
bahala na nga! hina-hanap ko na ang mga kasamahan ko,sana hindi pa sila nakaka-layo
hanap
tingin dito
ayun! tumakbo na agad ako sa kanila,paglapit ko kay Yeri naka-titig siya sa harapan
tumingin ako sa harapan na tini-titigan nila,ano ya'n?!!! jusko!! ang dami naman ng mga kaluluwa sa loob na nagwawala
yung totoo,masaya ba sila o nag-aalitan?
" Spirit's of Demon" sabi ni Drake
tumingin ako sa taas,may nakalagay na Spirit's of Demon sa isang punit-punit na tarpauline at sa baba nito may nakalagay na Habenses
Habenses? dito kaya naka-lagay ang Morgon na kailangan kong kunin?
" mu'kang nandito ang lagusan,ito na lang ang natatanging lugar na pwede nating pasukan"sabi ni Drake
" at may kailangan rin akong kunin sa lugar na'yan" sabi naman ni Faith
anong sayo?! hoy!! sa'kin lang yong Morgon,sa akin lang yu'n pinag-katiwala, kahit isa ka pang Azona,i don't care! hindi ka naman karapat-dapat na humawak ng isang napa-kalakas na sword
sa oras na makuha mo ang Morgon,i'm sure,ipag-yayabang mo lang ya'n!
" Sam!,nandiyan ka na pala?" sabi ni Saphire
oo kanina pa!!, tumingin naman sila sa'kin,akala ko mag-re-react sila bulaklak dahil kumuha ako,hindi pala
siguro hindi lang nila nakita ang bulaklak sa tenga ko,yung bulaklak kasi hindi naman siya masyadong malaki o maliit katam-taman lang siya at siguro hindi nila nakita dahil sa buhok ko na naging makapal at humaba pa ito
" sinong ma-uunang pumasok?" tanong ni Irene
at tumingin sila....................sa'kin,haay!! napa-pikit na lang ako sa mga mata ko,bakit ba ako na lang parati!! gusto ba nila na ako ang maunang ma-matay?!! tssk.... hindi yu'n mangyayari!! hindi sa araw nato! maybe next week
" sige na Sam,ikaw na lang ang ma-uuna" sabi ni Yeri sabay hila sa'kin
" ayoko nga!! kayo na lang!" pag-pupumiglas kong sabi
pinagtulungan talaga nila ako na maka-pasok sa loob,ang sama nila!!ang rami pa namang mga kaluluwa na nagwawala,dagdagan mo pa yung mga mukha nila
mukha pa lang nakaka-takot na!!ano pa kaya kung sa mga kaya nilang gawin sa'min, nag-pupumiglas parin ako sa kanila,kaso hindi ko kaya sila!! hanggang sa maka-pasok ako sa loob,pag-ako namatay dito!,hindi ko talaga kayo mapapatawad!
sa pagpasok ko sa loob,lahat sila naka-tingin sa'kin at may biglang may limang ulo ang lumapit sa harapan ko
gusto kong masuka kaso hindi ko magawa,tina-asan ko sila ng kilay,sila naman naka-titig lang sa'kin,siguro pinag-mamasdan ako
agad naman silang umalis sa harapan ko at nag-simula naman silang nag-wawala,haay!! salamat naka-hinga ako nang malalim
akala ko ba mga Demonyo sila? eh bakit 'di man lang ako nila sinaktan o kina-laban man lang?!
tumingin ako sa mga kasamahan ko,nagtaka naman sila sa nangyari at pumasok na lang sila ng walang pag-aalinlangan
sa pag-pasok nila,lahat sila naka-tingin sa mga kasamahan ko,yung tingin nilang masaya?? paki-ramdam ko lang yu'n kahit mga bungo sila kaya ko rin yu'n maramdaman
ewan ko lang kung masaya? ano bang masaya sa mga kasamahan ko? di kaya?!!!!
" what the!! lumayo nga kayo sa'kin!! nakakadiri kayong lahat!!"sigaw ni Faith
" ouch!! ang sakit!! pag-ako natamaan ng husto,mapapatay ko kayong lahat!" sabi naman ni Irene
pinag-kakaguluhan kasi sila ng mga Spirit's at sa bibig mismo ng Spirit's nang-gagaling ang mga tinik
hindi ito ordinaryong tinik,kung matatamaan ka man nito,syempre masusugatan ka,sa kabila ng sugat nito,manghihina ka at tutuluyang mawawalan ng lakas,kung hindi ka mag-pupumiglas at hahayaan mo na lang ang nangyayari, magiging buto ka ng unti-unti
di kaya dahil 'to sa bulaklak kaya hindi nila ako sinasaktan?
" Sam!! pumasok ka dito!" sigaw ni Jiho
may ginawa si Jiho na Circle kunh saan magkaka-sya kami at po-protekta sa'min laban sa mga Spirit's
pumasok naman ako sa loob,actually dapat hindi ko na kailangang pumasok dito,tutal hindi naman nila ako sinasaktan eh,mabuti na lang konting galos lang ang natamaan sa mga kasamahan ko
" Sam,bakit dika man lang kina-laban ng mga Spirit's" tanong ni Yeri
" Dahil 'to sa bulaklak na nakita natin kanina" sabi ko
yung mga mukha naman nila,parang nanghinayang
" akin na nga yung bulaklak!" sabi ni Faith
" ayoko nga!! hindi mo ako utusan!" sabi ko sa kanya
ano ka? sinu-swerte? ikaw nga 'tong unang nag-react sa mga bulaklak,hindi nga mai-pinta ang mukha mo sa pandidiri!!
Miss. Zy (the author)
Note: Ang storyang ito ay malapit ng matapos^__^late update? yes!! sana magustuhan niyo^__^ vote and comment lang!!
YOU ARE READING
Blue Dragon Princess [ Completed]
FantasyMay dalawang Paradise ang naghahangad ng malawakang kapangyarihan Ito ay ang Schwerin Land at Mencaster Land Kailangan nilang hanapin ang nawawalang prinsesa ng makaka control sa isang dragon o " blue dragon wizardous" Saan kaya papanig ang prins...
Chapter:36
Start from the beginning