Ikalabing-limang kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Isa siyang lalaki na may pakpak.

“Ms. Erese, are you listening?!!!!!!”

Bumalik ako sa ulirat ng may narinig akong sumigaw.

Napatayo ako.

“I- i beg your pardon Maam?”

Huminga ng malalim ang teacher namin. Syeets, anjan na pala siya...

“I said, greeting your teacher is showing your respect for her. Nagg-greet na yung mga kaklase mo, ikaw naka-upo lang jan at tulala habang nakatingin sa hawak mo.”

Nakakatakot talaga tong teacher namin sa Advanced Algebra T^T.

“I’m sorry Maam.”

“psh. Fine. Be seated.”Maam

Umupo na nga ako.

Napatingin ulit ako sa feather na hawak ko. kinilabutan ako sa naisip ko.

Hindi kaya, isa tong balahibo galing sa pakpak ng isang...anghel?!

GABRIEL’s POV

“Gabriel, nagkasala ka sa ating Ama.”

Napayuko ako sa sinabi niya.

“alam ko po iyon.”

Lumakad siya palapit sa akin. Si Angelo, isa sa pinaka-matandang anghel na nakilala ko ng dumating ako sa langit ilang taon na ang nakararaan.

“alam mong mahal ka ng Ama. Humingi ka ng kaniyang kapatawaran nang buong puso at siguradong ikaw ay Kanyang patatawarin.”Angelo

Tumango ako.

Naglakad-lakad siya sa paligid.

“Gabriel, nilabag mo ang kasunduan ninyo ni Ama patungkol sa kahilingan mo sa kaniya. Sa iyong palagay, karapat-dapat pa bang ipagkaloob sayo ang iyong kahilingan sa nalalabing panahon?”Angelo

Napa-kagat ako sa labi ko.

Dito kasi sa kaharian, ang mga anghel na may murang edad ay binigibyan ng pagkakataong humiling pag sila ay dumating na sa kanilang ikalabing-anim ng kanilang edad.

“sinuway ko lamang po ang aming kasunduan dahil...”

“dahil sa mahal mo ang babaeng yaon at iniingatan mo siya ng labis”Anglo

Naalala ko si Florivee...

“opo, ganun na nga po.”

Lumapit sakin si Angelo at ako ay kaniyan inakbayan.

“bibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Magsisi ka sa iyong nagawang kasalanan at mangakong hindi na uuliting muli ang nagawang pagkakasala.”Angelo

Tahimik lamang ako.

“sa oras na maging ayos na ang iyong mga pakpak, maaari ka ng bumalik sa lupa. Pero tandaan mo Gabriel na hindi laging may ikalawang pagkakataon.”Angelo

“sige po, tatandaan ko po yan. Maraming salamat po.”

“maiwan na kita.”

Lumabas na siya sa aking silid.

Mabuti na lang at hindi pa ko naparusahan. Bigla-bigla na lang kasi akong gumawa ng desisyon ng makita kong nasa bingit ng kamatayan si Florivee. Syempre hindi kosiya magagawang tiisin. Mahal ko yun eh.

Napahawak ako sa pakpak ko. sana mabilis na gumaling at maghilom ito ng makabalik na ko.

Kahit na alam ko na nadun si Zyron, Zscharie at si Jude (kahit naiinis ako pag nilalapitan niya si Florivee ko, alam ko naman na iingatan niya siya!) na magbabantay sa kaniya, hindi pa rin ako kuntento. Ngayon pa na nalaman kong may nagbabanta sa buhay niya. Tulad na lang noong muntik na siyang masagasaan.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon