"Kate 'yoko nga pumunta sabi e..."
"Blair bili na kahit ngayon lng, birthday ko naman e... Pagbigyan mo na'ko pleaseee" Pagpupumilit ni kate sakin
Hindi nako makatanggi saknya sa totoo lang gusto ko rin naman talaga pumunta dahil nga birthday ng BFF ko
Pero kase alam ko na pupunta rin sya...
Alam ko na makikita ko ulit sya. Hindi sa naduduwag ako o natatakot akong makita sya ulit
Basta ayoko lang sya makita. Dahil kapag nakita ko sya o di kaya'y tumitingin ako sa mga mata nya naalala ko lahat na nangyare samin dati. At ayoko nang balikan yun...
Ang dati na kasama ko sya ay puno ng kirot, hapdi, sakit, kalungkutan at pangungulila... Pero hindi ko pa rin maiiwasan maisip ang mga magagandang memoryang sabay naming ginawa.
Naalala ko pa lahat lahat ng nangyare... Lahat lahat.
Kung pano ako naging masaya nung nakasama ko sya... Kung pano ako naging masigla tuwing nasa tabi ko sya, kung pano nya ako alagaan tuwing may sakit ako...
Kung pano nyako sinaktan.
Kung pano ako nangulila sa mga yakap nya.
Kung pano ako nyako niloko...
Lahat yun... Lahat yun natatandaan ko pa, 'tila bang kahapon lang nangyare 'yun lahat... 'tila bang ramdam na ramdam ko parin yung sakin kung pano ko nalaman ang mga kalokohan na ginagawa nya sakin nung araw na yun. Kaya hindi ko sya kayang makita o masilayan manlang sya.
—————
"Hoy babaeng kanina pa lutang, yung niluluto baka gusto mong tanggalin na sa kawale" bumalik ako sa katinuan nang biglang nagsalita si kate
Shet. Yung hatdog nasunog
Dali dali 'kong kinuha yung plato sa gilid ko at nilagay yun "Ang dami mo atang iniisip jan sa utak mo ah... Ano bang nasa isip mo? Sya ba?" Tanong nya sakin
Hindi ako kumibo o 'di manlang nagsalita at nanatili paring nakatayo habang nakasandal sa counter
"Blair, alam mo namang—" hindi natuloy ang sasabihin nya nangbiglang nagsalita ako
"Kate, i think you should go and change your outfit na malapit na kase mag 5 baka malate ka sa party mo"
Napatingin sya sa orasan at sabay tingin saakin habang naka pout parang pinapahiwatig nya na gusto nya talaga ako isama sa party nya
"Don't worry kate pupunta ako..." Sabi ko saknya, nakita ko kung pano lumiwanag ang mga mata nito at ngumiti saakin
"Blair ah pupunta ka! Sabi mo yan ah!" Excited na sabi nya sakin
"Oo... Pupunta ako." Kahit labag sa kalooban ko gagawin ko toh.
This is not for him. Para toh sa kaibigan ko... Kaya ako sasama.
Pero 'di ko parin maiiwasan na makikita ko sya mamaya. Inimbitahan ba naman lahat ng college classmate namin at sa malamang sa malamang kasama sya dun.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas dos palang ng hapon. Napag disisyonan ko na matulog muna kahit isang oras lang
Pero bago pa man ako makahiga sa malambot kong kama biglang nag chat sakin si Kate
Vest Kate:
Alam kong hindi kapa ready na makita sya, pero pwede bang isantabi mo muna yan? For me?? 🥺
Me:
Kate...
I'm sorry...
Vest Kate:
YOU ARE READING
It all Started with the bet
RomanceBlair and Kai were academic rivals. But then Kai has an agreement with his friend about making his rival fall for him. And he will win a large sum of money, but little did he know that he we're starting to fall inlove with his rival... Will he cont...
