Sa'yong sa'yo at laging ikaw

Start from the beginning
                                    

Saad nito.
"...Bantayan mo lang ako pero bawal manilip ah?"

Dagdag pambubuyo pa nito.

"FYI Klay-"
"Aba san mo natutunan yan?"
"Edi sayo, sino pa ba ang may kakaibang mga salita at terminolohiya dito."
"Hahaha ayos ah."
"Gaya nga ng nais kong sabihin, ano pa ba ang itatago mo saakin binibini? Baka nalimutan mo na naghubo ka na noon sa harap ng maraming tao."
"Ay oo nga pala no!- Hoy! FYI din Fidel, hindi ako naghubo nun! May suot akong shorts nun! Grabe antagl na nun ah, ikaw ah!"
"At ano na naman iyon Klay? Sino ba naman hindi makakalimot ng kaganapang iyon?"
"Ok ok. Sige na, gorabels nako. Dyan ka lang ah. Next time na tayo magsabay. Char!"
"Masusunod aking binibini-Ha??"

Gusto pa sanang klaruhin ni Fidel ang huling winika ng dalaga ngunit nakalayo na ito. Iiling Iling na lang siyang naupo sa paanan ng malaking puno.
Nang may ilang minuto na ang lumipas ay narinig niya ang tinig ni Klay.

"Omg! Anlamiggg!!!"

Biglang siyang napatingin sa kinaroroon ni Klay at nanlaki ang mga mata. Mabilis din niyang iniwas ang kanyang tingin nang maisip na naliligo nga pala si Klay at naroon siya upang bantayan lamang ito. Ngunit sa isang segundo na iyon ay nahagip ni Fidel ang napakaputing balat ng dalaga.
Napalunok siya ng kanyang laway.

"Fidel, umayos ka! Isa kang maginoong lalaki!"

Sabik nang mahalikan, mayakap ka't masayaw sa ulan
Ang mundo'y gagaan
Mundo ko'y gagaan
Maligaw man ng landas ay hahanapin ang kalsada
Patungo sa'yo
Ikaw ang daan
Dumilim man ang paligid ay ikaw parin ang ilaw ko
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh
Bakit uhaw sa'yong sayaw? Bakit ikaw?
'Di bibitaw, sa'yong sa'yo, laging ikaw
Ako'y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

Narinig niyang umaawit si Klay.
Kay sarap sa tenga pakinggan ang himig nito.
Naalala pa ni Fidel ang araw kung kailan niya nasabing hinahangaan na niya ang kakaibang babae. Iyon ay ang araw na nasa ilog ng San Diego sila. Napakaraming kaganapan ng araw na iyon ngunit iyon ang mga nagsilbing daan upang mapagtanto ni Fidel ang tunay niyang nararamdaman kay Klay.

"Syang tunay aking binibini. Napakatagal na nga nang pangyayaring iyon, simula noon at hanggang ngayon ay ganoon padin ang aking nararadaman saiyo. Minamahal parin kita hanggang ngayon."

Nakangiting sambit ni Fidel sa sarili.

Tuloy tuloy padin sa paghimig si Klay nang bigla na lang ito sumigaw.

"Ahhhh!!! Fidelll!!"

"Klay!"

Napabalikwas ng tayo si Fidel at mabilis na tumakbo papunta sa batis. Ngunit paglapit niya doon ay bigla siyang natigilan sa nakita.

Nakatayo sa gitna ng malaking bato si Klay. Walang saplot- Mali, may mga tapis naman ang mga pribadong parte ng katawan nito ngunit halos nakikita na ni Fidel ang lahat.

"Hoy Fidel! Anong nangyari sayo dyan! Wag ako titigan mo!Bilis! Palapit na sakin yung buwaya!!"

Napakurap si Fidel. Buwaya?
Mabilis niyang inihanda ang kanyang baril at lumusong sa tubig. Hinanap ang sinasabing buwaya nang mahagilap niya ito at tinutukan ay bigla siyang pinigil ni Klay.

"Wait saglit Fidel!"

Napadako muli ang tingin ni Fidel kay Klay. <sa katawan ni Klay, sa napakaputi at napakakinis na katawan ni Klay> Ngunit mabilis din siyang nag-iwas.

"Bakit Klay?"
"Wag mong papatayin yung buwaya!"
"Ha?"
"Wag mong papatayin! Kawawa naman! Baby crocodile lang sya eh."

Naguluhan si Fidel sa sinasabi ng dalaga kaya napatingin na naman siya dito ngunit sa mga mata na siya nakatingin sa pagakaktaong ito. <Upang hindi siya muling magkasala ng tingin>

Filay (one shots)Where stories live. Discover now