Chapter 166: Baguio Trip

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay lang, Sir, walang kaso. Hindi naman siya naka-istorbo. 'Yong sagot ko po tungkol sa offer, I will discussed it with my parents and update you." I assured him.

"Acknowledged. Sige na, Milan. Enjoy your stay in Baguio. Uwian mo na lang akong walis tambo, mura riyan eh." Sir Theo chuckled before he ended the call.

Umupo ako panandalian sa kama at nakita ko si Dion sa balcony. He is holding a hot coffee habang payapang nakatingin sa mga pine trees at hamog ng Baguio. I took that opportunity na kuhanan siya ng litrato.

Lumabas ako at sinamahan siya sa balcony, the moment he heard the sliding door slides ay napatingin na siya sa direksyon ko. "Tapos na kayo mag-usap ni Sir Theo? Kumusta?"

"Humihingi lang siya ng tips sa kung anong line up ang gagawin niya para sa small competition na sasalihan ng ibang rookie players sa Orient Crown." I informed him at sinandal ang braso ko sa railings upang pagmasdan din ang view.

"Siguro kailangan mo nang kausapin sina Tito tungkol sa Yugto Pilipinas." Dion smiled. "Nakikita ko sa mata mo na gusto mo talaga sumali doon."

Well, it's true. Pero ang hirap kasi magbitaw ng 'oo' sa imbitasyon lalo na't ang daming importante ring bagay na tatamaan. Ngayon lang ako ulit magkaka-time with my families, I want to go back to university to learn, I already achieved my goal as a player (won season four tournament). But this international competition will be a new challenge for me that will test my skill as professional player.

"Pero sana ay maaya ka pa rin nila Sir Theo sa Yugto Pilipinas. Mas komportable ako kapag nandoon ka." I explained to him.

Pinagmasdan namin ang nga taong naglalakad sa likod ng The Manor. Ang sarap lang sa mata na pagmasdan ang pami-pamilya na nag-eenjoy sa Baguio.

"Hmm... siguro ay tatanggi ako kung sakali. Wala naman ako sa first choice," Dion chuckled at humigop ng kape. "Saka sinabi ko naman sa 'yo na magiging busy ako next year. 'Yong apartment saka 'yong pagbalik ko sa pag-aaral. Gusto ko na siyang ituloy." Napatango-tango ako dahil ilang beses na rin naman nasabi sa akin ni Dion ang bagay na iyon.

"At saka, perfect opportunity ito para patunayan sa lahat na hindi lang tayo duo. Hindi lang kita ka-duo. Yugto Pilipinas will be a perfect opportunity for you na ipakita na kaya mong lumaro at tumayo sa sarili mong paa. I mean, kaya mo naman talaga. Una pa lang naman ay naniniwala na ako sa 'yo. Tinalo mo nga ako sa pvp match, eh." Sabi ni Dion.

"Mukha mo. Nagpatalo ka lang no'n."

"Baliw ba't ako magpapatalo? I am professional player and you are a casual player back then. May pride akong panghahawakan kaya 'di ako nagpatalo basta-basta." He explained in serious tone. "That moment, naramdaman ko na pang-professional scene ka. Tingnan mo ngayon, nahihigitan mo kung ano man ang na-achieve ng maraming professional players katulad ko. Ikaw, Milan, para ka sa mundong ito. Nandito ka sa pro scene para ipakita kung ano ang kayang gawin ng mga babae."

"Wow, ang big words naman no'n!" Bahagya akong natawa at mahinang tinapik ang kaniyang pisngi. "Pero thank you. I needed that words."

Dion smiled and ruffled my hair. "Kung kaya't i-discuss mo na 'yang offer sa magulang mo. Kung ano ang maging pasya mo e 'di nakasuporta lang ako sa 'yo."

Dion and I stayed in the balcony for a couple of minutes. Bandang 7 pa kasi kami ng gabi pupunta sa Night Market para mag-food trip. "Nag-chat si Kuya, gumayak na daw tayo, punta na raw tayo sa Session. Mag-jacket at mask daw tayo para raw kaunti lang ang makakilala sa atin." I informed him.

"Sino kaya 'yong nagka-jacket gamit ng Orient Crown?" He asked at mabilis na inubos ang kaniyang iniinom.

"Epal." Parehas kaming natawa. "Iyon kasi 'yong unang jacket na nadampot ko kanina."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon