Tinta

3 0 0
                                        

Ang mga emosyon na hindi ko kayang iwika ay sasabihin ng tinta. Hindi ko man mahanap ang eksaktong salita, ipapahayag ko na lamang ito base sa nadarama.

Nais ko lamang pasalamatan:

-ang Panginoon sa pagbibigay ng husay sa pagsulat;
-ang aking mga magulang at mga kapatid sa walang sawang pagmamahal at pagbibigay inspirasyon;
-ang aking mga kaibigan sa patuloy na pagbibigay ng kasiyahan;
-at sa aking mga mambabasa sa pagbibigay ng suporta sa aking mga katha.

Higit sa lahat, pagpapasalamat sa aking sarili dahil muling naghanap ng panahon upang mahasa ang aking pagsusulat. Maganda o hindi man ang sitwasyon, hangga't may salitang maiisip, ako'y maghahayag. Ako'y susulat.

Susulat muli,
peninblaze

TintaStories to obsess over. Discover now