"I'll apologize later but for now," nagtaas-baba ang kilay ni Rei habang nakangisi at sa simpleng gesture na iyon ay nainis ako. "What's your problem? Hmm, Lei?" Ayan na naman ang nanunuya niyang ngisi.

"Wala!" Buga ko at agad na tumayo. Ayoko nga muna silang sabihan ng problema ko, aasarin lang ako ni Rei eh. Pumunta muna ako ng cafeteria. Wala naman akong ganang kumain pero dito ako dinala ng mga paa ko kaya napilitan akong bumili ng tinapay at juice. Naghanap ako ng mauupuan pero ni isang table na walang laman ay wala akong makita. Tsk. Hahanap nalang ako ng table na pwede akong maki-share.

Nagpalaboy-laboy ako sa buong dining area pero wala talaga kaya napagpasyahan ko nalang na ipasok sa bag ko ang mga binili ko at lumabas sa cafeteria. Hindi naman talaga ako gutom eh, tatambay lang sana ako doon at nakakahiya naman kung wala akong bibilhin. Tatambay nalang ako siguro ako sa library.

Mahigit kalahating oras din akong naghintay para sa last subject ko. Hindi na nagpakita ang mga bruha kong kaibigan kaya nauna na akong umuwi.

Habang nasa biyahe, hindi ko parin maiwasang maisip ang nangyari noong araw ng kasal ko, ng kasal namin ni Christian. Naalala ko ang halik namin sa harap ng altar. I can still feel his soft lips brush against mine. It was so passionate dahilan para magpatianod ako. The way he kissed me, it's like he's longing for me for a long time.

I feel myself blushed at bigla kong nasampal ang mukha ko na ikinagulat ng taxi driver. Nginitian ko lang siya at humingi ng paumanhin. Why am I always remembering that scene? Stop it, Lei.

Dahil sa patingin-tingin parin ang driver sa akin, pinili ko nalang aliwin ang sarili at pagmasdan ang mga lugar na dinadaanan namin. Ugh, lagi ko nalang pinapahiya ang sarili ko. Focus, Leilani!

Naramdaman ko ang paghinto ng taxi kaya napadungaw ako sa bintana. Nasa tapat na pala kami ng gate ng isang village at pinapasok naman kami ng security. Ilang bahay pa ang dinaanan namin bago ko inutusan si kuya na ihinto ang sasakyan. Nasa tapat kami ng isang malaking bahay na napapalibutan ng mataas na pader. Bumaba na ako't binigay ang bayad sa driver. Tinungo ko agad ang gate ng bahay at pinindot ang doorbell. Ilang segundo lang ay binuksan na ito at binati ako ng katulong.

"Akin na po ang gamit niyo Ma'am." Alok niya habang nakalahad ang kamay. Umiling ako at hinigpitan ang kapit sa bag ko. Tiningala ko ang tuktok ng hagdan sa harapan ko saka tinanong ang katulong.

"Si Christian po?"

"Nasa opisina po si Sir Christian, Ma'am." Sagot niya na tinanguan ko lang.

Nagmadali akong umakyat na parang may humahabol sa akin. Nasa first floor ang opisina niya kaya nagmadali akong umakyat. Ayaw ko siyang makita. Ayaw kong maalala kong kasal na ako sa kanya.

Ngunit ang malas nga naman, buong araw akong sinundan. Ang taong iniiwasan ko. Ang taong ayaw kong makita. Ang taong nagpapaalala sa akin na hindi na ako malaya, ay naglalakad papunta sa kinaroroonan ko't walang ka-emo-emosyon ang mukha. Bakit siya nandito? Akala ko ba ay nasa opisina siya?

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko 'to sa hagdan o sa taong nasa harapan ko't nakatitig sa akin? Nakakabaliw!

"Kakauwi mo lang?" Parang tinamaan ako ng snow storm sa lamig at lalim ng boses niya.

"A-ah o-opo." Uutal-utal kong sagot. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang ang kunot niyang noo ay mas kumunot pa lalo. May ikukunot pa pala ang noo niya?

"Why are you so tensed everytime na magkikita tayo? And don't use po and opo, nagmumukha akong kuya mo kahit na asawa mo ako." I saw a glimpse of his smile that surprised me a little. Usually, laging seryoso ang mukha niya at laging nakakunot ang noo niya minsan ay tinatanong ko ang sarili ko kung napilitan din ba siyang pakasalan ako.

Marriage For PaymentWhere stories live. Discover now