Shooting Star

281 7 18
                                    

Vinci's pov

Nakahiga ako ngayon sa kama ko ngunit hindi ako makatulog. Bigla nalang susulpot sa isip ko na wala pa akong boyfriend. Marami na akong naging crush sa school pero ni isa wala along naramdamang spark. Kaya lumabas muna ako sa terrace ng condo ko at tumayo at tumingala sa langit at nag isip isip. Pumikit muna ako sandali para isipin lahat. Parang bumalik lahat ng alaala ng mga naging crush ko. May mga biglang hindi nalang nagparamdam may ibang wala lang talagang spark. Pagkadilat ng mata ko ay nakakita ako ng isang shooting star. Kaya pumikit ulit ako at nagwish.

"Sana mahanap ko na sya" bulong ko sa sarili ko.

Saktong hating gabi na ng abutan ako ng antok kaya natulog ako dahil maaga pako bukas dahil first day ng school namin.

Maaga akong nagising kaya naligo na ako at nag bihis. Lumabas na ako ng kwarto at nag almusal na. Pagkatapos ko kumain ay kinuha ko na ang gamit ko at umalis na. Pagkarating ko sa school ay dumiretso muna ako sa SSG office at may inasikaso sandali. Pagkatapos kong tapusin ung aasikasuhin ko ay dumiretso na ko sa room AC which is ang room namin for this school year. At habang naglalakad ako ay may may kumalabit sa akin. Bigla akong natulala pagkaharap ko dahil... Ang gwapo nyaa!! Matangkad, pink ung lips nya. Nakatulala lang ako at naka focus sa kanya. At nung nagsalita sya ay mas lalo pa akong natulala.

"Alam mo ba kung saan ung room AC?" tanong nya sa akin.

Hindi ko agad nasagot ang kaniyang tanong dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa din ako sa kanya. Pero dahil nakikinig naman sa kaakit akit nyang boses, tumango nalang ako.

"A-actually dun din ako pupunta, gusto mo ba sumama nalang?" tanong ko sa kanya

"Sure, thank you, Reyster nga pala" sagot nya sakin at mukhang inaaya nya akong mag shake hands

"Vinci" pag tugon ko at tinanggap ko naman ang kaniyang kamay


At pagkatapos nun ay pumunta na kaming room AC.

Ilang buwan din kaming nag uusap ni Reyster, halos araw-araw din kaming magkachat. Isang araw ay pumunta kami sa isang park at nag picnic. Hindi ko maintindihan sa sarili ko pero gustong gusto ko na mag confess sa kanya. Marami na akong naging crush pero hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako naging seryoso at gustong mag confess ng maayos sa kanya. Mostly kasi sa mga naging crush ko dinaan ko nalang sa eme eme ung pagcoconfess ko kaya in other words, ako ung nang gho-ghost sa kanila.

Ngayon ay andito si Reyster nakatitig sa sunset. I won't lie dahil sobrang gwapo nya talaga lalo na't pag tinatamaan ng sikat ng araw ang kaniyang mata at mukha. Final na talaga. Magcoconfess na ako dahil ilang buwan na nga kaming magkasama lagi kaya sa tingin ko gusto nya din ako, hindi naman sa nag aasume pero, wala talaga eh. Lagi kaming magkachat, magkasama mag lunch. Kaya magcoconfess na ako bahala na kung anong masasabi nya.

"Reyster"

"Hmm?"

"May sasabihin ako"

"Ano yun?"

Napabuntong hininga muna ako dahil kinakabahan ako kung anong maari nyang sabihin. Pero dahil ginusto ko 'to sasabihin ko na talaga.

"Gusto kita."

Dahil nakapikit si Reyster habang nilalanghap ang simoy ng hangin ay dumilat sya at tumingin paibaba papunta sa direksyon ko. Kita sa mga mata nya na nalulungkot sya at kinakabahan naman ako dahil hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ng mga mata nya.

"Vinci I'm sorry"

Bakit feeling ko rejected ako?

"B-bakit ka nagsosorry?"

"Mahal kita pero..."

"May girlfriend na ako."

Nagulat ako sa sinabi nya. Pinipigilan kong umiyak dahil ayokong nakikita nya akong malungkot. Pero ilang sandali pa ay hindi ko na napigilang umiyak. Lumapit sakin si Reyster at niyakap ako ng mahigpit. Ayokong maniwala dahil bakit naman nya ako kakausapin araw araw kung may girlfriend na sya?

"B-bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko habang humahulgol

"Vinci.."

"Sa totoo lang gusto na din talaga kita pero alam mo naman na mali diba?"

"Pero pwede pa naman tayong maging magkaibigan."

Umalis si Reyster sa harap ko dahil andun na ung gf nya at iniwan nya akong nasasaktan at naguguluhan pa rin. Sobrang lungkot ko at naguguluhan dahil iniwan nya lang ako ng mag isa doon. Kaya naisip ko na pumunta sa malayong lugar at sumigaw para mailabas ko lahat.

"REYSTER!!!" sigaw ko habang umiiyak

/////

Inabot na ng gabi si Vinci at nandun pa din sya sa kinatatayuan nya na nakaluhod sa lupa. Ilang minuto pa ay naisip na nyang umuwi. Habang naglalakad sya pauwi ay may nakasalubong sya na sasakyan. Dahil huli na ang lahat ng pumreno ang sasakyan. Nasagasaan si Vinci at nakahandusay sa lupa. Puno ng dugo ang kaniyang ulo at hanggang sa kaniyang huling hininga ay si Reyster pa din ang nasa puso at isip nya.

"Reyster" sabi ni Vinci sa malumanay na boses.

"I still love you." pagpapatuloy ni Vinci sa kaniyang salita.

Ilang segundo matapos nyang sabihin ang mga katagang yun ay pumikit na si Vinci at sabay na tumulo ang luha nya sa kaniyang pagkamatay.

Shooting Star (VinSter One Shot Story)Where stories live. Discover now