CHAOTIC ROMANCE

7 0 0
                                        

Chapter 1

isang batang babae naka tayo sa ilalim ng puno  habang hinihintay ang kalaro niya medyo nalungkot naman sya dahil matagal ito 

"Rere" napalingon sya agad at malaki ang ngiti pero napalitan agad ng pagtataka

Ng makita nya nakabihis na parang may pupuntahan "rere aalis na kami, pupunta kami sa states" malungkot sabi nito Kay rere 

" bakit kayo aalis key?" Malungkot nyang tanong

Kahit gusto nya manatili dito pero buo ang decision ng papa nya pumunta sa States dahil nandun nagtatrabaho ang mama ni key.

"Sorry rere, gusto kasi ni mama na sumunod kami sakanya don sa States pero pangako babalik Ako rere" napaiyak nalang si rere dahil ayaw nya umalis si key

" sabi mo *sob* h-hindi mo ako iiwan *sob*" iyak sabi ni rere Kay key

Niyakap nya naman ito "rere babalik ako dito Hindi kita makakalimutan pinky promise" at doon napanatag ang loob ni Rere ng marinig nya ang pinky promise

"Pinky promise?" Tumango naman si key kaya niyakap ito ni rere parang ayaw bitawan ng biglang may busina

"Let's go key, ma late na tayo sa flight" sigaw ng papa ni key kaya napabitaw nalang si rere baka mapagalitan pa ito, tumakbo na si Key papunta sa sasakyan tsaka pumasok

"Babalik ako rere hanggang sa muli" sigaw nito habang papalayo ang sasakyan Pero Hindi pa rin maiwasan maiyak si rere kasi Wala na Ang matalik niyang kaibigan.

Dahil Wala itong ibang kaibigan pwera lang Kay key

"Ano nangyari sayo baby?" Biglang dumating ang yaya nya at nataranta ito ng makita nya umiiyak si rere

"Yaya umalis na sya" sabay yakap nito sa yaya kaya pinatahan nya ito

After 6 years

"Hoi! gising may asong manananggal" napabalikwas ng gising si reya ng marinig nya yon at dali dali kumuha ng dustpan

"Saan ang aswang?" Bigla ito binatukan ng kapatid "aray ang sakit non" tumawa lang ang kapatid nito kaya sinamaan nya ito ng tingin

"Masaya yan? Tsk" pilosopa sabi nito "sus napanaginipan na naman niya yung kalaro nya dati na Hindi na bumalik" pagka sabi ng ate nya non pumulot sya ng unan at binato nya ito sapol na sapol sa mukha

"Ma! Si reya binato ako ng unan" sumbong ng ate nya Pero isnaban lang sya nito

"Maldita talaga resulta ba yan ng hindi binalikan" bago pa maibato ang dustpan ni reya sakanyang ate tumakbo na ito papalabas habang tumatawa na parang nang aasar

Nainis sya pumasok sa banyo dahil sa kanyang ate isa pa don lagi nyang napapanaginipan ang lalakeng si key 

'Ano kaya itsura nya ngayon?' Pagtatanong sa isip nito  napailing iling sya

"Bakit ko ba iniisip yung lalakeng yon tsk" sabay buhos ng tubig sa ulo nya 

Mga ilang sandali natapos na siyang maligo  at bihis na bihis sya dahil ngayon ang first day of school nya sa bagong paaralan na papasukan nya

"Bilisan mo dyan reya baka ma late ka" pumunta na ito sa lamesa at nag sandok ng pagkain

"Nako reya wag ka humarot don" napakunot naman ng noon si reya dahil sa sinabi ng ate nya "anong akala mo sakin humaharot" sabay tapos ng pagkain  at kinuha ang bag nito tsaka umalis.

Chaotic RomanceWhere stories live. Discover now