Mabilis na gumapang ang init sa magkabilang pisngi ni Bernadette. At the same time, she wanted to roll her eyes. Noon talagang nagpaulan ng kapreskuhan ang Diyos, nasalo ng mga lalaking apo ni Don Alonzo.

        "You're so full of yourself, Trent," anang lolo nito.

        Korek! kamuntikan na niyang masatinig.

       "No wonder tinapunan ka ni Badet ng juice," iiling-iling na dagdag pa ng matanda. "Kailangan ka yata niyang buhusan nang paulit-ulit nang mahimasmasan ka."

      Umismid si Trent. "Don't give her ideas, 'Lo. Baka mawili. Just help me convince her."

      Sukat doon ay lumipad muli sa kaniya ang tingin ng abuelo nito. "Do you want to work for my apo, Badet? He's a handful—I think you already know that—"

      "Lo!" agap ni Trent sa huli. Napakamot ito sa ulo. "You should be on my side! Why are you telling her nonsense?"

      "Let your old man finish before reacting like a girl," sita ni Don Alonzo rito. "Going back, Badet. Trent is a handful, he's a pain in the ass. Nature na yata nila iyong magkakapatid. He's the oldest, but acts like the youngest. However, business wise, I can confidently say that Trent knows what he's doing. He makes sure he always got a definite plan for everything. So in terms of career growth, you will surely get that with him." He extended his arm and gently tapped the back of her palm. "You're someone the whole family knows and trusts, kaya nga sabi ng Lola Luzia n'yo, kung may ibang mapagkakatiwalaan siya na i-manage ang The Esplanas na subok na—you're the right person for that. I'm not trying to change your mind, ha? Kung talagang ayaw mo, I will respect your decision. Nilalatag ko lang ang pros and cons—to be fair sa inyong dalawa."

        Sandali silang binalot ng katahimikan.

        "So . . . ano na?" kapagkuwa'y untag ni Trent sa kaniya. "What's your plan?"

Napasapo ang dalaga sa kaniyang leeg. "P-pasensya na po talaga, Lolo and Señorito. Huwag n'yo rin po sanang ipagkamali ang desisyon ko. Pero mananatili po muna talaga ako sa Bistro."

"Magkano ba ang gusto mong sahod? I can give it to you," giit pa ng binata. "Gusto mo ba ng doble? Triple? Name it."

       Bumuga siya ng hangin. "Hindi naman po ito tungkol sa sahod, Señorito. Batid naman po ninyo na napakatagal ko nang nagtatrabaho roon. Hindi ko po maiiwan nang basta-basta ang pamilyang nabuo ko roon."

       "Well, we can hire them all if you want. Para kasama mo pa rin sila sa The Esplanas," ani pa ni Trent. "Puwede rin nating itaas ang mga sahod nila. I don't mind. Ask them for their expected salary, then consider it done. Money will never be a problem, Bernadette."

       E, hindi nga sabi sahod din ang problema. Ang akala yata nitong isang 'to, basta mataas ang sahod, tatalikuran na namin ang mga amo namin na sobrang naging babait at understanding sa amin.

"Apo, apo, listen." Ikinumpas ng matanda ang kamay nito sa ere. "I don't think makukuha mo sa ganiyan si Badet. One thing I like about her and Ada, hindi sila basta-basta nasisilaw o nasisindak sa pera." Nilingon siya ng don at nginitian. "And don't worry, hija. Naiinintihan ko. Again, irerespeto ko ang desisyon mo. We won't take it against you."

"Salamat po sa pag-intindi, 'Lo. Marami naman po akong mareirerekumendang puwedeng kumuha ng posisyon na iyon," aniya sabay salikop ng kaniyang mga palad sa ibabaw ng kaniyang tuhod. "Tiyak din po na kapag nagbukas na ang The Esplanas, mahaba po ang pila ng mga aplikante. Baka nga po buong San Guevarra'y mag-apply."

     "But I don't want to give it to others. Ikaw nga ang gusto kong nandoon," ani pa ni Trent. Frustrated na tumayo ito at pinadaan ang daliri sa buhok. "What do I have to do to convince you?"
   
      "Wala po, Señorito," buong loob niyang sagot. "Sana po'y maintindihan n'yo rin po ang desisyon ko. Pasensya na po talaga kung hindi ko kayang tanggapin ang inaalok ninyong posisyon sa akin. I'm not the right one for it." Tumayo siya't hinawakan sa kamay ang matanda. "Babawi na lang po ako sa inyo ni Lola Luzia sa ibang paraan, 'Lo."

        Ngumiti si Don Alonzo. "Ano ka ba, huwag mong isipin iyon, Badet. Pamilya na namin kayong mga Palma. Tinuturing na namin kayo ni Luzia na parang tunay na mga apo."

       Parang may mainit na humaplos sa dibdib ni Bernadette nang marinig ang sinabing iyon ng don. Totoo iyon. Ni minsan, hindi rin pinaramdam nina Don Alonzo at Doña Luzia ang kaibahan ng estado nila sa buhay. Hanggang ngayon nga, Bernadette still couldn't fully wrap her mind around the fact na ang mga ito pa mismo ang nag-push kay Brent na suyuin at alukin na ng kasal ang kaniyang ate.

        Napapitlag si Bernadette nang mag-vibrate ang kaniyang phone. "Wait lang po, 'Lo." Hinugot niya iyon mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at sandaling binasa. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang boss niya ang nag-text. "Hala!" Tuluyan na siyang tumayo. "'Lo, pasensya na." Nilingon niya rin si Trent na halos hindi na maipinta ang mukha. "Señorito, kailangan ko na pong bumalik sa Bistro. Mag-iisang oras na po pala akong wala! Pasensya na po talaga."

        "Ay, ang akala ko'y naka-lunch break ka kaya't nadala ka rin ni Trent dito. K-in-idnap ka lang pala ng magaling kong apo roon." Iminuwestra nito ang mga kamay. "Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo. Pasensya na rin." Binalingan nito ang binata. "Trent, ihatid mo siya."

        Winasiwas niya ang mga palad. "Ay, hindi na po, Lolo. Hindi na po kailangan. Makakaabala pa ako kay Señorito. Mauuna na po ako."

        Pagkalabas ni Bernadette ng study room, kulang na lang ay magpadulas siya sa hamba ng hagdan upang makarating agad sa baba. Pagkabalik niya sa bulwagan, dali-dali niyang hinanap ang kapatid.

      "Ate?!" tawag niya kay Ada. "Ate, nasaan ka?"

     Nakarating siya sa kusina. Naabutan niya roon ang ilang kasambahay ng mga Esplana. Isinungaw niya ang ulo sa pintuan. "Mga ate, nakita n'yo po si Ate Ada?"

     "Hindi, Badet, e. Ba't 'di mo tawagan?" ani Lowie.
 
     Napahaplos sa batok ang dalaga. "Nakalimutan ko po magpa-load kanina, e. May pantawag po ba kayo?"

      "Meron yata, teka"—lumampas sa kaniya ang tingin nito—"Señorito! Ano po'ng maipaglilingkod namin?"

       Pumihit si Bernadette paharap sa kinausap nito. Standing behind her was Trent. Nakapamulsa ito't nakatingin lamang sa kaniya.

       "Ako na maghahatid sa iyo pabalik," anito, ngunit walang kangiti-ngiti.

      Sandali niyang tinapunan ng tingin ang mga kasambahay na kung makatitig sa kanila ni Trent animo'y nanonood ng telenobela. Paano ba niya sasabihin na huwag nilang bigyan ng kahulugan ang sinabing iyon ni Trent? Muli niyang nilingon ang binatang Esplana.

       "H-hindi na po, Señorito. Kay Ate na lang po ako magpapahatid," aniya.

       Lalong nalukot ang mukha nito. "Ano, pati ba naman sa paghatid sa iyo, tatanggihan mo ako?"

       "A-ay, Badet, nakalimutan ko. Umalis pala ang ate mo," rinig niyang biglang sabi ng isang kasambahay.

       Huh? Akala ko ba hindi nila alam kung nasaan si Ate?

       "So let's go. Huwag ka nang choosy." Pagkatapos ay bigla na lamang siyang hinawakan ni Trent sa kamay at hinatak palabas. "And just so you know, I always get what I want."

ꕥ ꕥ ꕥ

DIS #2: The Right OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon