Pythagorean Theorem A²

5 1 0
                                    

Ano ba ang pinaka mahalagang bagay na makakamit mo sa buhay? Ito ba ay kayamanan, katanyagan, kagandahan, kalakasan, o katalinuhan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano ba ang pinaka mahalagang bagay na makakamit mo sa buhay? Ito ba ay kayamanan, katanyagan, kagandahan, kalakasan, o katalinuhan?

Sa mga bagay na nabanggit, nakuha mo na ba kahit isa sa mga ito?

Kung isa ka sa mga taong hindi pa nakakamit ang mga gantong bagay ay hindi ka nag iisa. Marami pa din ang sa tingin nilay wala silang ganito o kaya naman kulang pa sila. Maaring dahil ito sa kakulangan ng tiwala sa sarili na inaantay pa nilang sabihan sila ng ibang tao na sila ay magiting o kahanga-hanga.

Masasabi kong isa rin ako sa mga gantong tao, kaya ay nandirito ako at nakapila sa munisipyo upang sumali sa patimpalak na gaganapin sa ika dalawampu't dalawa ng marso taong dalawampu't libo't dalawampu't dalawa. Ang patimpalak ay patungkol sa kung sino ang pinaka matalinong tao sa buong pilipinas. Ito ay paligsahan sa pamamagitan ng pagsagot ng Iq test at maaaring manalo ng tumataginting na isang milyong piso.

Malaking pera para sa isang mamayang pilipino. Ang isang milyong piso ay makakasapat na para makabili ng sariling lupain o simpleng bahay. Makakabili din ito ng mamahaling sasakyan, masasarap na pagkain, magagarang damit, at gamot para sa mahal sa buhay na may malalang karamdaman. At higit sa lahat, dadami ang iyong mga kaibigan at kamag-anak, dahil lamang sa isang milyong piso. Sa makatuwid ay makukuha mo ang lahat ng iyong inaasam sa buhay.

Ngunit kung iisipin mo mahirap panatilihin ang isang milyong piso. Mangunguna na diyan ang kawanihan ng rentas internas o mas kilala sa banyagang salita na Beuro of Internal Revenues o BIR. Dahil lahat ng bagay sa bansang ito ay merong buwis. Mataas na din ang presyo ng mga bilihin sa bansa dahil sa inplasyon na nangyayari sa buong mundo. Kaya naman hindi natin alam kung hanggang saan aabot ang isang milyong pisong ito.

Ngunit kahit naiisip ko ang mga ganoong bagay ay ninanais ko pa din lumahok sa patimpalak at kung papalarin ay manalo.

Mahaba ang pila sa pagpapalista at lahat ng narito ay mga nakapagtapos ng kolehiyo o mga propesyonal na sa kanilang mga larangan. Ang nasa unahan ko ay isang doktor at espesyalista pag dating sa utak. Ang nasa likuran ko nama'y inhinyero na nakapag ibang bansa at kumikita ng milyon. Marahil ay hindi nila kailangan ang milyong piso ngunit ang titulo ng pinakamatalinong tao sa buong pilipinas ay mahalaga para sa kanila.

Naalala ko pa ang naging kampiyon noong nakaraang taon. Isa siyang doktor at espesyalista sa puso. Sa katunayan ay isa siyang kilalang doktor dito sa pilipinas. Siya ay si Doktora Melisa Magundayao.

Hindi mabilang ang kanyang nakuhang medalya mula pa noong kinder. Ginawaran ng unang karangalan sa elementarya, baledictorian sa mataas na paaralan , Latin Honors sa tanyag na kolehiyo, topnotcher sa physician licensure exam, at isang daan at pitumpu't lima ang naging iskor sa Iq test na naging resulta sa paligsahang ginanap.

Siya ay isa sa mga kaklase ko noong kami pa ay nag aaral sa mataas na paaralan. Isang magalang na binibini at mabuting kaibigan. Madalas namin siyang tinutuya sa bilugin na hugis ng kanyang katawan. Ngunit kahit na ganoon ay hindi niya nalilimutan na mag aral ng mabuti.

Ngayon ay isa na siyang modelo para sa lahat ng kababaihan at kabataan. Hugis bote na din ang kanyang katawan na makikita mo lamang sa mga modelong babae sa magasin. Meron na din siyang sariling ospital sa idad na tatlumpu't isa.

Tunay ngang nakakapag angat ang edukasyon sa isang tao. At ang pagiging matalino ay isang kayamanang hihigit pa sa milyong piso.

Kung sakaling magkikita kami ay maaring pagtawanan niya ako o kaya naman hamakin. Dahil hindi ako tulad niya na nakapag kolehiyo. Sa makatuwid ay isa lang akong high school graduate. Walang maipagmamalaking diploma o parangal na nakuha mula pa kinder.

Siguro nagtataka kayo kung bakit sa dami ng propesyonal na sumali ay ako lamang ang nag iisang walang narating?

Ito ay sa kagustuhan kong manalo ng isang milyong piso. Ako ay isang simpleng mamayan lamang na nag aasam mabago ang katayuan sa buhay. Wala rin namang mawawala kung susubukan ko ito, kaya napag isipan kong sumali.

Ako na ang susunod sa pila kaya inayos ko muna ang sarili. Suot ang itim na amerikana at slacks na parang nag hahanap ng trabho o may pupuntahang pag titipon sa isang malaking kumpanya. Sinusuklay ko naman ang aking buhok sa gilid upang mag itsurang pormal.

Puno ng tao ang buong munisipyo dahil bukod sa mga nagpapalista sa patimpalak, nandoon din ang mga nakapila para sa pag paparehistro ng iba't-ibang bagay. Wala namang kwarto ang pinipilahan dahil nasa pasilyo lang ang pag papalista. Isang plastik na lamesa at upuan lamang ang gamit ng aleng naglilista. Mukha masungit dahil sa kilay niyang malapit nang mag salubong at kulubot na nuo at pisngi. Kung makikita mo siya ay para siyang nag trabaho na sa aklatan o naging isang masungit na guro, na kapag nagkamali ka ay meron kang bulyaw na matatanggap. Siguro ay dahil pagod na din siya kaya naman medyo umiinit na ang ulo. Mag aalas dose na din at marahil ay gutom na siya.

"Next!" matining na pag bigkas ang lumabas sa kanyang bibig.

"Anong pangalan?" mabilis niyang tanong. "Herbert C. Dominguez" marahang pagsambit ko sa aking pangalan.

"Idad?" "thirty two."

"Saan nakatira?" "twenty seven boulevard villa reyes barangay Tiño."

Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa na parang nagtataka habang nililista ang mga impormasyon.

"Nasaan ang diploma?" "ito po." inabot sa kanya ang high school diploma at graduation certificate a mataas na paaralan.

"Hindi yan, yung college diploma dapat." sambit niya na pawang naiirita.

"Wala po akong college diploma." mahinang pagsambit ko na pawang nahihiya.

"Anong walang college diploma?! Hindi ka puwedeng sumali dito kung wala kang natapos!" pangungutyang pagbigkas ang kanyang pinakawalan.

Maririnig sa paligid ko ang mga nagtatawanang nakarinig sa sinabi ng ale. Ang iba naman ay nakatingin lamang samin.

"Ang sabi naman po rito ay kahit sino pwedeng sumali." pangangatwiran ko sa kanya.

"Kahit sinong matalino... Iho anong masasagot mo diyan kung wala kang natapos? Manghuhula ka na lang? ha! Nag papatawa ka ata?!" dinig sa buong pasilyo ang kanyang mapangutya at matinis na boses.

Nag tawanan ang ibang nakapila at may ibang tahimik lang at nanunuod sa aming dalawa.

"Tignan niyo itong bobong ito!... Sa tingin niyo ba ito ang magiging pinakamatalinong tao na itatantanyag sa buong pilipinas? Kahit  pa ang diyos ay pipikit sa katarantaduhan mo iho."
Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay parang dinurog ang pagkatao ko. Sa kahihiyan ay napa ilag na lang ako ng tingin.

"lumayas ka nga sa harapan ko! Baka mag dilim pa ang paningin ko sayo."

Ito ang pang apat na pagkakataong napahiya ako sa harap ng mga tao. Tawanan na kakainin ang iyong dignidad. Mga tinginang mapanghusga na kahit ipikit mo pa ang iyong mga mata ay mararamdaman mong nakatitig parin sila.

Sa kahihiyan ko ay umuwi na lamang ako ng bahay ng tiyahin ko kung saan ako nanunuluyan. Malamang naman ay kalat na ang nangyari sa buong barangay. Baka maibalita din ito sa sosyal midya dahil may mga ilang kumuha ng bidyo sa nangyari. Wala naman akong magagawa dahil totoo naman ang sinabi ng ale. Hindi ako nakapag tapos kaya walang seseryoso sakin lalo na sa pagiging matalino.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pinaka Matalinong Bobo Sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon