CHAPTER 67 - GOOD DAY?

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagpasok ko sa room agad kong nakita yung pag smirk ni Sky sa akin. Okay dude! Paka smirk mo. Hmp!

To: Aliss, Carse, Lhei, Micah, Mille

"Anung balak natin? GM except Daryll :)"

Oo, tinext ko sila kahit kasama ko sila sa room.

*Beep*

From: Micah

"Kayo? Kahit anu game ako. Isikreto kay Daryll to ha? Hoy Carse, huwag kang madaldal! <GM>"

*Beep*

From: Carse

"Ako nanaman? Ang tahimik ko kayang tao."

"Wag mo sabihing uso pa ang textmate sayo?" sabi nitong katabi ko

"Pake mo!"

"May pakialam ako."

"At kailan ka pa may pakialam, ha Sky?"

"Simula ng sinabi ko sayong gusto kita." ayan nanaman siya sa pagsasalita ng ganyang bagay >///////<

"Manahimik ka nga."

"Bakit masyado ka na bang kinikilig?"

"Asa ka Sky!"

"Halata ka namang kinikilig."

"Shut up please?"

"Wo Ai Ni."

Pang 30 language niya na yan. Tinignan ko nalang siya ng masama. Makuha ka sa masamang tingin, Sky. +___+

Nagsmirk nanaman siya. Adik nito!

Nagstart na ang klase. Back to normal na. Hindi na masyadong busy hindi gaya last two weeks.

Nung break time, nagsikap kami na isa-isa magsilabas para maiwanan namin si Daryll.

"Siguro naman di yun aakyat dito sa roof top diba?" sabi ni Mille sa amin

"Sa tamad nun, malamang pati ang pag akyat papuntang roof top siguradong kakatamaran niya." sabi ko sa kanila

"So anu na ngang plano natin sa birthday niya?" sabi ni Micah

"Birthday ni Daryll." nagulat kaming lahat nang marinig ang boses ni Blue

"Anung ginagawa mo dito?" tanong ni Carse

"Kayo lang ba ang pwedeng pumunta dito?" sabi ni Blue

"Tinanong na, sinagot pa ng tanong." sabi ni Lhei

"Kailan ang birthday ni Daryll?" tanong ulit ni Blue

"Secret!" sabay-sabay naming sigaw sa kanya

"Sabihin niyo na sa akin, diba gusto niyo siyang isurprise, edi tutulong ako sa inyo." sabi ni Blue

"Tutulong?" tanong ni Mille sa kanya

"Ako ng bahala sa gastos. Tutulungan ko pa kayong mag isip kung anung klaseng surprise basta sabihin niyo lang kung kailan ang birthday niya."

Si Blue daw ang bahala sa gastos?

"February 1!" sabay-sabay naming sinabi. Pareho kami ng naisip ng mga to, gastos daw kasi ni Blue ibig sabihin, regalo nalang ang gastos namin. Yehey! \\^__^//

"Sa friday na pala." sabi ni Blue sabay talikod na

"Hep hep!" hinarang namin siya bago pa makababa

"Sinabi mong ikaw ang bahala sa gastos." sabi ko

"Wala ng bawian yan." sabi naman ni Aliss

"Oo na. Alis na nga dyan." pagsusungit niya

"Sikreto lang ha. Wag kang pa obvious." sabi ni Micah

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon