1

16 1 0
                                    

×××

ILANG binata ang ngayo'y nakaupo sa papag at may kaniya-kaniyang pinag-uusapan. Animo'y, may sari-sariling mundo. Habang may isang binatilyo na mayroong malalim na iniisip.

"Totoo kaya 'yon, 'tol? Iyong tungkol sa abandonadong bahay?" tanong ng isang binata na nagngangalan na Efren sa kaniyang mga kaibigan.

"Siguro."

"Baka,"

Maikling sagot nila sa tanong niya na nagpasimangot dito. Subalit, napapaisip pa rin siya kung tunay ba ang mga nangyayari na kababalaghan sa bahay na iyon.

'Totoo ba talaga ang tungkol doon? O, haka-haka lang ng iba?' ito ang palaging tanong na hindi masagot.

"Para hindi na tayo magkaroon ng tanong sa isipan‚ magtungo tayo roon pagsapit ng gabi‚ at magtatago ang iba at isa ang maghahanap sa mga magtatago‚ ayos ba?" nakangising suhestiyon naman ni Rhilion sa kanila.

Kaagad na hindi sumang-ayon ang iba dahil sa takot na baka kung ano'ng mangyari sa kanila sa loob no'n. Nagkaroon sila ng agam-agam habang ang iba nama'y hindi na makapaghintay na mag gabi.

"Ligtas ba roon? Baka mapahamak tayo sa suhestiyon mong iyan ah."

"Oo nga!"

"Sisiguraduhin kong ligtas tayo sa bahay na iyon. Imposible na mayroong nakatira ro'n."

Nakahinga ng maluwag ang ibang nangangamba. Pumayag na sila na pumunta roon. Kahit na natatakot ay lalabanan nila masagot lamang ang katanungan na nasa isip nila.

---

Sumapit ang gabi, kompleto silang magkakaibigan na nasa tapat ng abandonadong bahay, malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang balat. May ibang kinakabahan, mayroong din na nasasabik pumasok.

"Ano pa hinihintay natin? Pumasok na tayo!"

Dahil sa sigaw ng isa na nagngangalang Adros, ay nagulat ang mga kinakabahan at pinagmumura siya na dahilan kung bakit natawa ang iba.

"Kalma‚ mga puso n'yo. Kape kasi nang kape e." tawa ni Rhilion sa kanila.

"Loko ka pala e! Bigla-bigla siyang sumisigaw!"

"Tama!"

Napuno ng tawanan ang buong lugar, hanggang sa mahimasmasan sila. Nabalot na ng katahimikan ang lugar. Lahat sila ay nakatingin ngayon sa pinto na ngayo'y bumubukas sara dahil sa hangin na malakas.

"Tara." ani Zig na hindi nakikitaan ng kaba at nanguna sa paglalakad patungo roon.

Sumunod naman sila at seryoso ang bawat mukha. Hindi nila alam kung ano'ng mangyayari kapag nakapasok na sila loob at makalabas. Magiging ligtas kaya silang lahat.

Abandonadong BahayWhere stories live. Discover now