Bakas sa mukha ni Dolorosa ang gulat, "Ng-ngunit, mapapagalitan ka rin ni ama."

"Wala na akong pakialam, Dolorosa" Seryosong saad ni Liyong, tinitigan niya ang dalaga sa mga mata, "Hindi ko kakayanin na makita kang kasama ng lalaking yaon,"

"Liyong..."

"Minsan lang matamaan ng pag-ibig ang aking puso. Tulad ng kakayahan kong apoy ay matagal ng tinupok nito ang totoo kong pagkatao," Seryosong saad ni Dolorosa, "Kung kaya noong dumating ka, nagkaroon ng pag-asa muli ang aking buhay"

Napaawang na lamang ang labi ni Dolorosa, nais niyang hawakan ang magkabilang pisngi ng binata ngunit parang napako ang kaniyang mga kamay.

"Sa totoo lang, hindi tiyak ang aking buhay. Matagal ng pumanaw ang aking ina, ang aking ama naman ay hindi ko na masumpungan at hindi ko rin gugustuhin na makita pa siya. Baka mapatay ko lamang siya"

Kitang-kita ni Dolorosa ang hinagpis sa mga mata ng binata, "P-pero ama mo pa rin siya, hindi ba?"

"Hindi ko matanggap. Ang akin na kakayahan ay tila sumpa sa aking pagkatao. Minsan ko na ring pinaliyab ang buong bayan, sa bayan na kung saan nagkamalay ako at ang nakapagmulat sa akin ng katotohanan na napakadaya sa amin ng tadhana. Gusto rin ng aking ama na gawin niya akong alay sa diablo"

Nagtagbo ang kilay ni Dolorosa sa narinig, "A-ano?"

"Pasensya na kung naikwento ko tuloy ang aking buhay. H-huwag mo nang pansinin," Nahihiyang saad ni Liyong sa dalaga. "Hindi ko naman intensyon na maawa ka sa akin, Dolor. Ibinunyag ko lamang ang aking buhay at nakagisnan ko. Syempre, manliligaw na ako sa'yo"

Napangiti si Dolorosa, "Bueno, hindi naman kita huhusgaan. Kaharap mo nga ngayon ay isang taong-lobo eh,"

Natawa naman si Liyong sa sinabi ni Dolorosa, "Mabangis pala ang magiging asawa ko"

"Hunghang ka talaga," Tugon ni Dolorosa at nakitawa na rin.

"May ipapakita ako sa'yo," Biglang sambit ni Liyong, ipinakita niya ang kaniyang isang kamay. Bigla naman itong nagliyab, pagkatapos ay tinakpan niya ng isang kamay na nagliliyab na rin. Sa isang iglap ay naglaho ang liyab ay may lumitaw bigla, "Para sa'yo" Sabay bigay kay Dolorosa ng dalawang pulang rosas.

Namangha si Dolorosa, nagdadalawang-isip pa siya kung tatanggapin niya ang dalawang rosas.

"Huwag kang mag-aalala, hindi iyan mainit" Nakangiting saad ni Liyong.

Kinuha ni Dolorosa ang rosas at inamoy iyon, "Napakabango. Salamat sa rosas, Liyong."

"Ikaw pa, lakas mo nga sa akin"

Sandali na naman silang natahimik. Hindi maiwasan na mapangiti nang palihim ni Dolorosa habang pinagmamasdan ang dalawang rosas. Hindi man ito ang gusto niyang kulay pero hindi niya mawari kung bakit nagugustuhan na niya ang kulay pula.

"Saan na kaya si Ginoong Leopoldo? Malapit na ang alas dos y media," Saad ng isang sakristan.

Agad naman na nagtinginan si Liyong at Dolorosa.

"Mukhang papunta rito ang mga sakristan," Mahinang sambit ni Liyong. "Magtago ka muna, Dolor."

Agad na napatango si Dolorosa pero sa kaniyang pagtayo ay nawalan ng balanse ang kaniyang mga paa. Nahila niya ang damit ng binata.

Gayundin si Liyong na kasing-bilis ng kidlat na napigilan ang likuran ni Dolorosa sa pagkawala nito sa balanse at maiwasan ang pagkakaupo nito sa lupa. Ang kaibahan lamang ay, sa lakas ng pagkakahila sa kaniyang damit ay nasubsob ang kaniyang labi sa labi ni Dolorosa.

Gulat na gulat si Dolorosa habang nakalapat pa rin ang kanilang mga labi.

Agad naman na humiwalay si Liyong at inayos ang sarili nang masiguradong nasa maayos na kalagayan si Dolorosa, "M-magtatago ka na m-muna, D-dolor. Haharapin ko muna ang mga s-sakristan," Nauutal niyang sabi at napapunas pa siya ng pawis sa noo gamit ang kamay bago umalis.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now