Ika-pitumpu't pitong Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Sus, stress kaya pumayat" wika ko naman. Sabay kong nilapitan si Dawn at Alice na magkatabi. Niyakap ko ang mga ito, nakita ko naman na yumakap rin si Zia sakanila.

"Maiwan ko muna kayo rito at punong abala ako ngayon" wika ni Liza sabay alis.

"How are you na?" Tanong ni Dawn, ngumiti naman ako sakanya.

"Getting fine dawn, malapit nang maging okay hoping" wika ko. Ngumiti ito sa akin at tinap ang balikat ko.

"Im glad to see you smiling again, Im so happy for you girl"

"Thanks D"

"Oh this one is so nice Alice, where did you get this?" Tanong ko sa hawak ni Alice na Bag

"There Irene, I told you small Irene will love this" wika niya pa kaya natawa kami.

Nagpaalam muna si Zia na magtitingin tingin sa paligid at kami naman nila Dawn ay magkakasamang naglibot libot.

"Where's Lily? Di pa ba umuwi?" Small Asked

"Not yet eh, but Zia told me na nagkausap na sila and they're getting okay na daw kaya kahit papaano gumagaan na pakiramdam ko. Hinihintay ko nalang na tumawag siya at sabihin uuwi na"

"Di mo ba nakakausap?"

"Not yet D, Im giving her some time and space to think pa. Ayoko naman na guluhin yung bata, but I can feel na magiging okay na kami asap"

------

-LILIENNE-

"Omg Guys, Come here! Ang ganda rito!" Malakas na wika ni Jenny habang tinatawag kami sa isang banda.

"Tara daw dun" natatawang wika ni Rico at nanguna na sa paglalakad patungo kay Jenny

Nang makalapit kami kay Jenny ay mas lalo kaming namangha, tama nga siya mas maganda sa parteng ito dahil kitang kita ang linaw at lawak ng beach habang natataw rin naman ang nagtataasang mga bata na nagpapaganda sa view.

"Picture!" Excited na wika ni Jenny at kumuha ng mga litrato.

"Kung ako kay Ma'am Yen babalik balik ako rito tuwing bakasyon, ang ganda ng lugar nila" wika ni Rico habang nakatanaw kaming lahat sa Beach.

"Ang swerte nila at may property sila na malapit sa ganitong lugar, grabe imagine walking distance lang ganito na makikita mo" wika naman ni Jenny.

Nagpatuloy kami sa pagt-take ng picture at hindi katagalan ay tinawagan na kami ni Ma'am Roda kaya naman nagpasya na kaming umuwi muna.

"Are you going to post this?" Tanong ni Dave habang pinapakita sa akin ang mga picture na kinunan kanina.

Umiling ako, "tsaka na siguro"

"Ganda dito noh?" Wika ni Ma'am Roda pagkalapit sa amin.

Nasa may terrace kami ng bahay nila Ma'am Yen tumambay pagkauwi, abala pa sila ni Ma'am Roda sa pagluluto ng hapunan kaya naman di na muna kami nakigulo

"Perfect place indeed, where's Ma'am Yen po?"

"Nagp-prepare na ng dinner, pumunta na ako rito para tawagin kayo" wika niya.

"Sana sumama kayo kanina Ma'am, ang ganda pala talaga dito" wika ni Rico.

"Sana nga kaso we're too busy preparing, but don't worry bukas magkakaroon na tayo ng mga pictures together" malumanay na wika ni Ma'am Roda at may patawa pa ng mahina.

Soft spoken talaga ito, super sweet lang gumalaw at magsalita para bang walang bahid ng kasamaan sakanya. Hindi marunong magalit, at kung magagalit man parang sweet parin.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now