Prologue: Bitay

32 19 2
                                        

AUTHOR'S NOTE:

This is the original version of "Lost In Pages" Novel. Any Act of Plagiarism can called as a crime. As a beginner in writing a Novel, Please understand if there's some typographical errors.

I, The Author, Can be inactive if there's an emergency so please bear with me. You can DM me in my Facebook account 'Heya Mass' If you want to interact with me.

•••

"Hindi! Hindi Maaari!!!"

Tangis ng isang karaniwang tao sa mga guwardiya ng Palasyo.

"Papaslangin nila ang Prinsipe!! Huwag natin itong hayaan!!"

Pag-kumbinsi niya sa gaya niyang karaniwang tao lamang.

Alam niyang maaari itong mangyari, Ang umibig sa isang miyembro ng maharlika pamilya kung ikaw ay karaniwang tao lamang ay krimen kung ituring.

Maaaring siya ay makasarili sapagkat hinayaan niya ang kaniyang sariling umibig sa prinsipe at hindi niya magawang ikaila na ikinatuwa niya rin ang mga oras na sila'y magkapiling.

Ngayon, Ang kaniyang pinaka-iniibig na tao sa mundong ito ay bibitayin dahil sa isang pagkakamali.

Ang makipagtanan kasama siya, Alam niyang hindi magtatagal ay may nais na ring pumaslang sa kaniya.

Hindi niya ito tatakasan gaya ng ginawa ng kaniyang pinaka-iibig.

Lalong makasalanan ang kanilang pag-iibigan sapagkat sila'y parehas na lalaki.

Tinuturing ang mga taong umiibig sa katulad ng kanilang kasarian bilang salot at sakit sa kaharian.

"Prinsipe Earl Rajiv Madden!!" Sigaw niya.

Nagbabakasakaling siya'y maririnig ng kaniyang pinaka-iniibig, Ngunit sadyang malayo ang kaniyang kinaroroonan mula sa prinsipe.

Mula sa ikatlong palapag ng Palasyo, Tanaw ang itsura ng prinsipe.

Nakangiti ito na tila walang maling ginawa at masaya siyang mamamaalam sa kaharian.

Nais niyang haplusin ang mukha ng prinsipe, Ngunit hindi niya ito magagawa kahit sa huling sandali at huling paghinga ng prinsipe.

Sadyang mapanlinlang ang mundo.

Sa sandaling kasiyahan na natanggap mo'y, dobleng pasakit ang dadanasin mo.

Ganito na nga lang ba ang kaniyang buhay? Hindi na ba ito mababago?

Kung sana man lamang ay mayroon siyang kapangyarihang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan, Hindi hahantong sa ganitong sitwasyon ang kaniyang pinaka-iniibig.

•••

Sa pagpikit ng kaniyang mata, kaniyang namamasdan ang kanilang matatamis at masasayang mga sandali.

Hindi niya hahayaang ito'y kaniyang makalimutan kahit sa kaniyang kabilang buhay.

Sa pagdilat ng kaniyang mata, Ang taong kaniyang pinaka-iibig ay wala nang hininga.

Nag-unahan ang pagdaloy ng kaniyang luha mula sa kaniyang dalawang mata.

Hindi siya makapaniwala na isinakripisyo ng kaniyang pinaka-iniibig ang buhay nito para lamang mailigtas siya.

Paano na lamang siya mabubuhay sa pait at hapdi na kaniyang nadarama?

Ang tinatamasang kasiyahan ay napalitan ng kapaitan.

Nagsigawan ang mga tao sa kaharian nang malagutan ng hininga ang prinsipe.

Tila ba'y nag diriwang ang mga ito, Bakas sa kanilang mukha na may kung ano'ng tinik na nabunot sa kanilang mga puso.

Habang ang mahal na Reyna ay nagtatangis at humahagulgol sa iyak, Ang Hari nama'y hindi matanaw sa labas ng palasyo.

Tila ba'y ayaw niyang makita ang kaniyang anak na pinapaslang sa harap ng mga karaniwang tao.

Naroon din ang pinakabatang prinsipe na naguguluhan sa mga pangyayaring hindi niya maunawaan.

Sa gulang na siyam ay hindi niya dapat nasasaksihan ang ganitong kaganapan.

Pagpasalang sa isang tao, Kaguluhan sa Kaharian at Gyera na nagaganap sa labas ng kaharian.

Kinamumuhian na ng mga karaniwang tao ang maharlikang pamilya sapagkat hindi wasto ang kanilang pamamalakad sa kaharian.

Hindi malinaw kung anong ibig sabihin ng mga karaniwang tao ngunit nababahala ang maharlikang pamilya para sa kanilang kaharian.

Nanainisin nilang isakripisyo ang kanilang buhay kung ito ay para sa kaharian, Sila ay kadalasang inaakusahan sa mga bagay na pagkakamali ng mga karaniwang tao.

Ang kabutihan ng pamilyang maharlika ay bihira mo lamang mararanasan kaya't inaabuso ng mga naninirahan sa kaharian.

•••

Nag-lisanan ang mga karaniwang tao ngunit ako'y nananatili sa harap ng palasyo.

Kung may isa akong hiling na may pagkakataong matupad, Walang iba kung hindi ang ika'y muling masilayang humihinga.

Kahit sa huling mundo ng sansinukob, hinding hindi kita palalayain mula sa aking mga bisig, Aking prinsipe.

Nilisan ko ang palasyo at nagpatuloy sa pag-tahak ng landas mula sa aming tagpuan ng prinsipe.

Binabakas ang sandaling ika'y nakangiti, humahalakhak at ang mapaglambing mong mga tinig.

Ano na ang aking dahilan upang mabuhay? Ako'y iyong nilisan, Aking prinsipe.

Nawa ika'y hindi na mag-iisa sa piling ng Bathala.

Hawak ang iyong sandatang pana, Hinihiling ang iyong pagbalik.

Siguro nga'y wala nang saysay kung ako pa'y mabubuhay.

Sa oras na ako'y iniluwal ng aking ina, siya'y nilagutan na ng hininga.

Ang amang dapat kong kasama ay malimit kong makita pagkat siya ay isa sa mga maharlikang bantay.

Ang magulang na aking kinikilala'y kinamumuhian ang aking katauhan sapagkat nalaman nila ang namamagitan sa amin ang prinsipe.

May lugar ba para sa akin dito kung wala ka?

"Magkikita tayo muli, Aking prinsipe."

Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad hinalungkat ang kagamitang pang tahanan.

Aking nasilayan ang lubid sa likod ng pintuan.

Gamit ang silya, Itinali ko ang lubid sa mataas na sanga ng puno sa likod tahanan.

"Susundan kita, Kahit sa kamatayan, Hindi ko hahayaang ika'y mag isa, Aking prinsipe."

Lost In Pages Stories to obsess over. Discover now