These past few weeks, Justin is having a hard time sleeping at night. He knows malapit na ang limit ng katawan nya at bibigay na ito. Thanks for being young, malakas-lakas pa ang resistensya nya. Nanlalaki na ang eyebags nya dahil halos 2-3 hours nalang sya nakakapahinga. Their make-up artists are already complaining. Noon ay sya ang pinakamabilis ayusan dahil wala naman daw masyadong need i-improve sa itsura nya. Ngayon, nahihirapan na ang mga itong takpan ang nangingitim na eyebags n’ya. Mabuti nalang ay tapos na ang world tour nila kaya few guestings nalang sa mga TV stations ang schedule nila ngayon.
As usual, Josh is the first one who notice Justin's changed in behavior. Agad itong lumapit sa kanya pagkatapos ng turn n’yang ayusan.
"Problem, Justin?"
"Mn." Justin just hummed his answer. Di nya alam kung pano ie-explain ang sarili.
"If it's about you know--" Josh stopped when Justin gave him a warning look, implying na hindi sila nagsosolo sa make-up room.
"No. I just can't sleep properly these past few weeks." Justin explained. He knows hindi kuntento si Josh sa sagot niya. "I can't take sleeping pills and you know why."
Josh nodded. He always knew that Justin is scared of taking pills for some personal reasons related to his family.
"But we're good, right?" Josh asked.
"Oo naman." Justin smiled assuring him but his eyes are avoiding him.
"Anung good good? Nag-away ba kayo?" Biglang lumapit sa kanila si Stell para magtanong. Katatapos lang din nitong ayusan.
Kinabahan si Josh. Stell was so loud. Baka marinig sila ng ibang members and he know his self. Hirap syang magsinungaling at ‘di siya titigilan ni Pablo hanggat 'di sya umaamin.
"Wala. Puyat lang. Tinatanong lang ni Josh if good na ako." Justin briefly answered. Always trust him to give a believable answer.
"Hmmmm." May paghimas pa sa baba si Stell. "Okay!" Ngumiti lang ito at p-in-et ang ulo ni justin.
"Urgh Stellvester!! Katatapos ko lang ayusan yan!" Biglang irit ng hair stylists nila. Nagpa-cute lang si Stell dito para di na magalit.
Sa van after ng guesting.
"Kuya first drop si Justin pls! Para makabawi na ng pahinga ang bunsoy." Nakisuyo si Stell sa driver nila.
"Yes, sir!"
Pagdating sa condominium building ni Justin, bigla rin bumaba si Josh.
"Hoy Josh di ka uuwi?" Tanong ni Ken.
"Di muna. Check ko muna si Justin bago umuwi."
"Uyyyy. Sige! Pagaling ka bunso. Gora na kami." Biglang isinara ni Stell ang van bago pa may makasagot sa panunukso nya. Wala nang nakaimik kina Josh at Justin.
"Bat kasi sasama ka pa sa condo ko?" Angil ni Justin.
"Di ako matatahimik pag pababayaan kitang mag-isa. Parang ngayon ko lang ginawa 'to." Josh argued.
Justin grunts. Hinayaan nalang niyang sundan sya nito paakyat ng condo. Ramdam nyang nakatingin sa bawat galaw nya si Josh. He's used to him being this caring towards him. Pero iba na ngayon. Everything felt awkward after what happened last time there’s only two of them together. Ayaw nalang nyang balikan ang nangyari last month. Yun ang pinakaiiwasan n'ya. Come to think of it, hindi kaya connected dun kung bakit s'ya nahihirapan makatulog? Hindi n'ya lang masyadong pinag-iisipan ang nangyayari sa kanya sa dami ng activities nila. Ngayon na maluwag na ulit ang schedule nila, madami na siyang time mag-analyze.
"Justin!" tawag ni Josh pero tuloy-tuloy pa din sa paglalakad si Justin. Lampas na ito sa door ng condo nito. Sinundan n'ya ito at inalog sa balikat.
"Huh? What?" Nagulat pa si Justin. Wala nga ito sa sarili.
"Kanina ka pa lumampas."
"Ah. Sorry." Wala sa loob na sagot nito habang kinakapa ang pantalon para sa keys.
Napailing si Josh. Pinigilan n'ya ito. S'ya na ang nagkusang pindutin ang key code sa pinto nito. Lutang nga talaga si Justin. Nakalimutan ang password.
Pagkabukas ng pinto ay pinaupo n'ya ito sa sofa at ikinuha ng mineral water sa ref nito. Hinayaan na lamang ito ni Justin dahil familiar na ito sa condo niya. Justin laid on the sofa then closed his eyes. When Josh came back, nakita nitong nakatulog na si Justin sa sofa.
“Buti naman.” Josh smiled at ipinatong ang hawak na bote sa table. Dun na din s’ya naupo at tinitigan ang natutulog na si Justin. Halata ang stress nito habang natutulog dahil kumukunot-kunot pa ang noo nito at kumikibot ang mga labi. Napatitig s’ya sa mga labi nito. Hindi na namalayan ni Josh na lumalapit na pala ang mukha n’ya kay Justin.
Justin felt alarmed kaya bigla siyang nagising. At tama nga s’ya, Halos 3 inches nalang ata ang layo ng mukha ni Josh sa kanya. Bigla syang napabalikwas at itinulak ito. “Hoy! Anung gagawan mo?”
Gustong matawa ni Josh sa itsura ni Justin ngayon. Nakasiksik ito sa sofa, at nakatakip ang throw pillow sa katawan. He chose not to laugh dahil sigurado siyang mapapalayas siya ng wala sa oras pag nagkataon. “Wala naman. Tinitingnan ko lang kung malalim na ang tulog mo.”
Justin looked at him suspiciously. This time ay pinakawalan na ni Josh ang pinipigilang tawa. “Anung nakakatawa ha?!”
“Promise, Justin. Wala akong gagawin sa’yo without your consent. Hindi ako ganung klaseng tao.” Tumayo si Josh at seryosong pinagmasdan si Justin.
“A-ano? Di ka pa ba aalis?” Justin relaxed when he felt the sincerity from Josh’s tone. Alam naman niyang hindi ito mapagsamantala. Kaya lang ay naging awkward at jumpy na siya sa presensya nito mula nung---nevermind. Ayaw na niyang balikan.
“Later. Kailangan kong masiguro na nakatulog ka na talaga.”
“No need, Josh. Matutulog na talaga ako kaya lang ay nandiyan ka pa kaya siguro ‘di agad ko makatulog.”
“What do you mean? Do I make you feel uncomfortable?” Josh asked with obvious pain in his eyes.
Nakonsensiya si Justin. He knows na hindi kasalanan ni Josh yun, intentionally.
“N-no! I meant..uhmm..I can’t sleep with someone else’s presence around these past few days. Masyado lang sigurong sensitive ang senses ko dahil sa stress at puyat.” Justin reasoned, can’t even look directly at Josh’s eyes.
“Okay. I’ll go” Josh conceded. He wanted to talk with Justin pero mas mainam na hayaan na muna niya itong makapagpahinga. “We’ll talk next time, Justin.”
Justin sighed then nodded in agreement. Ayaw na muna niyang makipagtalo kay Josh. Tsaka na siya lulusot kapag nakabawi na siya ng pahinga. He just watched as Josh take his things then left.
YOU ARE READING
UNTITLED
FanfictionJustin is having a hard time sleeping and Josh might have some solutions to that...
