Tumango naman ito. “Sige po, sasabihin ko po kay Sir Leo na bababa na po kayo.”

  Ngumiti siya rito. “Salamat, Inday.”

“Walang anuman po, ma’am.”

       Nang umalis ito ay agad niyang tinapos ang pagsusuklay sa kanyang buhok at tumayo na mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin. Naglakad siya sa wooden cloth stand na malapit sa pintuan niya at kinuha niya ang kanyang satin robe at lumabas na sa kanyang silid. Bumaba na siya sa hagdan. Habang pababa siya sa hagdan ay rinig na rinig niyang nag-uusap ang kanyang kapatid at ang kanyang ama. Lumiko siya sa kaliwang panig ng bahay dahil nasa kaliwang bahagi ang kusina at dining room. Nadatnan niyang seryosong nag-uusap ang kanyang ama at si Kuya Enzo. Alam niya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa tungkol na naman ito sa kompanya na nasa Maynila at ang kanyang Kuya Enzo niya ang namamahala do’n. Siguro may problema rin doon dahil base sa kanilang ekspresyon ng kanyang ama at kanyang kapatid ay halatang malaki ang problemang kinakaharap.

“Good Morning,” bati niya sa mga ito kaya napabaling ang atensyon ng tatlo sa kanya.

“Good Morning! Halika, kumain ka na. Pinagluto kita ng paborito mong breakfast at pinagawan kita ng fresh juice mo dahil alam kong gustong-gusto mong uminom ng apple tuwing umaga.” Nakangiting bungad ng kanyang ina. 

           Lumapit siya sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. “Thank you, Ma.” 

    Lumapit din siya sa kanyang ama at humalik sa pisngi nito. Seryoso siya nitong tiningnan at sinenyasan na rin siyang umupo.

     Umupo siya sa katabing upuan ni Mama at nagsimula nang kumuha ng kanyang paborito niyang agahan.

“Anong atin? Bakit kay aga-aga ay iba ang pakiramdam ko na may hindi magandang nangyayari sa kompanya?” Palipat-lipat ang kanyang tingin sa tatlo at saka huminto ang kanyang tingin sa kanyang Kuya na napabuntong-hininga.

“Tinakbuhan ako ng secretary ko na malaking pera at isa na doon ay ang pera ng investor. Hanggang ngayon ay hinahanap pa namin siya,” paliwanag nito sa kanya.

    Halata ngang malaki ang problema nito. Hindi pa niya nakilala ang babaeng sekretarya nito kaya gusto niyang malaman kung ano ang itsura ng babae. Hindi ito basta-bastang uuwi sa bahay kapag hindi ito nagkaaberya. Iba rin ang ugali ng kanyang Kuya. Spoiled ito ng kanilang ama kasi ito ang panganay, at ito rin ang tagapagmana ng kompanya nila. Ang kompanyang hinahawakan ng kanyang kapatid ay isang contraction company. Siya naman ay namamahala sa farm dahil simula bata pa siya ay tinuturuan siya ng kanyang mga magulang kung paano ang pamamalakad nito. Labinlimang taon pa siya ay sinasanay na siya upang paglaki niya ay siya na ang namamahala. Kaya ito siya, siya ang tagapamahala ng farm at mas lumago ito nang dahil sa kanya. 

“Kuya, magkano ba ang tinakbo ng sekretarya mo?” tanong niya habang naghiwa na siya ng

“1.5 million ang itinakbo niya, Liza.”

    Napataas ang kilay niya sa halagang kinuha kuno ng sekretarya nito. May iba kasi siyang pakiramdam na may tinatago ang kanyang kapatid. Siguro, girlfriend nito ang kumuha, at sekretarya pa talaga nito ang pinagbintangan. Ilang ulit ng ginawa ng nobya nito na hayok sa pera, at ewan ba niya sa kapatid niyang tanga kung ano ang nakita niya sa babaeng higad na iyon. 

     Sumubo muna siya ng kanyang sandwich na may palaman na cheese at nginunguya muna niya bago siya nagsalita. She doesn’t want to talk while her mouth is full.

“Sekretarya o baka naman girlfriend mo na naman ang kumuha? Sinasabi mo na sekretarya mo ang kumuha, pero iyon naman pala’y nobya mo ang puno’t-dulo ng lahat.” She hissed and rolled her eyes at him.

BURN IN DESIRE (TAGALOG) Where stories live. Discover now