Gumapang ang maliliit na ugat sa mukha ni Joaquin sa sobrang galit at nagiging itim din ang kaniyang balintataw.

DAHAN dahan na tinulak ni Dolorosa ang pintuan sa silid ni Adrian. "Kuya?"

Napatingin si Adrian sa gawi ng kapatid, napangiti siya dito. "Dolor? Ano at naparito ka?"

Umupo si Dolorosa at pinagmasdan ang kuya na abala sa pagguhit ng mga halamang gamot na proyekto sa colegio, "Napansin ko lamang na tila tahimik ka magmula noong pumunta tayo sa sementeryo,"

Napakagat ng labi si Adrian at napailing, "Alam mo, ang mabuti pa ay ihalo mo na lamang ang tinta sa aking sisidlan" pag-iiba pa niya.

Napataas ang kilay ni Dolorosa dahil parang may iniiwasan ito, "Kapatid mo ako, masasandalan sa anong problema"

Napahinga nang malalim si Adrian at tinabihan ang kapatid sa kama habang nakaupo, "Alam kong mahirap at ikakagulat mo ito,"

Nagulat si Dolorosa at napatabon ng bibig "Huwag mong sabihin na may nabunti---"

"Dolor naman eh. Hindi ako ganoon" Singit ni Adrian, "Patungkol ito kay Immaculada"

Sa wari ni Dolorosa ay seryoso ang ipagtatapat ng kaniyang kuya patungkol sa kaniyang amiga.

"H-hindi ko nais na mapakasal, marami pa akong pangarap sa buhay. Ano na lang kung maging kami? Ano ang aking ihahandog sa---"

"Kuya," Pigil ni Dolorosa, "¿Por qué? ¿Qué le pasa a mi amiga? Dime ahora mismo, hermano." (Bakit? Anong mayroon sa aking amiga? Sabihin mo agad sa akin, kuya.)

Napapikit si Adrian at naaalala ang ginawa ni Immaculada sa kaniya, unang halik niya ang dalaga. "H-hinalikan..."

"Hinalikan mo siya?"

"Hinalikan niya ako sa labi," Diretsong saad ni Adrian kay Dolorosa.

Parang natuod si Dolorosa sa narinig, hindi niya maatim dahil napaka-inosente ng kaniyang kaibigan, "A-ano? P-paano nangyari 'yon?"

Tumayo si Adrian, "Sekreto lang natin ito. Tara na't mananghalian na. Tatawagin ko pa si Kuya Marco," Sabay tuluyang lumabas ng silid.

Napatulala na lamang si Dolorosa, napadampi ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi. "Sa akin kaya? Sino kaya ang makakahalik sa akin?"

Samantala, si Adrian naman ay nakita si Marco na nakasuot ng bagong kamiso de tsino at nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin habang pakanta-kanta pa. Napailing na lamang siya, "Malamang kung kaya ay nagkakaganiyan ka dahil sa presensya ni binibining Edelmira. Nagulat na lamang ako kanina na magkatabi kayo sa silid, sinamantala mo talaga ang kahinaan niya"

Swabeng napaikot si Marcos habang hinawi ang kaniyang buhok na humarap sa kapatid, "Iba ang kamandag ng Sarmiento. Kaya ikaw, kung may natitipuhan kang babae ay gumawa ka na ng paraan,"

"Sus, nagmana ka lang talaga kay lolo Ignacio at lolo Quasimodo," Hirit pa ni Adrian at napailing.

"Ikaw? Saan ka nagmana?"

"Kay ama, malamang! Pero, 'yun nga, kinulang sa dating" Mahinang sambit pa ni Adrian.

Tumawa na lang si Marco at inakbayan ang kapatid.

Lumabas din si Dolorosa sa silid. Iniripan niya ang kaniyang Kuya Marco dahil sa pagtatalak nito sa kaniya kahapon nang malaman na nagpunta sila sa bayan.

"Dolor, halika" Paglalambing pa ni Marco, "Bilis na! Halika!"

Napahalukipkip si Dolorosa at lumapit sa dalawa, gamit ang mukhang suplada, "Ano pa bang magagawa ko?"

Via DolorosaWhere stories live. Discover now