Simula - Kabanata 1

0 0 0
                                    

Inihanda ko na ang bagaheng dadalin ko papunta sa probinsya. Nasa loob ng bagahe ang mga damit, uniporme, toothbrush, vitamins at isang makapal na diary.

Ako nga pala si Astra, 20 Years Old. Isa ako sa mapalad na nakapasok sa Windward School, ang paaralan na ito ay punong puno ng mahika, lahat ng mga istudyante rito ay may sari sariling kapangyarihan.
Pero tinitraining pa kami para mailabas namin ang totoong kapangyarihan.

Nandoon sa probinsya ang aking dalawang dating matatalik na kaibigan na nagtaksil sa akin.

Bata palamang kami ni Vein at Shane ay hindi na kami mapaghiwalay, halos umaga't gabi'y magkakasama kami. 13 years old na kami nang dumating ang isang lalaki na nagngangalang Chris. Si Chris ay nanligaw sa akin noong 15 years old na ako. Gwapo, gentleman, maaalahanin at iba siya magmahal. Nang mapatunayan niya na karapat dapat siya sa akin ay sinagot ko siya. Ngunit binawi ko lahat ng sinabi kong maganda sa kanya ng makita ko na kasama niya ang isa sa matalik kong kaibigan na si Shane sa isang patagong lugar.

Nadurog ang puso ko ng makita kong magkayakap silang dalawa. Nang makita nila ako agad silang humiwalay, kumaripas ako ng takbo papunta sa isang kalsada, tumawid ako roon pero hindi ko akalain na may sasakyang paparating. Akala ko magwawakas na ang buhay ko akala ko makikita ko na ang namayapa kong ina, ngunit hindi may isang lalaking hinila ako pabalik sa kabilang side ng kalsada. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim, pero sigurado akong hindi siya si Chris. Nahawaakan ko ang mukha niya at nakapa ko ang makinis na mukha, matangos na ilong, at perpektong mga mata. Nararamdaman ko ang ang kanyang paghinga mula sa kanyang tiyan, naramdaman ko rin na dahan dahan niya akong binuhat at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking nagligtas ng aking buhay noon. Hindi na dapat ako sasama papuntang probinsya pero naalala ko ang lalaking iyon, gusto ko siyang makilala at mapasalamatan kahit limang taon na ang nakalipas.

Habang nakaupo ako sa kama ko biglang tinawag ako ni Zein dahil aalis na. Agad kong kinuha ang bagaheng dadalhin ko at lumabas na ng kuwarto. Nakasalubong ko si Zein at si Crisel sila ang pinakamatalik kong kaibigan, ni-minsan hindi nila akong pinagtaksilan, sila ang tumutulong sa akin upang mas lalo akong maging matatag at maging kapantay nila.

Si Zein at Crisel ay anak ni General Carpio at Isabel Carpio. Ang nanay ni Zein at Crisel ay kapatid ng aking ina, ibig sabihin pinsan ko silang dalawa.

Sineyasan ko si Zein at Crisel na humayo na. Pagbaba namin galing kuwarto ko ay nagsidagsa na ang mga istudyante na may dalang bagahe.

May isang portal na kapag pumasok ka roon ay makakapunta ka sa piniling lugar ng Hari. May tigiisang guwardiya sa likod namin dala dala ang mga bagahe at tagapagtanggol sa amin.

Dahan dahan kaming naglakad ni Zein at Crisel papunta sa portal. Nakapasok na ang iba at kami nalang ang natitira. Isang maliwanag na ilaw sa buong paligid ng makapasok kami sa portal. Unti unting nawala ang liwanag at nakatingin na sa amin ang mga tao roon na hinihintay ang kanilang mga anak at kapatid, meron kasing mga hindi sumama papunta rito.

Narinig kong tinawag ako ni Lola Bella. Nakita ko siya na tumatalon sa likod ng mga tao. Si Lola Bella ang nanay ng nanay ko. Isa siyang mabuting tao, siya ang nagturo sa akin ng kagandahang asal noong bata pa ako.

Agad kong sinenyasan si Zein at Crisel na naroon si Lola Bella. Napalingon ulit ako kay Lola at nakita ko sa tabi niya si Chris at ang dalawa kong dating matalik na kaibigang si Vein at Shane.

Nawala ang masayang ngiti sa mukha ko. Ngunit hindi ako nag patinag, nagpanggap akong hindi ko sila nakilala at binalik ang ngiti ko. Tinawag ko si Lola tatakbo na sana ako papunta kay Lola ng hilain ako ni Zein pabalik at sinabi niya na wala pa ang mga guwardiya namin.

Ilang sandali pa dumating na ang guwardiya, alam nila na si Lola Bella lang ang pinunta namin dito. Ginilid nila ang mga nakapaligid kay Lola para mas madali kaming makapunta.

Nang makarating kami kung saan si Lola niyakap namin siya isa isa at nagmano. Naramdaman kong nakatingin si Chris at si Vein at Shane.

Naglakad kaming tatlo kasama si Lola papunta sa bahay niya. Nang makarating kami sa bahay ni Lola, nakita ko ang mga handang nakalatag sa malaking mesa.

Malapit din doon ang kusina at nakita ko ang dalawang lalaking nagluluto ng iba pang ulam. Napamilyaran ako sa isang lalaki.

Tinawag ako ni Lola para kumain na. Adobo, Sinigang, Tinola ang mga may sabaw na ulam doon meron ding mga prito tulad ng Pritong isda, Hotdog, Egg, Dilis, at Tuyo.

Nang matapos akong kumain napatingin ako sa Kusina, wala na roon ang dalawang lalaking nagluluto kanina.

Kumakain pa si Zein, at si Crisel naman ay humihigop nalang ng sabaw galing sa sinigang. Tinanong ko kay Lola kung maaari ba akong pumunta sa kusina at sinabi naman niya ay pwede.

Pumunta roon. Nang makarating ako sa kusina nakita ko ang Vitamins ko hindi ko pa inilalabas ang vitamins ko sa bagaheng dala ko.

Inisip ko na gumagamit din si lola ng ganoong vitamins. Pero ang Vitamins na iyon ay para lamang sa mahihina ang katawan, ang ibig sabihin ba na iyon ay mahina na si Lola?

Lumapit ako kung saan naroon ang vitamins, nakatitig lang ako sa Vitamins na iyon nang biglang may nagsalita sa likuran kong lalaki."Hindi iyan para kay Lola Bella."saad ng lalaki sa likuran ko. Agad akong lumingon sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya, hindi ko namalayan hinahawakan ko na pala ang mukha niya.


Ipagpatuloy sa susunod na kabanata.

Can't Believe My Lover Is My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon