Bigla na lamang itong nagmulat ng mga mata.

"Mama?" Kinusot nito ang mga mata at akma sana itong bumangon nang pinigilan niya ito.

"Bumalik ka na sa pagtulog, anak. Pasensya na kung na disturbo ko ang tulog mo."

Yumuko siya upang hagkan ang noo nito. Nakita niya ang pagngiti nito. Kahit lampshade lang ang ilaw sa silid nito ay hindi naman gaano kadilim kaya nakikita niya ang ngiti nito sa mga labi. Umayo siya nang upo at hinaplos ang buhok ni Evren.

"I love you, Mama."

Sumilay ang ngiti niya sa mga labi nang marinig niya ang sinabi nito bago nito pinikit ang mga mata.

"I love you too, anak."

Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan. Nakita niya si Rick na nakapantulog ito. Lumapit ito sa kanya at hinagkan ang tuktok ng ulo niya. Tumayo siya at hinarap ito. Tumingala siya upang makita niya ang mukha nito. Napahawak siya sa kamay nitong nakadampi sa pisngi niya.

"Nakauwi ka na pala. Bakit hindi ka man lang tumawag para ipaghanda kita ng makakain mo? Halatang marami kang ginagawa sa opisina. Gusto mo masahiin kita?"

Umiling siya rito at ngumiti. "Hindi na kailangan. Sinabihan ko na si Inday. Halika na? Baka nasa kuwarto na ang pagkain ko."

Bago sila umalis sa silid ng kanilang anak ay inaayos na muna niya ang kumot nito. Hinila na niya ito patungo sa kanilang silid.

Nang nasa tapat sila ng kanilang silid ay pinihit niya ang doorknob at binuksan ito. Nadatnan nila si Inday na kalalapag lang nito ng pagkain niya. Nagpasalamat siya rito bago ito umalis. Nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ay agad siyang umupo sa tapat ng study table niya at nagsimula nang kumain.

"Kumusta pala ang trabaho mo?"

Napabuntong-hininga siya sa tanong nito.

"May hindi magandang nangyayari. Naaksidente ang mga tauhan ko patungong Laoag. Nabangga ang sinasakyan nila Samuel."

Sobra siyang stress dahil may naaksidente patungong Laoag City. Twenty seven minutes, mula Paoay to Laoag. Habang patungo roon ay nabangga ang sinasaatumba ang sasakyan at ilang libong nawala. Nagalit ang kanilang kliyente dahil sa pangyayari. Ilang ulit na siyang humingi ng pasensya dahil sa nangyayari, at sinigawan pa siya dahil sa inis ay binulyawan niya ang kanilang customer. Hindi man lang naisip na may aksidente at hindi naman sinasadya ng kanilang tauhan. Bukas ay pupuntahan niya ang kanyang tauhan na napuruhan at tingnan kung ano pa ang kailangan ng mga ito.

Narinig niya ang pag-usog ng upuan at tumabi ito sa kanya.

"What happened to them? Okay ba sila?"

Nilapag niya muna ang kutsara sa mangkok at tumingin siya rito.

"Sa awa ng Diyos, walang napuruhan. May kaunting galos lang ang natamo nila. Lahat sila okay. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa mga customer na hindi man lang nila iniintindi ang sitwasyon."

Hinila nito ang kanyang upuan upang magkaharap sila.

"Don't stress yourself, hon. Bawal ang ma-stress ang soon-to-be wife ko."

Natawa siya rito at sinapo niya ang pisngi nito.

"Loko!"

Mabilis na kinintilan niya ito nang halik sa mga labi. Nang lumayo siya rito ay nakita niya ang pagsilay ng ngiti nito sa mga labi. Nakapikit pa rin ang mga mata nito na para bang ninamnam pa rin nito ang paghalik niya.

Nang magmulat ito ng mga mata ay naaninag siyang kislap sa mga mata nito.

"Bakit hindi natin sundan si Evren? Sa katunayan ay malaki na siya at kailangan na rin natin siya sundan."

BURN IN DESIRE (TAGALOG) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum