Kapitulo - XVII

En başından başla
                                    

"Hija, ano ang iyo na ngalan? Mukhang ngayon ko lamang kayo nakita rito," Tanong ni Prayle Alvarez kay Dolorosa.

"D-dolorosa ang aking ngalan"

"Kay gandang ngalan,"

"Salamat po, kura. tayo na Imma" Sabay hila ni Dolorosa dahil kakaiba ang kaniyang naramdaman sa dalawang prayle.

"Dolor, Imma!" Halina kayo, tawag ni Adrian sa dalawa. Nasa kalesa na siya kasabay si Marco.

"Ang akin na pakay lamang sana ay magsimba, kayo ba ay pupunta sa sementeryo?" Tanong ni Immaculada sa kanila.

"Sí, binibini" ikling tugon ni Adrian, "Ikaw ay sumama na lamang upang may kausap si Dolor,"

Ngumiti nang tipid ang dalaga at sinundan na lamang si Dolorosa sa loob ng kalesa.

Mayamaya pa ay sumakay na rin si Don Xavier at si Himala sa naturang kalesa.

Mabagal umusad ang kalesa gawa ng mga taong naglalakad sa kalsada at nakikiramay sa mga binatang namatay.

Napagitnaan si Immaculada ni Dolorosa at Adrian kung kaya ay kanina pa siya hindi makahinga nang maayos. Hindi niya magawang kumilos sapagkat katabi niya ang lalaking inaasam niya.

PINILI na sumilong ni Adrian sa isang mayabong na puno ng akasya habang pinagmamasdan ang mga taong nakikiramay. Pati na rin ang kaniyang ama na nakikipag-usap sa ibang mamamayan. Nakita niya naman si Dolorosa na kinukulit si Marco na kanina pa seryoso at walang imik.

"Bakit mo piniling mapag-isa?" Mahinhin na tanong ni Immaculada sa binata.

"At bakit mo piniling kausapin ako?" Mahinahong tanong din ni Adrian.

Natawa na lamang si Immaculada, nakita niya naman na ngumisi at napailing ang binata.

"Lumapit ka rito, mainit diyan" Saad ni Adrian, "Ano ba kasing pagkakagawa ng payong ninyo, tumatagos ang init,"

Napatawa nang mahina si Immaculada habang nakatabon ang pamaypay sa labi.

"Kumusta ka pala, binibini?" Tanong ni Adrian sa dalaga. Nakikita niya ang pamumula ng pisngi nito. Maganda si Immaculada, mula sa buhok nitong maitim na kulot at ang maputi nitong balat. Niligawan na ito ng kaniyang kuya Marco noon ngunit bigo ang kapatid.

"Ayos lang naman ako, ikaw, ginoo? Mukhang may pinagkaabalahan ka nitong nakaraang araw,"

Napahinga nang malalim si Adrian, "May kaibigan lang akong binibisita sa isang panciteria,"

"S-sino?" Biglang kumabog ang puso ni Immaculada dahil alam niyang ang babaeng ito ang dahilan kung bakit laging maaliwalas ang mukha ni Adrian.

Ngumiti si Adrian bago sumagot, "Si Aina. Nais kong makilala mo rin siya nang sa gayon ay maging kaibigan niyo rin ni Dolor"

"Nililigawan mo na ba siya?" Nakita niyang umiling si Adrian.

"Hindi pa,"

Sa kalooban ni Immaculada ay masyadong mabigat na ang kaniyang nalalaman, ang kataga ni Adrian ay nangangahulugang may balak nga siyang ligawan si Aina, "Mabuti..."

Napatingin si Adrian sa tinuran ng dalaga na ikinaiwas nito.

"A-ang ibig kong sabihin ay mabuti at nagkakamabutihan kayo," Sabay yuko. Pilit niyang pinapalakas ang loob na hindi maiyak. Gustong gusto niya si Adrian simula noong mga bata pa sila.

"Ayos ka lang ba, binibini?" Pagtatakang tanong ni Adrian, ngunit bago pa man niya  tingnan ang mukha ni Immaculada ay hinila ng dalaga ang kaniyang kwelyo at hinalikan siya sa labi.

Via DolorosaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin