"M-mauris.." tulala paring sambit ni Tita Kath.





"How dare you show your face here?" Galit na sabi ni Tita Mauris habang yakap-yakap si Keizel habang pinapatahan ito.





"Kukunin ko ang anak ko" matapang naman na sambit ni Tita Kathy. Woah, that was the first time I heard her claiming Keizel as her daughter. Character developement na ba this?!






"How shameless can you get, Katherine? Pag katapos mong hayaang saktan ng lintik mong asawa si Keizel?" Namumula na ang mukha ni Tita Mauris dahil sa inis, galit at lungkot?





Sumulyap namn ako sa katabi ko at gusto ko nalang matawa kung wala kami sa seryosong pagkakataon, nanlalaki kasi ang mga mata nya habang nakaawang pa ang labi, naku pag iyan pasukan ng langaw!






"Akin. Na. Ang. Anak. Ko!" Madiin na bulyaw ni tita Kath. Gusto ko na umalis, huhu.






"Hindi ko siya ibibigay sayo, dahil pabaya ka. Hindi mo na nga siya matrato ng tama hinahayaan mo pa siyang saktan ng gagong asawa mo!" Sigaw pabalik ni tita Mauris.





"M-mommy.." pilit pinapakalma ni Keizel ang mommy Mauris nya.





"Wala kang karapatan na sabihan akong pabaya--"





"Meron, dahil iyon naman ang totoo na pabaya ka." Nakakatakot pala sila magalit.  "Tignan mo nga yang anak mo, ikaw na ang andito saakin parin tumakbo. Pati anak mo Katherine--"





"Let's talk." Maotoridad na wika ni tita Katherine at hinila si tita Mauris.





"Nakshit, halika muna hayaan mo muna silang mag usap." Lumapit si Alexis kay Jade at hinaplos ito sa ulo.





Nang mawala na sa paningin ko sila tita Mauris ay binalingan ko na ng tingin ang bata.





Lumapit ako rito at niyakap ito.  "Hayaan mo muna sila. Maayos din ang lahat." Ngiti ko rito.





"Lakad-lakad muna tayo" aya ko sakanila habang akbay si Jade.  "Diba may taniman kayo ng Pineapple sa Antipolo?" Tanong ko rito kaya tumango ito.





"Tangina mahal, sinampal na naman ako ng kahirapan." Saad nito






"Ako ang sasampal sayo dahil kanina pa yang mata mo na naglilikot, tingin ka nang tingin kung kanino andito naman ako!" Kulang nalang mag rap ako dahil sa inis sa babaeng ito






Ginabi na kami dahil sa pamamasyal namin. Nakakapagod, pero nakaka enjoy.

𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now